START

2 0 0
                                    

     Ako si Savria Perez , 21 years old at nag-aaral sa Don Mariano College University. Kasalukuyan akong nag-aaral bilang third year student sa kursong Civil Engineering.  Simpleng babae, makinis, friendly at matalino. Dalawa kaming magkapatid , ako at si Kyle Lourenze Perez, Grade 12 student. Simple lamang ang aming pamilya, ang aming mga magulang ay may-ari ng dalawang branch ng aming coffee shop sa Ilocos at Ilocos Sur.


“Savria, gising na. Mala-late ka na naman sa eskwelahan”, sigaw ng aking ina mula sa kusina.

*Kring!Kring!*
Kasabay ng pagtunog ng alarm clock ang pagbangon ko at deretsong naligo.
“Okay na ito, bagay naman sa’kin”, sambit ko habang nakatingin ako sa salamin. Naglagay lang ako ng sunscreen sa aking mukha at hindi makapal na liptint sa aking labi at sinuklay ang medyo katamtamang laki ng aking buhok. Lumabas ako sa aking kwarto at naamoy ang paborito kong adobo na ulam namin sa umagahan.

“Bye ma,pa”, sabay halik sa pisngi nila.

“Good morning”, bati ko sa aking mga kaibigan.
“Good morning, Savy”, sabay-sabay nilang bati.

“ Alam niyo ba, may napagtanto lang ako. Bakit kaya laging sumusulyap si Zen sa room?”, biglaang tanong ni Mary. Napaubo ako nang biglaan dahil sa biglaang tanong nito.
“Baka may gusto rito, baka siya”, sagot ni Princess habang ang nguso ay nasa direksyon ko.
“Tumigil ka nga, baka si Sophia. Ang ganda kaya niya. At saka study first ako ”, sambit ko sa kanila
“ Noong high school pa’yan, ‘di ba naging crush mo si Je-xsqdjuwbs”

Agad kong tinakpan ang bibig ni Althea. Ang daldal talaga nito simula pa  noong una kaming magkita at magkakilala.
*Kring!Kring!*

Tunog ng bell at hudyat na magsisimula na ang klase kaya  umayos na  kami ng upo. Pagkatapos ng unang klase ay tumambay muna ako sa may library at nagbasa-basa sa mga lessons namin sa iba’t ibang subject.

Habang nagbabasa ako ay nakita ko si Zen sa isang lamesa, nakapokus ito sa ginagawa at napatitig lang ako sa mukha nito. Ang gwapo pala niya kapag tinitigan mo nang mabuti, makinis ang mukha na wala man lang kahit isang pimple ang dumako, ang magulo nitong buhok dahil ginulo yata kanina noong hindi maintindihan ang ginagawa. Ang kilay ay katamtaman lang ng kapal, may katangosan ang ilong at pink lips. Napaiwas ako ng tingin nang bigla siyang tumingin sa akin.

“ Shaks! May klase pa pala ako”, dali dali akong tumayo at tumakbo papuntang susunod na subject.
“Ang hirap naman yata nito, ‘di ko magets”, bulong ko noong tungkol sa mga measurements na hindi ko lubos maintindihan ang leksyon namin.
“What if gumawa ako ng mission kung sino ang tinitignan ni Zen sa room at I’ll make him like me back?, hmmm pwede ko namang simulan ngayon na kaso huling subject na namin to ngayon umaga”, sambit ko sa aking sarili habang sumasagot sa aktibidad na ibinigay ng aming Professor.

Pagkatapos ng aming klase ay uuwi na sana ako para mananghalian sa apartment at matulog sana saglit kaso biglang humarang sa harap ko ang tatlo.

“Tara samg, libre ko”, biglaang sabi ni Althea.
“Sama ka na since libre naman”, sunod ni Mary.
“Eh—----”, sasagot na sana ako nang bigla akong hinila ni Mary papuntang parking lot at isinakay sa kotse niya. Sumama na lang ako. Sayang ang plano ko, first try mission failed agad.

Althea POV
Nagplano kaming tatlo na magsamg mamayang tanghalian tutal noong birthday ko ay hindi ko
sila nailibre kaya ngayon na lang. Nasa klase pa si Savy kaya dadaanan na lang namin.
“ Tara samg, libre ko”, pamungad ko kay Savy. Mukhang ayaw sumama kaya hinila ni Mary hanggang parking lot at isinakay sa kotse ko.

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon at nasa gilid ang pwesto namin.

“HAHAHAHAHAHAHA, ganon ba iyon akala ko simple lang gawi,  iba tuloy ang nagawa ko sa ipinagawa ni sir”, sambit ni Princess.
“Baka iyang jowa mo na naman kase ang nasa isip mo, review na nga lang hindi mo pa magawa”, sambit ni Savy habang nagluluto.
“ Tama na nga ‘yan, baka mabulunan pa kayo, lalo na ikaw matakaw ka pa naman”, sambit ko habang itinuturo si Princess.

Pagkatapos naming kumain ay inihatid ko na si Savy sa apartment namin at ang dalawa ay pumunta na sa kanilang klase. Mamayang alas tres pa ang klase niya at ako ay alas dos. Late na ako kaya tumakbo ako papuntang classroom nang bigla kong nabangga ang may malapad na dibdib.

“Hayst, late na ako. Ano ba! Paharang-harang sa daanan”, singhap ko sa nabangga ko.
“Excuse me, ms.”, sabi nito.
“Owemji ka Thea”, bulong ko sa sarili ko. Alam kong siya ‘yan, si Professor masungit na gwapo.
“Ah ehem, sorry sir. Una na po ako”, malumanay kong sabi at dali-daling naglakad. Ang akward, big time crush ko pa naman ‘yon. Sayang professor ko, hindi pwede pero ipilit natin , hehe.

SAVY’S POV
Sa araw- araw kong pagmamasid wala namang iba sa inaasal niya pati na ang pagsulyap sa classroom. Minsan nahuhuli ko siyang tumitingin ngunit ang huli ay nagkakatitigan kami at biglang iiwas ng tingin. Ang ingay-ingay ng kanyang mga kaibigan kaya nagsilbing senyales na sa akin iyon na daraan sila sa hallway sa harap ng classroom namin.

“Savy, makikisit-in daw tayo sa Section A mamaya. Since Section A tayoo, partner-partner lang daw sabi ni Prof”, mahabang saad nito. Sa Section A pa talaga, umaayon sa’kin ang tadhana ngunit malas din. Tumango na lang ako bilang sagot at nagpokus sa binabasa ko.

“Ms. Perez and Mr. Delos Santos, kayo ang mag -partner  sa presentation”, saad ng aming Professor. Tumango na lang ako tinignan si Zen.

“Ehem”, nagulat ako nang may tumikhim sa aking likuran . Napabaling ang aking tingin at bahagyang nagulat nang makita ko siya.
“ Presentation”, sabi niya. Oo nga pala, buti nakapaghanda ako baka napahiya na ako kanina pa.

Nakatingin lang kami sa magandang view  dito sa rooftop  at hindi na nag-imikan pagkatapos ang pag-uusap namin sa plano.

“ Bale ako ang introduction at kalahati ng katawan ng presentation. Dapat kabisado ang linya at pag-aralang mabuti ang presentasyon”, tumango na lang ito bilang sagot. Tatayo na sana ako para magligpit ng mga gamit kaso natisod ako . Naramdaman ko na parang nakalutang ako at nang pagdilat ko ng aking mata ay naalalayan pala ako ni Zen kaso ang mga mukha namin ay sobrang lapit. Bigla akong tumayo at nagsorry, dali-dali akong  nagligpit ng mga gamit at umalis na.

“ Tara Sophia library tayo”, aya ko kay Sophia.
“Tara! Sana malamanan pa itong utak ko”, tumatawag sambit niya.
“Ang dami nang laman niyan, siksik pa”, natatawa rin sagot ko habang naglalakad kami.
“ Eh ikaw nga halos oras-oras ka laman ng library”, sagot nito
“ Advance reading ‘yon para mal—---- opssss”, may bumangga sa’kin.
“Hi, sorry”, sambit niya.  Bigla kong naalala ang sinabi niya sa rooftop .
“Tara na Zen, naghihintay na si Gera”, aya ng kaibigan niya at umalis na. Gera?  ‘Ypng gusto niya ba ‘yon? Hayaan mo na malalaman ko rin . Biglang sumikip ang dibdib ko dahil sa aking inisip. Napansin ko lang kay Sophia, hindi mapakali na marahang hinihila ang  kamay ko ngunit isinawalang bahala ko na lang iyon.
“Sino iyong Gera, Sophy?”, tanong ko rito. Nacu-curious ako.
“ Pangalan ni Elaiza, Elaiza Gera kase ang pangalan niya”, sagot nito. Kaklase namin si Elaiza so siya nga ang gusto ni Zen. Tumango na lang ako bilang sagot. Itinuon ko na lang ang aking atensyon sa binabasang libro.

“ And that’s our presentation about foundation”, sabay naming sambit at nagpalakpakan ang aming mga kapwa estudyante.
“ Ayieee, bagay sila ‘di ba. Archi. Delos Santos at Engr. Perez. ‘Engr. Savria Delos Santos’  OMG guys bagay”, hiyaw ng isa naming kaklase. Ngumiti na lang ako sa kanila at umupo na.

Simula noong makisit-in kami sa section nila ay doon na kami namalagi dahil same subjects rin kami at related ang mga inaaral namin. Kadalasan, ako ang ang nagrerecite  at napapasabi na lang sila na ‘yan ang future Mrs. delos santos’. Pinabayaan ko na lang sila kahit kinikilig ako deep inside. Hindi naman siya umaangal na sana sabihing ‘Masasaktan si Gera, tama na ‘ pero wala . Nakikisabay pa nga si Gera sa mga kaklase namin. Naguguluhan ako.

*Kring!Kring*
“ YES! Makakatulog na ako nang sampung oras”, hiyaw ng aking kaklase.
“Pwedeng habangbuhay na lang?”, sabat ng isa.
“G*g* mo pare”, sagot nito sabay batok. Nagtawanan naman ang buong klase sa inasal nila.

“Hi Zen”, sambit ko
“Hello, congrats nga pala sa proposal na ginawa mo”, sambit nito. Nginitian ko lang ito at ibinigay ang chocolate na hindi ko naibigay noong presentation.
“ Salamat, Savy”, dali-dali itong tumakbo papasok ng room.

Sa isang taon, napapansin ko na may lagi siyang sinusulyapan kahit saan man kami ng aking mga kaklase. Hindi ko alam kong ipagpatuloy ko pa ba itong ginagawa ko, parang wala namang resulta. Malaman ko lang kung si Gera ba talaga titigil na ako. 

Habang naglalakad ako sa hallway, narinig ko ang usapan nila Zen kasama ang mga barkada niya. Nakatalikod sila sa may pintuan kaya hindi nila ako nakita.

“At ikaw, umamin ka na kase kay Gera pare”, saad ni Calvin.
“ Saka na ako kapag okay na”, saad ni Zen. So it means si Gera nga, mission failed and moved-on agad tayo. Hindi ko na kaya ang mga narinig ko. Umalis ako pagkatapos ko marinig ang mga katagang iyon.

“Saan kaya ako pupunta ngayon?”, tanong ko sa aking sarili habang nagliligpit ng aking mga gamit.
Dali-dali akong umuwi sa apartment at nagbihis ng oversized shirt na naituck-in sa ripped jeans na suot ko at white shoes. Naglipbalm lang ako at sweet scent na pabango at lumabas. Hindi muna ako uuwi sa bahay ngayon, I will spend the weekend here. Hindi naman siguro boring. Sumakay na ako sa tricycle at pupunta ako sa mini park.

“ Bayad po manong, sayo na po ang sukli”, ani ko sabay abot sa singkwenta pesos.
“Salamat hija”, saad ni manong.
Derederetso ako sa hallway na puno ng tulips at mga letters. Nagbasa basa ako sa mga nakasulat ng may mabasa ako. Naagaw nito ang atensyon ko dahil kulay purple ang papel.

“Omg, bakit nandyan pangalan mo Savy. Anong I like you turns to I love you?. Tss, sino ba ito bakit wala kasing pangalan”, bulong habang luminga linga sa paligid. Kinuha ko rin ang notepad ko at nagsulat. Che! Kay Zen lang ako mahuhulog kahit iba ang tinitignan niya sa room.

Pagkatapos kong maidikit ang sagot ko sa sulat ay pumila ako sa Korean Cart. Ang daming tao pero para sa cravings.  Umupo muna ako sa may bench habang kinakain ang binili kong fishcake at tteokbokki nang mapadpad ang tingin ko sa hallway.

“Zen?”, biglang sambit ko. Dali-dali akong tumayo at nagmamasid kung ano ang binabasa niya roon.
“Aray, ang init “, hindi ko kase inihipan kaya napaso tuloy ang dila ko. Tumakbo ako papuntang bilihan ng dragon fruit juice at dali-daling ininom. Bumalik ako sa hallway pero wala na siya. Titignan ko pa sana ang mga sulat kong may isinulat siya para sa gusto niya pero ang sakit ng dila kong napaso kaya naglibot-libot na lang ako sa parke.

“Lunes na naman, sigurado marami na naman tayong gagawin. Graduating na kaya tayo”, sambit ni Mary. Magkakasama kami ngayon kase may isang oras na bakante kami at sabay-sabay pa.
“Oo nga, baka sobra pa sa hell week ang gagawin ng mga Professor natin”, sagot ko naman. Paano ba naman kase kung magbigay ng mga activities tambak-tambak puro acting, video, plans, at ang huli ay tesis.
“ Nagsabi na nga ang aming Professor tungkol sa tesis na yan, bye beauty rest na naman ko , hello big eye bags”, nalulungkot na saad ni Princess.
“Hoy, Althea. Tulala ka, iniisip mo ba si sir pogi mo?”, natatawang tanong ko.
“Hoy hindi a, tesis ang iniisip ko, oo, tesis hehe”, napatango na lang kami sa sagot nito. Halata naman. May namamagitan kase sa kanila, nanliligaw ata si sir pogi este Sir Mark.

At naging busy na nga kami sa kanya-kanyang mga gawain. Minsan napapansin ko na parang ako ang tinitignan ni Zen pero masakit mag-assume. Pero kung ako nga, eh ano naman jokes. Basta kung sino man iyon, go lang . Kahit ikakasakit ng aking puso kung iba support ako sa lovelife nila. Pero seryoso, nagmission lang ako tapos ako naman itong nahulog. Hindi ko nga alam kung kailan ako nahulog basta simula Grade 11 minamanmanan ko na siya.

“Engr. Savy”, hiyaw ni Sophia. Napalingon naman ako sa kanya.
“ Hindi mo na ba ire-revived iyang mission failed mo?”, tanong nito. Umiling ako.
“Ayokong umasa Sophy, alam mo na ako”, singhal na sagot ko. Totoo naman kase ayokong umasa.
“ Alam kong gusto mo pa rin siya kahit iniyakan mo nang todo at hindi mo siya pansinin alam kong may nararamdaman ka pa rin sa kanya. Kilalang-kilala kita Savy”, mahabang lintanya nito

ZEN POV
“At ikaw, umamin ka na kase kay Gera pre”, saad ni Calvin habang tinatapik si John. Umiling- iling lang ang tugon ng binata.
“Saka na ako kapag okay na”, saad ko naman sa mga ito. Kasalukuyan kaming nasa  cafeteria ngayon.
“Oo nga pre, patapos na ang klase isang sem na lang. Baka masungkit pa ng iba si Ms. Savy”, umiling-iling na sabi ng aking kaibigan sabay tapik sa balikat ko.
“Natatakot ako, what if hindi ako gusto ni Savy?”, malungkot na sagot ko rito.
“Hindi mo lang alam”, sagot nito pabalik.

Nasa hallway si Savy sa mini park at binabasa ang mga nakasulat. Aamin na ako. Alam ko naman na may mission siya sa’kin, sinabi ni Sophia noong narinig niya raw ang usapan namin kaso iba yata ang naintindihan niya. Nagulat ako, kaya pala umiiwas ng tingin kapag nagkakatitigan kami.
“Savy”, tawag ko sa pangalan niya. Napalingon ito at nang makita ako aalis na sana ngunit pinigilan ko siya at yinakap.
“Ehem, pakitanggal po ang yakap Mr.  Zen”, saad nito. Dinig ko naman ang malakas na tibok ng puso nito.
“ Hindi ko hahayaang makawala ka pa, Mahal kita Savy, matagal na”, pag-amin ko sa kanya.

SAVY’S POV
“Ayiee si Engr. Savy, may Architect Zen na”, sigaw na sabi ni Sophia. Nagsitilian naman ang aming mga kaklase.
“Ms. Savy nandyan na sa labas ang Architect mo,sabi ko na nga ba eh future Mrs. Delos  Santos”, biglaang saad ng loko kong kaklase. Nagpaalam na ako sa kanila at lumabas na.
“Hi, my Engr.”, nakangiti niyang bungad at hiwakan ang kamay ko. Nginitian ko ito pero sa kaloob-looban ko ay kinikilig na.
Akala ko ay hindi ako kilala ng mga magulang niya pero lagi pala niya akong ikuwinekuwento. Masayang niyakap ako ng kapatid niyang babae. Matagal na gusto niya akong kausapin kaso pinipigilan siya ng kuya niya. Puno ng tawanan at kwentuhan ang gabing iyon. Inihatid niya ako sa bahay namin at nakuha pang makichismiss sa mga magulang ko. Ang sweet at caring niya, palatawa rin siya. Magiisa’t kalahati na siyang nanliligaw at hindi siya nagsasawa. Kaibigan ko na nga, manliligaw ko pa. Sa gabing umamin siya, sinabi niya sa’kin ang lahat at ang nakakagulat ay simula pala Grade 11 gusto na niya ako pero malihim siya.

“Engr. Savria Delos Santos, Suma Cum Laude”, kasabay ng pagtayo ko ang malakas na palakpak ng ibang mag-aaral.
“Congratulations, anak”, sabay na bati ng aking mga magulang habang ako’y sinasabitan ng mga medalya. Pagbaba ko ng hagdan ay hindi ko mapigilang maluha dahil sa wakas ay graduate na ako, civil service exam na lang ang kulang para maging ganap na engineer. Nakita ko sa malayo si Zen at may banner pa talaga. Kinawayan at nginitian ko ito. Si Zen ay nagawarang Magna Cum Laude at proud ako sa kanya.
Pagkatapos ng seremonya ay lumapit sila ng kanyang mga magulang at magpipicture raw kami. Nagulat ako ng tumingin ako sa kanya at may hawak na bouquet na purple tulips at may nakasulat na ‘ Congratulations, My Engr’.
“Thank you, bum”, nakangiti niya akong yinakap.
“Sabi ko po thank you, bum”, pag-uulit ko rito. Tinignan niya ang aking mata at nagulat ng napagtanto ang sinabi ko. Sinabi ko sa kanya na ‘Bum’ ang itatawag ko sa kanya kapag sasagutin ko na siya.
“ Sinasagot na kita, My Architect Zen, niyakap niya ako at nagpalakpakan ang mga magulang at kapatid namin.
“ I love you”, sabay halik nito sa noo ko. Tumutulo naman ang kanyang mga luha habang yakap yakap ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mission Failed Successful Where stories live. Discover now