5 years....
OO 5 years... takte naman kaylangan ko paba ulitin? Haybuhay. OO 5 as in LIMA. Limang taon na. Oo nga no? Limang taon na pala simula noong magkagusto ako sa kababata ko.
Hindi ko naman alam kung paano, san, at lalong bakit ako nagkagusto sa kanya. Ang alam ko lang pag gising ko gusto ko na siya.
Sa bawat na taon na lumilipas akala ko kasabay na nun ang pag lipas ng pagmamahal ko sakanya pero... nagkamali ako.
Sa loob ng limang taon pinilit kung itago kung anong nararamdaman ko. Pinilit ko mabuhay ng aayon sa agos nito.
Katulad ng pang karaniwang babae, nag karoon ako ng manliligaw at eventually boyfriend pero wala ni isang nagtagal. Masakit. Kasi pilit ko man kalimutan yung nararamdaman ko sa isang tao diko magawa.
Ang unfair, pag mahal mo di ka mahal. Pag mahal ka di mo naman mahal.
Sadya lang ba talaga na maliit ako para hindi niya ako makita?
O
Sadya ba talagang ayaw niya kung tingnan?
ang sarap tumingala sa langit pag gabi iisipin ko yung problema ko, pero sa pagtingala ko ayan ka nanaman papasom sa isip ko kasi para sakin isa kang STAR.
Bakit? Ang hirap mo kaabutin eh.
Feeling ko nga minsan napakalapit mo pero para ako binuhusan ng malamig na tubig pag naalala kung malayo ka nga pala. Kahit anong gawin ko hindi kita mahawakan o maabot manlang.Hindi ba pwedeng maging falling star ka nalang? Yung star na, mahahawakan ko, maipapagmalaki ko at maaakin ko.
Yung star na kusang baba para maabot ko.
Yung star na bababa para matupad yung hiling ko.Pero bakit pilit ka nakikisiksik dyan sa langit? Handa naman kitang saluhin eh maging falling star ka lang. Bakit ayaw mo bumaba? AHAHAHAHAH. bakit nga naman bababa kung kasama mo dyan yung star na once na pinangarap mo.
Ganto nalang ba ko lagi? Laging aasang may falling star din na bababa para sa akin? Bakit hindi nalang ikaw diba? Ang sakit isipin na kahit anung pilit ko, kahit anong wish ko sa mga fond, kahit anong wish ko sa 11:11, kahit anong dasal ko...
Hindi kapa din mapunta sakin.
Siguro dika itidhana para sakin pero sa ngayon hanggat di pa bumabababa yung star na para sakin,
Pwede bang ikaw muna?
Pwede bang pangarapin padin kitang maabot?
Pwede ba mahalin padin kita?
Pwede bang ma-ma-ma.... ging a....kin ka muna?No words can explain how I feel. I'm torn. Babae ako eh. Umasa. Nasaktan. Who says na lalaki lang ang umaasa? Sapakin kita gusto mo? Pero masakit pala. Masakit umasa sa wala.
Ang dami pumapasok sa isip ko yung mga 'what if's' ko. Yung.
What if naging tayo?
What if ako yung babaeng pangarap mo?
What if hindi kita nakilala?
What if hindi ako umasa?
Whay if kung nakalimutannko agad yung feeling towards sayo?Masaya kaya ako? Malungkot kaya ako ngayon?
Kung ako sa inyo, pahahalagahan ko yung mahal ko kasi minsan sa binabasura niyo, pangarap yan ng ibang tao. Di niyo ba naisip na madaming mas higit pa sainyo yet ikaw pinili niya? Ang saya ng relation na alam niyo na mahal niyo yung isat - isa. Pahalagahan niyo ah? Masakit kasi.Nararamdaman ko ngayon? Torture to. Pinapatay ka nito ng palihim.
Feeling and looking outside yet broken inside.
--------
Waaaaaaa. Thankyou sa mga nagbasa totoo yan. sige na. Babye na. Sa susunod uli.