chapter 5

11 0 0
                                    

*third person pov*

Sa kalaliman ng gabi, nagpumilit si Shakira na hanapin ang box na sinasabi ni Sabrina. Dahil iniisip ni Shakira na baka ang box na yun ang sagot sa katanungan nya. Sa mahabang paghahanap ni Shakira sa box ay nakita nya na rin ito sa wakas. Binuksan nya ito ng maingat dahil baka magising si Sabrina. Pag kabukas nya ay may nakita syang mga litrato. Nabuhayan ng dugo si Shakira marahil na rin sa Sobrang tuwa na nararamdaman nya sa mga oras na iyon. Binuklat nya ang ilan sa mga litrato. At nakita nya ang litrato ng daddy nya. Sa maliit na kahon na hugis puso. At may nakita din syang babae doon. Nakaramdam ulit sya ng matinding tuwa dahil nakita nya na ang kanyang ina. Kahit sa larawan pa lang nya nakikita ay, sobra sobrang saya na ang dala sa kanya nito.

"Mama, malapit na po tayong magkita. Tapos makakasama na rin po kita" sabi ni shakira sa kanyang isip. Habang hawak hawak ang litrato.

Tinabi ni Shakira ang isang litrato na yun at binalik na ang box sa pinag kuhaan nya. Tapos ay mahimbing na natulog.

Kinabukasan

Maaga pa lang ay nagising na si Shakira. Naghilamos na sya at bumalik ulit sa kama nya para ayusin ito.

Galit at selos ang namumuo sa pagkatao ni Shakira. Basta ang alam nya lang ngayon ay makuha ang gusto nya. Makapiling ang kanyang ina.

"Shakira, ang aga mo namang magising ngayon." Sabi ni sabrina at sinuklian lamang sya ni Shakira ng matamis na ngiti.

"Bakit ganyan ka maka-ngiti? Parang may kakaiba" nagulat si Shakira sa sinabi ni Sabrina pero hindi nya ito pinahalata.

"Ano kaba, masya lang ako no!" Sabi naman ni Shakira.

*-*-*-*-*-*-*-*-*

"Uy sige na mas bagay to sayo!" Pagpu-pumilit ni Shakira kay Sabrina.

"Ano ba Shakira. Ayaw ko nga." Sabi naman ni Sabrina.

"Pleaseeeee" sabi ni Shakira

"Oo na. Eto na" sabay suot ni Sabrina ng pink na dress

"Ayannnn! Diba ang ganda sayo sabrinaa!"

"Hay nako. Ikaw talaga bwisit ka."

"Heh! Po-pony-han kita para bagay sayo."

Medyo nagtataka na si Sabrina sa mga kinikilos ni Shakira kaya tinanong nya agad ito.

"Bakit ba, parang ginagaya ko yung corny mong outfit?" Tanong ni sabrina.

"Basta. Isipin mo na lang na maglalaro tayo. Ako-ikaw at ikaw-ako. Ano ayos ba?" Sabi ni Shakira. Kahit may masamang kutob na nararamdaman si Sabrina ay, um-oo na lang sya kay Shakira. Para di na sila mag away.

" hey! Gugupitan ko tong buhok mo Sabrina ah!" Sabi ni Shakira.

"ANO? Ayoko nga!" Sabi ni sabrina. Pero habang nagrereklamo sya ay agad na ginupitan ni Shakira ang buhok nya.

"Ayannn! Bagay pala sayo na maging ako." Masayang pahayang ni Shakira.

"Nakakainis ka! Ang ikli na tuloy ng buhok ko."

"Maikli? Anong maikli dyan? Nakakapagtali ka pa nga oh!"

"Eh! Tapos may bangs pa ako! Kaasaarrrr ka! Urgh!"

"Syempre para maka-hawig mo talaga ako!" Sabi ni shakira.

Wala nang nagawa si Sabrina kaya nag-suot na lang rin sya ng boots. Alam nyang may balak talaga si Shakira pero hindi nya alam kung masama ba ito o mabuti. Nagulat na lang rin sya nang biglang suotin ni Shakira ang mga damit nya. Kaya napatayo agad sya.

"Akin yan ah!" Sabi ni Sabrina.

"Alam ko. Maglalaro nga tayo diba? Ako-ikaw at ikaw-ako."

"Hay, kahit kelan talaga!" Bulong ni Sabrina.

Nag punta sila sa park. Pero laking gulat ni Sabrina na kahit halos hawig na hawig na nya si Shakira ay, ang nilapitan pa rin ni Jackie ay si Shakira.

Simula ng malaman ni Shakira na kakambal nya si Sabrina ay, kinaibigan nya na si jackie. Dahil si jackie lang ang alam nyang makakaintindi sa kalagayan nya.

Naglaro sila ng habulan at hindi sinasadya ni Shakira na maitulak si Sabrina kaya naging dahilan ito para matumba si Sabrina at tumama ang kanyang ulo sa Bato. Natulala na lamang si Shakira at hindi alam ang gagawin.

-------------

Sabrina pov

"Nasaan ako? Sino kayo?"

"Jusko. Salamat naman at gising ka na, Shakira."

"H-ha? S-shakira?" Hindi ko alam kung sino ako. Hindi ko din alam kung sino sila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My EVIL twin sisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon