01

33 1 0
                                    

Her Cold Heart| Satzu

Chapter 01



Third person's POV

Ilang oras din ang ibinyahe ni Tzuyu papunta sa Korea at sa wakas nandito na siya. Pagkababa niya palang sa eroplano ay may isang matandang lalaki ang bumungad sa kanya. Mga nasa edad nito ay 40 na taong gulang, nakaitim na suit ang suot nito at may suot na glasses.
Agad naman itong nagbow sa kanya at ipinakilala ang kanyang sarili. "Ms. Chou Tzuyu my name is Park Jinyoung (Jypapi). Me is your new bodyguard here in korea" magiliw na sagot nito sa kanya.



Kita naman sa mukha ni Tzuyu ang pagkadismaya dahil sa akala niyang malaya na siya ay hindi pa pala bagkus kumuha pa ng bagong ang kanyang ama para bantayan ang kanyang mga ikikilos.



"Chou Tzuyu don't worry you don't need to speak in english. Nakakaintindi naman ako ng lenggwahe ninyo." Sabi nito sa kanya.




Para namang nahihiya si Mr. Jinyoung sa mga pinagsasabi niya sa kanya at napakamot pa nga ito sa ulo. Agad naman na kinuha ni Mr. Jinyoung ang mga gamit ni Tzuyu at ibinuhat ito papuntang kotse.
Pumasok na sila sa kotse at naglibot libot sa lugar. Habang nagkwekwento si Mr. Jinyoung sa mga lugar na nadadaanan nila ay wala namang paki si Tzuyu. Nakaheadset lang ito at nakikinig lang ng tugtog.



Habang nagbabyahe sila ay may nadaanan naman sila na isang maliit na streetfood kaya naman agad na bumababa sila sa kotse upang makapaglibot libot pa.
"Ma'am gus-" bigla namang napapaused ito sa kanyang sasabihin dahil bigla nalang naglakad ang babae. Wala namang magagawa si Mr. Jinyoung kundi sundan nalang ito.




"Salamat po." Magiliw na sabi ni Sana sa babaeng nagtitinda. Agad naman niyang kinuha ang mga pinamili niya at naglakad na papunta sa dormitoryo. Excited na kasi siya kaya naman nagmadali siyang maglakad na.


Habang naglalakad ay bigla namang may tumawag sa kanya. Dali-dali niyang sinagot ang tawag.
"Hello? Mrs. Lee?" Tanong nito at agad namang sumagot sa kanya ito.
"Sana paparating na pala dito yung bagong mong roommate nakapagayos kana ba?" Tanong sa kanya ng matanda.


"A-ahh opo Mrs. Lee namili lang po ako sa labas pupunta na po ako agad diyan." Natataranta niyang sagot sa matanda sabay baba ng cellphone. Nagmadali naman siya at tumakbo na papunta sa kanyang dormitoryo.
"Akala ko ba mamayang gabi pa siya dadating. Hay bahala na."
Bulong nito habang tumatakbo.

Hingal na hingal siya sa pagtakbo ngunit ipinagpatuloy niya lang ito.
Hanggang sa may isang babae. Matangkad ito mahaba ang buhok at nakasuot ng headset ang nakaharang sa dinadaanan niya. Nagkabanggaan ang dalawa dahil hindi agad napansin ni Sana iyon dahil sa nagmamadali nga ito. Agad namang tumayo ang babaeng matangkad at hindi man lang siya tinulungan nito. Nahulog halos lahat ng mga pinamili nito.
Tinititigan lang siya nito at sinabing

"Sa susunod kasi wag palampa lampa." sabay lakad nito. Hindi pa man nakakalayo ito ay isang matandang lalaki ang hingal na hingal na tinawag ang pangalan niya.
"Ma'am!" Sigaw nito at napalingon naman ang matangkad na babae. Sinundan lamang ito at lumayo Kay Sana kaya naman sa sobrang galit ni Sana ay sinusundan niya ang mga ito. Buti nalang hindi pa sila nakakalayo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Cold Heart | Satzu Where stories live. Discover now