“Ang daming tao, ano bang meron?” tanong ni Seia. Oo nga, ang daming tao at parang may pinagkakaguluhan sila ron.
“Tara, makigulo rin tayo!” Sabi naman ni Sol na parang interesado rin. “Kayo nalang. Hintayin ko kayo sa loob.” sagot ko naman. Hindi ako interesado sa kung anong pinakakaguluhan nila. Sasayangin ko lang ang oras ko.
“Hoy! KJ ka!” Sabi ni Seia at hinampas pa ang braso ko, umakto akong hahampasin din siya pero nag tago ito sa likod ni Sol.
“Tara na kasi, Sam, malay mo diba bet mo yon edi napalitan mo na si Mr. Lawyer!” Pamimilit naman ni Sol.
Umiling ako, “Ilang minuto nalang mag uumpisa na, hindi ako pwedeng ma-late ron. Kung gusto niyo kayo nalang makigulo dyan!” pag su-sungit ko sa dalawa.
“Hay, nako! Tara na nga, baka makita pa naman natin yan mamaya.” Nag martsa na paalis si Seia. Tinawanan namin ito ni Sol at sumunod na rin.
Nang makarating sa korte ay kinausap ko muna ang kliyente ko. I asked her how she was feeling. her case is rape, she is a victim of being raped by her boyfriend.
“How are you?” tanong ko sa kanya, “Okay lang ako, attorney” naka ngiting sagot niya sakin. Alam kong mahirap sa kanya ang makita ang ex boyfriend niyang nang baboy sa kanya. That's why i promised to her that i will sent that bastard to jail.
“Girl!” Narinig ko na naman si Seia. Tinaasan ko to ng kilay bilang patanong, “Kilala ko na! Kilala ko na yung lalaking pinagkakaguluhan kanina, OMG! siya yung kalaban mo. Sana kayanin ng pantog mo, Sis. Good Luck!” napakunot ang kilay ko dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya.
Tinignan ko si Sol at nagkibit balikat lang siya. Parang gago talaga to. Bumalik na ako sa client ko dahil dumating na rin ang Judge. Wala pa ang Abogado ng kabila. He's 8 minutes late, ganyan ba ang responsible na abogado?
Nakagat ko ang dila ko sa nakita kong pumasok sa pintuan. is he the other side's lawyer? natawa ako sa sarili ko.
“Your Honor, members of the jury, my name is Brent Gideon Marquez, representing the defendant in this case.” he introduced himself.
“How are you sure my client raped you that night?” Obvious ba, Gid? Syempre sila lang dalawa non!
“Binaboy niya ako, kitang kita kong siya yon. P-pati ang mga kaibigan ko a-ay binaboy niya” Sagot ng client ko. Humagulgol ito nang maalala ang nangyari.
“You are asleep, what do you know if someone else came in and he did it to you?” Tanong naman ni Gid. To be honest he's good.
“Hindi pa ako nakakatulog non pero nung ininom ko na ang binigay niyang tubig bigla akong nawalan ng malay. At Ni-locked ko po ang pintuan sa labas, hindi po alam ni Juniel kung saan ko nilagay yon kaya hindi niya po mabubuksan ang pintuan na hindi to nasisira” Tinignan ako ni Gid at tinaasan ko siya ng kilay. I pursed my lips hiding my smirk.
It's my turn, “Your Honor, members of the jury, my name is Samantha Ariane Perez, representing the prosecution in this case.” i introduced myself first.
“You said you were sleeping that night, right?” Tumango ito sa tanong ko kaya napangisi ako.
“So how do you call the police if you're sleeping?” Nakita ko ang pag awang ng dila niya at nakita ko rin ang mukha ni Gid na napailing.
“N-narinig kong bumagsak s-siya,” i laughed a little at what he said kaya napakunot ang noo niya mukhang napikon.
“Your room is soundproof, Ms. Natasha was found unconscious at the Dining Area. So how did you hear she fell?” Napalunok siya sa sinabi ko, hindi na siya nakapag salita.
Naging mahaba pa ang oras namin don bago napatunayang guilty si Juniel. Lumapit siya sa akin nag mamakaawa, nginitian ko nalang siya bago lapitan ang client ko.
Lumabas na ako ron at tinanggal ang dalawang butones ng polo ko. Ang init sobra!
“Sam! grabe ka, ang galing mo ron!” bati ni Seia
“Infairness hindi na nautal nung nakaharap si ex!” sabi naman ni Sol. Tinawanan ko nalang sila at niyaya na silang umalis pero umiling pa sila sinabing may hinihintay.“Hoy, Attorney!” Lumingon ako dahil akala ko ay ako ang tinawag ni Seia pero nakita ko si Gid. He look at her smiling bago lumipat ang tingin sakin na nakangiti pa rin.
“Congratulations‚ Atty. Perez” pag bati niya sakin, tinaasan ko siya ng kilay. Alam kong kaya niyang ipanalo yon pero hindi niya ginawa. Bakit? naaawa ba siya sakin!?
“Congratulations‚ Atty. Marquez” binati ko rin siya pabalik, tinanguan niya ako at aalis na sana nang tinawag ko siya “Bakit?” tanong ko sa kanya. Kumunot ang noo niya sa tanong ko. “Alam kong kaya mong ipanalo ang kaso pero bakit hindi mo ginawa?” Napa awang ang dila niya sa sinabi ko.
“He deserves to go to jail. I didn't do it just for you, but also for those who were his victims before.” seryoso niya akong tinignan bago umalis.
:)
YOU ARE READING
Endless Time (MIDNIGHT SERIES #2)
Romance- Brent from De La Salle University; he studies psychology for some reason. he was a womanizer not until Aria came.