"AHHH HELPPPPPPP, TULONGGGG, MAMAMA HUHUHU" sigaw ko habang tumatakbo ng mabilis palayo sa malaking aso.May malaking aso kasing humahabol sakin simula pa kanina ng mapansin kong papalapit na ito ay mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko.
"Hoo...Haa...grabe kapagod yun ha"pagod kong sabi habang nagpupunas ng pawis sa noo ko habang nakasandal ako sa may pinto.
Sa sobrang pagkataranta ko hindi ko namalayan na nakauwi na pala ako..Makalipas ang ilang minuto nag ayos na ako bago yun ay sinigurado ko muna na naka lock ng mabuti ang pinto at bintana baka maisipan isipan ng aso bigla dun sumugod kawawa naman ako kung lalapain nyako virgin pako ih!
Pumasok na ako sa kwuarto ko at ginawa ang routine ko bago matulog. Hindi na muna ako kakain , kainis kasing aso yun eh pagod na nga ko sa trabaho pinag marathon pa ako grr.
Sa susunod na magkita tayo gaganti ako sayo tamo!
Humiga na ko sa kama ko hindi ko namalayan na nakatulala na ako sa kisame ng apartment ko naisip ko yung nangyari kanina sakin para sakin hindi pagkaraniwan ang laki ng aso na yun, sigurado akong hindi yun aso na nakikita ko lang sa kalsada o aso na may lahi double ang laki nya sa Saint Bernard at Mastiff.
Hay nako! ano ba kung ano ano na nga ang iniisip ko andami ko ngang iniisip dumagdagdag pa sa pag ooverthink ko yung bwiset na aso na yun.
Ah! basta sa susunod na magkasalubong kami ng aso na yun at hinabol nyako gagawin ko na syang adobong aso, pahirapan ba naman ako tumakbo!
--------
Kinabukasan maaga akong nagising bukod sa may pasok ako sa ekwelahan may trabaho pa ako sa gabi.
Ginawa ko na ang morning routine ko sa school nalang ako kakain ng almusal tutal hindi pa naman ako nakakapag grocery kaya wala din akong maluluto
Pagkatapos ko gawin ang morning routine ko sinigurado ko na naka lock ang pinto ng apartment ko bago ako umalis ng masigurado ko na naka lock talaga napagpasyahan ko ng umalis
Nga pala dito sa lugar namin ay mapuno bukod sa anlayo ng agwat ng bawat bahay nakakatakot din parang nasa sementeryo ka sa sobrang katahimikan.
Hindi ko alam bakit dito ko pa naisipan umupa siguro dahil na din sa atmosphere na sobrang tahimik ako kasi yung tipo ng tao ayaw sa maingay lalo na pag pagod ako
Napahinto ako sa naisip ko Oo nga pala bakit walang tao na naglalakad ngayon? napaka aga pa naman lahat ba sila tulog pa?
Sa di malamang dahilan kinabahan ako pero dahil nagtatapang tapangan ako hindi ko nalang pinansin kaba na nararamdam ko.
Habang naglalakad ako pakiramdam ko may sumusunod sakin nung una pinangsa walang bahala ko nalang pero habang tumatagal kinakabahan na ako sinubukan kong silipin gamit ang gilid ng mata ko kaso hindi ko talaga makita!
Nilakasan ko ang loob ko nagbilang ako ng hanggang tatlo bago humarap sa likod ko
One, Two, Three!!
Pikit mata akong dahan-dahan humarap sa likudan ko ng makaharap na ako sinubukan ko silipin pero wala naman akong nakita wala din kakaiba pero ang pakiramdam ko hindi ako nagkakamali hindi ako nag iisa kanina.
YOU ARE READING
He's Mate
WerewolfThis story is about a werewolf who's looking for he's mate for almost decades. What will happen if one day you encountered your mate in a worst situation?