Napabalikwas ng bangon si Thaxrein Lihn Dela Vega sa sunod-sunod na tunog ng kanyang alarm clock kaya't pinatay niya iyon.
"Ano ba yan kaaga-aga isturbo ang alarm na toh"
Kaya't bumangon nako sa maliit kong kama."Wake up Thax"..."aniya ko sa aking sarili dahil inaantok pa talaga ako kakanood ng paborito kong Kpop.Kinusot ang aking mata at kinuha ang tuwalya na nakasabit sa pader.
Ngayong araw ang aking first day sa prestihiyosong paaralan na Shenshin International School.Ako ay naging scholar nung makapasa ako sa Entrance exam ng SIS at sabi ng Dean ako ang top 1 sa lahat ng nagtake.Ito'y lubos na kinatuwa nila Inay at Itay na nagtitinda sa bangketa pero hindi ko kinakahiya ang bagay na iyon .
Dumiretso na ako ng banyo para maligo.
Pagkatapos ng limang minuto kong maligo ay lumabas nako ng banyo at sinuot ko na ang long sleeves na puti at denim na palda tsaka ang boots kong itim na madali na magsalita.
Humarap ako sa salamin na pinagdikit dikit ko na lang ng shoe glue.Sinuklay ko ang aking mahabang buhok at tinali ito ng tirintas.I loved my colored ginger hair lalo't bagsak na bagsak ito kahit madalas lang ako magshampoo kasi nga poorita ang beshy niyo.
Dinampot ko ang pekeng Jansport black bag at kinuha ang keychain na stitch at sinabit sa bag.
Nilagay ko ang mga notebooks at
ballpen na nakalagay sa karton.
Wala pang benteng minutos ay tapos nako sa pag aayos.Kung kaya't lumabas nako sa kyot kong kwarto.Nakita kong walang tao sa kusina at sala kaya lumabas nako ng bahay dahil alam kong alas singko pa lang ng madaling araw ay nakaalis na sina Itay at Inay.
Naglakad nako palabas ng iskinita para maglakad sa highway para sumakay ng jeep.Sakto na paglabas ko ay may padaan ng jeep kaya pinara ko ito agad.Sumakay nako at mabuting hindi siksikan ang aking nasakayan.
"Bayad po Manong sa SIS lang po" ani ko
"Ineng janitor ka ba dun?" Tanong ni Manong habang nakatingin sa salamin
"Si Manong joke ho ba yan kasi nakakatawa ho HAHAHAHA"
"Agang aga sa tingin mo magjojoke ako"
"Mas lalo na ho ako ayaw ko makipagbiruan sa inyo at estudyante ako roon"
"Hindi kasi halata Ineng tsaka alam ko mayayaman ang nag aaral dun tsaka balita ko limang estudyante lang kada taon ang kinukuha na scholar sa SIS"
"Eh top 1 pa nga ako dun kaya believe me Manong nothing is impossible lalo't maganda pa ako"
"Ineng naman maniniwala na sana ako sa top 1 pero sa ganda san banda sa paa ba HAHAHAHA"
"Ewan ko nga sayo Manong"
Tumingin na lang ako sa labas ng bintana pagkatapos ng pag uusap namin ni Manong dapat yung first day ko good mood eh kaso badtrip na gigil ako masyado ni Manong.
Di ko namalayan kakadaydream ko andito na pala ako sa tapat ng SIS.Pano ko nalaman syempre prumeno ba naman si Manong ng malakas.
"Hoy!Babae sa susunod kasi magfocus kanina ka pa tinatawag ni Manong na malapit na eh ikaw tulala ka jan sa bintana tignan mo lumakas preno ni Manong" palakang pasahero
"Tse!" Ani ko at bumaba na ng jeep hayys pero nung tumapat nako sa gate ng SIS napanganga ako sa laki ng school.
"Psst"
"Hoy"
"Iha tumutulo na laway mo" pitik sa noo ng kung sino sa akin.Pagtingin ko si Manong guard pala na sinusuri na ata ang buong pagkatao ko kasi tinitignan hanggang ulo at paa ko.
"Kanina pa kita tinatawag Iha masyado kang bingi yung totoo naglilinis ka ba ng tenga"
"Kita mo naman Manong amaze na amaze ako sa school panira ka" simangot kong sabi habang kagat kagat yung kuko ko
"Eh yun na nga eh alam kong nakakaamaze ang school na toh pero nakaharang ka sa daan baka masagasaan ka pa"
"Uyy si Manong concern sa akin"
"Oh anung ginagawa mo rito aber"
"Malamang Manong papasok ng school alangan naman magshoshopping"
"Ahh oo na familiar yung face mo kasi ikaw ata yung top 1 na nakapasa sa exam "
"Syempre ako na toh si Thaxrein Lihn Dela Vega" proud kong sabi at kumembot kembot pa HAHAHAHA
"Aissh tama na yan baka bumagyo pa sa sobrang hangin"
"Grabe naman po kayo Manong guard tsaka btw san po rito yung Dean's office" tanong ko at pumasok naman si Manong Guard sa Guard Quarters at may binigay sa akin
"Oh ito yan ang mapa dyan mo malalaman kung saan"
"Okay Thank you Manong Guard" ani ko at tumalikod na at baka mas humaba pa pag uusap namin
Hindi naman sinabi ng Dean na magiging Dora the explorer pala ako sa first day of school.
YOU ARE READING
My classmates are the TFN
Teen FictionThe girl who name Thaxrein Lihn will meet the 9 boys of TFN under MLD Entertainment in her campus
