Chapter 2

12.5K 167 11
                                    

Pinaghahampas ko na ang sasakyan ni Professor Veinz. Sigaw ako nang sigaw para lang makalabas.

"Buksan mo 'to! Tangina! Ayaw ko pa po!" I shouted loudly. Hindi ko na alam ang gagawin ko. His car is heavily tinted kaya kahit na anong gawin ko, walang makakakita at makakarinig sa akin.

"What are you doing?!" naiirita niya na ring tanong.

"Ikaw lalaki," Sabay duro ko sa kanya. "Alam kong gwapo ka pero hindi ako gunting na bubukaka agad sayo! Sa itsura mong 'yan, lalong-lalo na 'yang bigote mo, sinasabi ko na nga ba'ng manyak ka eh! I was indeed right. You're a womanizer! Babaero!"

Sa mga oras na ito, nakalimutan ko nang professor ko siya.

Napahawak siya sa bigote niya. Tila nauubusan na siya ng pasensya.

"What are you talking about, woman?!" he frustratingly asked.

"Bakit mo ako dinala rito sa Sogo, ha?! May gagawin kang masama sa akin!"

Mas lalo lang nangunot ang noo niya. "Sogo—what?"

"Ayon oh!" Sabay turo ko sa Sogo hotel.

Napairap siya at napatampal sa noo.

Kinuha niya ang kamay ko at itinuro sa katabi ng sogo hotel.

Mall.

Mall ang katabi nito.

"Sa mall tayo pupunta hindi sa sogo."

Natameme ako sandali.

"Bibili tayo ng damit mo. You'll change your clothes." sabi nito.

Para akong prinito sa init ng mukha ko ngayon dahil sa hiya. Tangina talaga... Pinapahamak ko lang ang sarili ko.

Nahihiya ako sa mga pinagsasabi ko.

Angelica! Demonyo ka talaga!

Bumaba na si Professor Veinz pero hindi pa rin ako kumikibo. Binuksan niya na ang pintuan ng sasakyan para sa akin pero hindi pa rin ako bumababa.

"Get down."

Sa utos niyang iyon, agad akong lumabas.

Nagkatinginan pa kami. Binigyan ko lang siya ng hilaw na ngiti.

Hilaw na ngiti pero nagngising aso tuloy ako.

Naunang naglakad si Professor Veinz at sumunod naman ako. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan ang nagyari kanina sa sasakyan.

Kung ano-ano pa ang pinagsasabi ko.

Tumakbo pa ako dahil napag-iiwanan niya na ako. Hanggang sa sabay na kaming maglakad.

"Prof, bakit ko pa kailangan palitan ang damit ko?" nagtataka kong tanong.

"Hindi na pwede 'yan sa university. It's beyond the rules."

"The rules says that we have the right to wear whatever we want, Sir. And I guess, there's nothing wrong with my outfit. I look pretty on it." depensa ko pagkatapos ay pinasadahan ng tingin ang suot ko.

He gazed at me with a deadly look. "Well, not anymore, Miss Magalona."

"Kailan pa nagbago?"

"Ngayon. Kaya tara na." sabay hawak sa pulsohan ko at hinila na ako patungo sa loob ng mall.

Nanigas ang kamay ko dahil sa hawak niya. May iba akong naramdaman nang hawakan niya ang kamay ko.

A sudden strike of electricity...

What is this feeling...

He's too formal for me. Nakaputing long sleeves siya at black slack and shoes. Tapis may mahabang neck tie pa siya.

HOT SERIES #3: Tame me, Professor Where stories live. Discover now