Chapter Twenty-Four

610 28 5
                                    

Waiting

It was a day full of fun.

Iyan lang ang description ko sa nangyari kahapon. Napakaganda ng resort nila Glint saka ang saya-saya lang namin. Siyempre marami kaming sweet moments ni Dragon, di na ako papalag diyan. Kaya nga sinabi ko sakanyang ngayong araw, 5:22 PM, magkikita kami. At ang location, mamaya magpupuslit ako ng letter sa opisina niya para may thrill naman. Saka para kiligin siya. Hahaha.

Yeah, you got it right. I'll give my yes to him. Napatunayan ko naman na mahal na mahal niya talaga ako, napatunayan ko naman na nagsisisi na siya sa mga ginawa niya sa akin at napatunayan ko naman na kahit anong galit at pag-iwas ko sakanya ay siya pa rin talaga ang tinitibok ng aking puso.

He deserves my yes. And I deserve him.

" Wow, Ma'am. Baka mapunit na ang labi niyo kakangiti, ingat lang. " bigla akong nabalik sa realidad. Kanina pa pala ako nagde-daydream. Bullshocker! Hahaha.

" Ano ba, nakangiti lang naman, Trix. Parang bago naman yun." alibi ko habang nakapaskil pa rin ang malapad kong ngiti.

" Eh Ma'am sobra naman yata? Hahaha. Anong ganap? Share naman. " siniko niya pa ako.

" Tse. Tsismakers ka talaga. Hahaha. Wala no, masaya lang talaga ako kasi kakaunti ngayon ang tatrabahuin ko at siyempre, pay day uli. Gehehe."

" Ah oo nga pala no? Hahaha. Sensiya, nalimot ko, Ma'am. Ito nga po pala ang grasya--este disgrasya. Mga papers at docu na kailangan para bukas. Kailangan ninyong tapusin dahil wala rito si Sir Jordan, may meeting sa Skylar. At malamang po, mamayang gabi, mga bandang eight pa yun makakabalik. Kaya enjoy! " sabi niya pa. Napalis ang ngiti sa aking mukha.

Haay. Kung kailan naman magtatapat na ako saka naman may hahadlang. Pag-ebeg nga naman oh. Hahaha.

Matext nga yun.

To: Dragon

Can you make it at 5:22? Kasi kapag hindi, ayos lang. We can talk tom :)

Then I hit send. Hay. Anlayo kaya ng Skylar. Baka mamaya hindi na siya makaabot kaya itinext ko na siya para makasigurado at para hindi ko na paasahin ang sarili ko.

Ibinaba ko sa mesa ang phone ko. Ginalaw ko muna ang mga docu na nasa aking harapan at binasa ang ilang mga nandoon. Some document needs some signatures on it kaya hindi ko pinakialamanan iyon because it's not my job.

*Brizk* *Brizk*

Mas mabilis pa sa alas-nuebe na kinuha ko ang phone at binasa ang message na naroon.

From: Dragon

I wouldn't miss that time, baby. I'll surely make it there. Just send me the location ;)

Napangiti ako at siyempre, kinilig. Hahaha.

To: Dragon

Hahaha. Very eager and excited, aren't we, Mr. Oliver? At Sculpt, 5:22 PM. Rooftop. See yah! :)

P.S: Walang indianan! Lagot ka sakin! Rawr!

Then I hit send with a smile flastered on my lips. Yie! Mamaya kami na! Kami na!

Pero gaya nang nakasanayan, pinigil ko ang matinding kasiyahan kasi baka mapurnada ang plano ko. Kaya ngiti-ngiti lang muna.

-----------

Ipinaclose ko ang rooftop area ng Sculpt, isang famous French inspired cozy restaurant, para lang sa date namin na ito ni Dragon. Natatawa nga ako kasi ang mais-mais at ang tamis-tamis ko ngayon. Para ngang hindi ako eh. Hahaha. Pero kaunting effort lang naman 'to kumpara sa pag-aantay niya noon di ba? So I won't complain.

Don't English Me! (Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon