03

1 1 0
                                    

"HEY GUYS" ngayon lang ako naka pasok sa isang magarang club , e sa amin kasi sa mga barangay barangay lang yung party party. Bati naman ni Kenzo sa mga kaibigan niya , nahihiya tuloy ako , ang sesexy kasi ng mga babaeng katabi ng friends ni Kenzo.

"Cheap" I heard that red haired girl say. Kaya kaagad akong naka ramdam ng kirot , naipasok lang naman ako ni mama doon sa paaralan na 'yon dahil sa tatay kung hindi ko man lang kilala kung sino , mayaman raw kasi.

"Margarette!" sita naman nung lalaking naka black muscle-tee. Chinito.

Aalis na sana ako , ng pigilan ako ni Kenzo , kaya na pa tingala ako sa ginawa niya , halatang halata na sigurong naiiyak na talaga ako... nakakahiya talaga ako kahit kailan.

"Hey hey.. hey" he cupped my face , and smiled at me. Ang sweet naman pala niya , kung sana nakikita lang ito ni Deo.. talagang maisasampal ko sa pag mumukha niya na may pag-asa ako sa isang ganto ka gwapong nilalang.

"You're pretty , kahit ganyan lang suot mo" He said softly , naka harang siya sa harapan ko habang naka yuko... alam na alam kung namumula ako ngayon. Napa ngiti naman ako sa sinabi niya.

"Wag ka mag pa loko dyaan! bata!" sigaw naman ng babaeng nang lait sa'kin kanina , baka inggit lang siya. Kasi ako ang kasama at hindi siya. Kenzo faced them habang hawah hawak ang papulsohan ko , tsaka niya ako hinila pa upo sa couch nila.

"Hi! Kole" the Chinito guy handed his hand , at tinanggap ko naman yun ng casual.. kitang kita ko kung paano umirap yung Margarette na tinutukoy ni Kenzo kanina , kala mo talaga kung mang lait.. parang pantay yung bangs , hindi naman.

"Mukhang tahimik yang isang 'yan dude ha" sabi naman ng katabi nung Margarette sa kaliwa , Moreno. Inosenteng tumingin naman ako don.. baka kasi sabihin nilang grabi ako makatitig. I felt a warm thing that wrapped my whole left hand.

"Kino" sabi nung moreno. Hindi ako masyadong maka focus sa pagmumukha nila't madilim dilim dito at puro disco lights sumasagi sa mata ko , at mas lalong hindi ko maituwid ang sarili habang nag ma maang-maangan , kunwari hindi ko alam kung sino ang naka hawak sa kaliwang kamay ko ngayon.

"She's Adeline" sabi naman ni Kenzo , medyo malakas pa niya na pag ka sabi dahil nag sisimula na ang ingayan sa loob , medyo maaga rin kasi kaming naparating kanina.. kaya hindi pa medyong maingay kanina.

"IS SHE?" di maka paniwalang sambit nung Chinito.. s-sino nga siya? AH! s-si KOLE.  Nagulat naman ako ng biglang tumawa yung Morenong lalaki.

"Dude! siya yung pinaged mo kanina sa SRR! IBA KA TALAGA" tumawa naman si Kenzo , palatawa pala siya e.

dumaan ang ilang oras at tahimik lang talaga ako habang si Kenzo naman ay di nawawala sa tabi ko , medyo nang hihina parin talaga ako pagdating sa kanya , inaaya akong uminom e hindi ko naman kaya ang alak na yan , pangalan palang halatang isang shot bagsak.. don samin! KULAFU lang okay na'ko!

na kakailang alak narin sina Chinito at Moreno.. bigla namang nawala si Margarette.

wala akong ibang magawa kundi ang makinig sa hiyawan at iniikot ang aking mga mata sa dance floor kung saan maraming nag papakasaya. Laking gulat ko nang may dumamping mainit na hininga sa tenga ko. 

"Sorry , do you wanna dance?" napa igtad naman ako sa kina uupoan , 'to talaga oh.. ma ikwento nga ni Deo bukas. Na pa atras ako dahil mukhang susobsob na siya sakin e.. lasing na nga.

"A-a a ih? di ako marunong ng ganyan ganyan e" natawa naman siya sabay layo sa tenga ko. Ang gwapo niya kahit lasing at pawis na pawis mukha siyang inaantok na ewan... e kakaiba naman siya sa mga nakikita kong lasing araw-araw samin sa kanto kanto , 'tong lasing na ito.. MABANGO , MAYAMAN , TSAKA GWAPO.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Boundless , my love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon