[Hello, Sino 'to?]
Huminto ako sa gilid ng kalsada. Naglalakad kasi ako. Pupunta ako sa national bookstore 5 minutes lang naman sayang kong sasakay pa ako. Mas mabuti pang ibili ko 'yon ng libro.
Bigla na lamang may tumunog sa bulsa ko. Kinuha ko ang phone ko na naro'n at sinagot ang tumatawag. Hindi familiar 'yong phone number n'ya kaya napakunot noo ako.
Magsasalita sana ako pero sa paglapit ko sa tainga ko yong phone ko ay may nagsalita na.
[Anak, bumili ka nga ng manok, paminta, patatas at sili labuyo.]
Si mama lang pala. Oo nga pala kakapalit lang ni mama ng number. Hindi ko nasave. Hay naku. 'Apaka makakalimutin ko.
[Sige po, Ma.]
[Sige, anak ingat ka d'yan.]
[Opo.]
At pinatay na niya.
Pumara ako ng jeep. 10 minutes kasi papunta ro'n . Malalagpasan ko bookstore. Bahala na. Pwede naman akong bumalik.
Sa pagkaupo ko sa jeep ay nagnotif na naman phone ko. Chineck ko ito.
From Sis:
Sis, napasa ko na kay sir yong video.Hindi na ako nagreply kasi kapag nagreply ako hahaba ang usapan. Hindi naman sa wala akong interes sa pakikipagusap sa kanya pero baka malagpasan ko palengke kapag nakipagusap ako sa kanya.
"Kuya, magkano kilo ng manok?" Nandito na ako sa palengke. Masyadong maingay. Kaya ayoko kumabas, eh.
"220, Miss." Busy sa pagchachop si Kuya.
"Isa pong kilo." Kumuha ako ng parte ng manok at inilagay sa kilohan. Chinop na rin to ni kuya. Pagkatapos ay binigay sa akin.
Bumili na rin ako ng paminta, patatas at sili labuyo.
Palabas ako sa palengke. Papara sana ako ng jeep. Pero may nakita akong book store. Sa harap ng palengke.
Hindi ko alam na may book store dito. Dati kasi wala. Siguro nga 'di ko napapansin na nagpatayo sila. Ngayon lang ata ako nakapunta ng palengke pagkatapos ng isang buwan.
Dali dali akong pumunta doon. Mahilig ako sa libro, eh.
Pagpasok ko sa book store isang malakas na malamig na hangin ang sumalubong sa akin.
Pinagtataka ko rito ay bakit walang tao. Counter lang ata tao rito. Sa national book store maraming tao. Eh, dito hindi.
Bakit ko ba pinagcocompare?
Siguro kakabukas lang nila. Hindi ko rin 'to napansin.
Dumeretso na ako sa first aisle. International ang book sa first aisle. Kumuha ako ng isa. It ends with us binili ko by Coleen Cover. Trending 'to na libro sa tiktok. Sa pangalawang aisle ay learning book at kids book. Bumili ako don ng isa. Para sa kapatid kong babae. Binabasahan ko kasi s'ya pag natutulog.
Hindi familiar sa akin ang title ng kids book na to.
Sa pangatlong aisle ay tagalog books. Bumili ako isa. 29th February ang title by Ma. Ana Theresa Cruzate. Horror sya. Mahilig pa naman ako sa Horror.
Isang oras ang ginugol ko sa paghahanap ng mga librong 'yan.
Papunta na ako sa counter. Nang may mapansin akong isang libro sa sahig malapit sa counter.
Pinulot ko ito at ibabalik sana kaso maganda ang cover at mura pa kaya binili ko nalang.
"Ito po." Nilagay ko sa counter yong librong pinili ko.
"Hija, sa'n mo to nakuha?" Napatingin ako sa lalaki. 50's na ata sya. Gulat n'yang tinitingan ang libro.
"Dyan lang po." Tinuro ko sahig. Pinakita kasi niya yong napulot ko kanina.
"Kukunin mo ba talaga 'to, Hija?"
"Opo, bakit po?"
"Wala." Nilagay na niya sa paper bag ang libro. Kinuha ko na ang paper bag at paalis na.
"Tinapon ko na 'yon. Bakit... nandyan na naman s'ya." Narinig ko parin ang sinabi ni Manong.
"Po?" Humarap ako sa kaniya. Baka ako kausap.
"Wala, hija."
Pumara na ako ng jeep at sumakay na. Nakarating na rin ako.
"Ma, ito na po." Nilagay ko sa lamesa ang pinagbili ko.
"Anak, salamat."
"Ma, akyat mo na ako."
"Sige, anak."
Umakyat na ako sa taas. Dalawang floor ang bahay namin. Sa taas mga kwarto sa baba yong kusina, sala, bodega, cr at labahan.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay nagbihis na ako. Hindi ako naligo. Kakaligo ko lang sa bahay ni Sammy. Nilapag ko pinagbili ko na libro sa study table ko.
Humiga ako at nagreply kay Sammy.
To Sis:
Nilista mo ba pangalan ni Ron at Shawn?From Sis:
Oo, alam mo na chismis?Heto na naman sya at ang chismis nya. Natigil lang kami sa pagchachat ng tinawag ako ni Mama.
"Ate, kain na daw po tayo." Kumatok si Robi bago nagsalita.
"Sige, pababa na."
Robi is 9 year old boy. Inoff ko na ang phone ko at nagpaalam kay Sammy.
Pagbaba ko nakaupo na silang lahat pati si Papa dumating na. Umupo na ako sa upuan ko at nagsimula kami magdasal pagkatapos ay kumain na kami.
"Ate, 'di ba mahilig ka sa libro." Natigil ako sa pagkain at tumingin kay Robi.
"Tapos?"
"Sabi ng kaklase ko po. May isang libro daw po na sinumpa. Tapos po sino makakabasa nong libro, mangyayari daw po ang nakasulat sa libro na binasa mo po sa buhay mo po."
Ito rin chismis sa akin ni Sammy.
"Anak, wag kang magpapaniwala d'yan tinatakot kalang nang mga kaibigan mo." Napatawa na lamang si papa.
"Oo nga, Anak."
"Pero po--."
"Kuya, ikaw nagsabi niyan 'no?" Tiningnan ko si kuya. Ngumisi sya. "Ikaw talaga kong ano ano pinagsasabi mo kay Robi."
"Kakasabi lang ni Robi na sabi ng kaklase n'ya. Bingi kaba?" Tinitigan ko nalang si Kuya ng masama.
Sumubo na ako ng pagkain. Hindi ako naniniwala sa chismis.
"Totoo raw po 'yon."
BINABASA MO ANG
The Book
HorrorEverything began when she brought the book... Belyn is a voracious reader. She read a book every day. She intends to visit a bookstore one day. Sunday had arrived. She also goes to the public supermarket because her mother asks her to. Belyn had no...