1. Sa Kanyang Paglisan

6 0 0
                                    

Ang buhay ni Fidel sa labing tatlong taon na pagkawala ng kanyang buhay na si Maria Clara "Klay" Infantes.

---

Maari ba nating makamit ang pinakamimithing kalayaan?

Yan ang katanungan na laging namumutawi sa isipan ni Fidel kapag sumasapit ang huling mga buwan ng taon, lalong lalo na sa buwan ng Disyembre, kung saan nawala ang lahat sa kanya. Ang kanyang kompanya, ang kanyang karangalan bilang isang Illustrado na bantog sa buong San Diego, ang kanyang Amigo, ang kanyang Pinakamamahal....

Ngunit sa buwan din na ito niya nakita muli ang kanyang Buhay...

---

Batid ng karamihan sa mga kasamahan ni Fidel sa kuta ng mga rebolusyonaryo kung ano ang nangyari sa sa kanilang Pinuno na kanilang tinawag na Naliwanagan (upang maitago ang kanyang tunay na pagkatao), alam ng mga nakakatanda kung sino talaga siya, ngunit sino bang hindi? Ang pinakamayaman na negosyante sa buong San Diego, batog sa kanyang gawi at kilos na mapagmataas at pilyo lalo na sa mga kababaihan, kilala rin bilang ang matalik na kaibigan ni Crisostomo Ibarra na isang erehe at filibustero. Maraming bulong bulungan sa kuta kung ano talaga ang nangyari sa magkaibigan at sa dalagang madalas nilang kasama sa San Diego.

Ang dalaga ay kilala sa ngalang Binibining Klay, siya ay madalas makita noon na kasama Si Crisostomo Ibarra y Magsalin, Fidel Delos Reyes y Maglipol at Maria Clara Delos Santos y Alba, isang maliit na babae na tila ba may lahing Sangley. Alam ng lahat na siya ay isang dayo sa San Diego na dinala doon ng kanyang "pinsan" na si Crisostomo Ibarra, ang bulong bulungan ay marunong ang dalaga mag Ingles at manggamot (isang kalapastanganan!), ngunit ang iba naman ay sinasabi na siya ay isang mangkukulam. Minsan ay nabanggit ni Mariano na dating trabajador ni Naliwanagan na si Binibining Klay ay isang kakaibang babae na hindi makikitaan ng kahit anong asal ng isang babaeng makikita mo sa bayan na ito, siya ay naiiba sa lahat, may mabuting puso at lakas ng loob.

Ilan din sa nakapasok sa kubo ni Naliwanagan ang nakakita sa isang larawan na guhit kamay na nagpapakita ng isang babaeng may napakagandang ngiti na tila ba nagpapaliwanag ng iyong umaga. Sinabi sa kanila noon ni Taga-Usig na ito ang babaeng nagligtas ng kanyang buhay, ang dahilan kung bakit sya lumalaban hanggang ngayon. Ngunit ang tanong ng karamihan ay sino nga ba ang babaeng ito, na tila ba isang anino ng nakaraan ng kanilang mga pinuno? Isang babae na nagbibigay sa kanila ng kalakasan kahit wala siya sa piling nila.

Tuwing Simbang Gabi taon taon ay dumadalo ng misa de gallo si Naliwanagan, wala siyang pinapalampas na misa, alam iyon ng lahat. Sinabi ni Mariano noon na ito ay tradisyon ng kanilang pamilya, ang sabi naman ni Lucia ay mayroong hiling ang binata na gusto nya matupad, isang dalagang gustong makita at makasamang muli, ang araw-araw na pinag darasal ng binata sa kanyang kubo pag sapit ng gabi. Ang babaeng nag bibigay sakanya nang lakas ng loob na isugal ang kanyang buhay tuwing gabi ng Disyembre upang dumalo sa misa.

Sa kalahating dekada nang namamalagi ang mga rebusyonaro sa kagubatan ng Laguna, madami na sakanila na nahuli at napaslang ng mga guardia civil ngunit patuloy parin sila sakanilang ipinaglalaban. Nagbabaga ang apoy sa kanilang mga puso na mapalaya ang kanilang inang bayan sa mga mananakop na umabuso sa kanila. Ang kanilang mga puso ay nag kakaisa sa layunin na iyon, ngunit hindi lahat ay nagkakaisa sa pananaw na ang mga kababaihan ay dapat makipaglaban kasama ang mga lalaki. May mga miyembro na mas gusto na ang mag kababaihan ay namatili sa kuta dahil sila ay walang kakayahang ipag laban ang kanilang sarili, bagaman napatunayan na ni Lucia at Helena ang kanilang mga sarili, hindi pa ito sapat sa mga kalalakihan na may mababaw na kaisipan.

Isang putok ng baril ang namutawi sa katahimikan ng gabing iyon ng magpakawala ng bala ang ripleng hawak ni Naliwanagan.

"Wala kang karapatan humusga kung ano ang dapat at hindi dapat na gawin ng isang babae, wala kang alam kung ano ang kanilang mga kakayanan at talino. Hinding hindi ko na maririnig ang ganyang mga salita dito sa kuta o gusto nyong lahat na humarap sa dulo ng aking riple?"

Klay and FidelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon