"Ano tagalog ng jeep?" binatukan ko siya dahil hindi na siya tumigil sa kakatanong kung anong tagalog ng isang salita. Nakakabwisit na!."Aray naman. Tagalugin mo nga!" utos niya saakin.
"Jeep din ata?! Tumigil ka na nga diyan!. Nakakairita ka na ah! Gusto mo batukan ulit kita?!" sigaw ko sakanya. Siya si Chain. Kapitbahay ko simula pa nung ipinanganak ako kaya naman pinsan na ang turing ko sakanya. At yun ang dahilan kung bakit komportable ako sakanya.
"Sabi kasi nila, pag marami kang tanong matalino ka. Ibig sabihin matalino ako hahahahahahah" atsaka pa pinopoint ang hintuturo niya sa ulo niya na parang pinapahiwatig niya na brainy siya. Tsk
"Alam mo? ang sarap mong sapakin" seryoso kong sabi sakanya at inagaw ang gitarang hawak niya. Nagstrum lang ako ng nagstrum kahit na hindi ako marunong maggitara.
"Ikaw naman Zhoe masyado kang panira." hindi na sana siya papansinin eh nang magsalita nanaman siya. "Anong tagalog ng electric fan?" binatukan ko na naman siya.
"Tumigil ka na sabi eh!"
"Aray naman!! curious lang ako!!"
"Ah ewan ko! di-kuryenteng pamaypay?" kumunot naman ang noo niya atsaka inagaw saakin ang gitara niya. Parang pinapakita niya saakin na mali ang sagot ko.
"Ikaw? anong tagalog nun?" tinignan naman niya ako.
"Hindi ko alam. Kaya nga tinatanong ko eh!"
Nandito kami sa bench sa university na pinapasukan namin. Palaging kami nalang ang magkasama mula pa nung bata kami kaya naman hindi na kami mapaghiwalay.
Naalala ko pa nun, siya yung nagtatanggol saakin sa mga nang-aaway saakin. Siya ang superman ko nung panahong iyon at ako daw si wonder woman.
Matagal na panahon kaming nagkasama kaya naman hindi na din ako magtataka kung may madevelop akong kakaibang feeling sakanya. Akala ko pinsan lang ang turing ko sakanya pero isang araw nagising nalang ako sa katotohanang gusto ko na siya. Hay ewan!. At wala naman akong balak umamin dahil natatakot ako lalo na popular siya sa mga girls dito sa school.
"Hi Chain" bati sakanya ng mga dumaang babae habang nagpapacute sakanya. Hmp! ang sarap sabunutan!. Or mas okay kung ilublob sa inodoro ang mga pagmumukha eh.!!
"Hello girls" bati naman niya atsaka sila kinindatan. Shete!
"Huwag ka ngang kumindat!. Hindi mo bagay!. Para kang unggoy!" sabi ko sakanya. Agad naman siyang napaharap saakin at kinindatan ako. Bumilis ang tibok ng puso ko at may nagwawalang bulate sa tyan ko. Nararamdaman ko nanaman ang kakaibang pakiramdam na hindi ko malaman kung ano yun.
"Ano? mukha pa ba akong unggoy?" sabi niya at inilapit ang mukha saakin. Ako naman lumalayo ako dahil kumakarera na ang puso ko tuwing kaharap siya, ang lumapit pa kaya siya saakin?.
"Lumayo ka nga! para akong nakakakita ng tarsier eh! Ang laki ng mata mo!" sigaw kong muli sakanya. At buti naman lumayo na siya saakin. Nahalata niya kaya na namumula na ako?! Shit!
"Uy Zhoe samahan mo ako mamaya ah? sa Mcdo para kasing gusto kong kumain ng fries eh" tumango naman ako dahil hindi parin ako makarecover sa pangyayaring iyon.
Nung pauwi na dumiretso kaming sm para kumain sa Mcdo. Naghanap muna kami ng mauupuan bago umorder dahil baka mawalan pa kami ng mauupuan. Nakahanap kami pero nasa pinakadulo. Okay na yun.
"Oy libre mo ah" sabi ko sakanya. Ngumiti muna siya at nagnod bago umalis. Agad namang nag-init ang mukha ko at buti nalang hindi niya napansin nang paalis na siya.