Only once in your life, I truly believe, you find someone who can completely turn your world around. You tell them things that you've never shared with another soul and they absorb everything you say and actually want to hear more. You share hopes for the future, dreams that will never come true, goals that were never achieved and the many disappointments life has thrown at you.Lahat ng mga bagay na hindi mo kayang gawin ay magagawa mo. Masasabi mo nalang na, bakit ako lang yung pinana ni kupido?
Kalmado akong naghihintay ng pagkakataon na ipasok sa usapan ang oras ng gimik mamaya. Huminga ako ng malalim habang nakatutok pa siya sa pinagkakaabalahan.
"Same time?" tanong ko sa kaharap kong si Jasy na busy sa pagkalikot ng cellphone niya
"Akala ko ba ayaw mo na mag bar?" nakaharap man sa cellphone ay inis na ibinalik niya agad ang tanong sa'kin "tagal mo ng di bumabalik doon ah?" Dagdag niya pa
Napangiwi ako at kinatok nalang ng mga kuko ko sa daliri ang lamesa. Wala na talaga akong balak, sana, kaso nga lang napaginipan ko nanaman siya kagabi, kaya ayon magdamag kong inisip kung kamusta na ba siya.
"Sisilip lang talaga ako saglit lang" pinagdikit ko pa ang palad at pinakita ang pagkurap ng mata ko
"Jusko Elina!" may pandidiri niyang tingin
Umayos ako ng upo matapos mapapayag si Jasy na puntahan ulit ako sa bahay para ipagpaalam kay Mama. Umorder ako ng isang Machiatto at cheesecake para ibigay pansuhol pag uwi.
"Oh siya, nandiyan na si Alex sa labas mauuna na ako" paalam ni Jasy at tinungo ang pintuan kung nasaan nag iintay ang boyfriend niya
"See you, agahan mo."
Kumaway ako bago sila tuluyang makaalis sa Café. Inilabas ko ang laptop dahil kailangan ko pang tapusin ang ibang mga papers na hindi ko natapos noong nakaraan. Malamang sa malamang ay ma sesermonan nanaman ako ng Boss kong parang Husky na sobrang daldal lalo na kapag nanenermon.
"Argh! Wala talaga ako sa mood magtapos ngayon. Hindi ba pwedeng bukas nalang ang deadline? Kailangan muna ma refresh ng utak ko." Napasabunot nalang ako sa buhok dahil dinadalaw lang ako ng antok tuwing ganitong oras sa hapon.
Pagkauwi sa bahay ay dumiretso ako kay papa para mag mano sumunod ay kay mama na inabutan ko ng dalang pasalubong. Mapanuri siyang tumingin saakin habang ibinabalik ang tingin sa pasalubong. Nang makita niya iyon ay agad niya akong sinenyasan na umakyat na sa taas para maglinis ng katawan.
Mabilis kong tinungo ang kwarto at inihanda ang dilaw kong sleeveless fitted dress na may kaunting glitter sa bandang waistline. Matagal tagal ko itong itinago dahil hindi ko ito nagamit noon. Inayusan ko ang aking mukha ng light make up dahil hindi naman ako magtatagal doon. Dahil mahaba na medyo kulot ang buhok ko ay itinirintas ko nalang ang maiksing buhok ko sa unahan at hinawi sa likod ng tenga. Nilagyan ko pa ito ng hairpin para hindi mapunta sa unahan ang nakatirintas.
"Angelina! Nandito si Jasy." Tawag ni Mama mula sa baba
Nagmamadali akong nagsuot ng hoodie upang hindi makita ni Mama ang suot ko ngayon. Mabilis kong tinungo ang ibaba at naabutan na kinakausap ni Jasy si Mama para ipagpaalam ako. Pumayag agad ito nang kausapin lang siya ni Jasy ng may lambing sa tono. Lakas talaga nito sa Mama ko eh.
"Baka bukas na po makauwi si Elina dahil wala po akong makakasama uli sa bahay." Ani Jasy na hindi mahahalata ang bahid ng kasinungalingan sa mga salita niya.
"Oh sige, basta ay walang involve na boys, ha? Lalo na kay Elina." Banta ni Mama at pinandilatan pa ako ng mata
Tumango kaming dalawa. Pagkatalikod ay agad kaming napa 'yes' ng sabay. Mukhang hindi naman ni Mama nahalata ang make up ko dahil mukhang natural.
YOU ARE READING
Mr. Dj can I make a request
HumorThe popular DJ whom Elina adored was described as being very different from her-a sort of lady with an outgoing attitude. But back then, she was a lovely, innocent person before she became that girl. Suddenly she makes a change in order for him to n...