"If you're just a picture and i'm a painting... Let's become a beautiful scenery," bigkas ko sa isinulat kong deskripsyon ng aking bagong painting.
Naglalaman nang konseptong isang magkapareha na magkahawak ang kanilang kamay na nakaharap sa dalampasigan, habang ang haring araw ay parang nagtatago sa kailaliman ng dagat at napapalibutan ang kalangitan ng kulay kahel na mga ulap...
Kahit nakatalikod ang magkapareha na ito, alam ko at ramdam ko na masaya silang magkasama...
Kahit sa portrait lang na ito, kahit sa painting lang na ito...
"Patrilicia Yassy Temporal Servantes," pang-gulat na bati sa akin ng babaeng kakapasok lamang sa Art Studio ko...
"Haiyi, mommy ko," sambit ko sabay takbo at yakap sa aking ina na bitbit 'yong mga pinakuha kong gamit sa bahay namin...
Naramdaman ko nalang ang mainit at mahigpit na yakap nang aking ina na para bang ayaw na nitong bumitaw... Na hindi ko ipagkakailang kailangan na kailangan ko ngayon...
"Kamusta 'yong coffee shop ng aking beautiful mommy?" tanong ko at syaka bahagyang humiwalay sa pagkakayakap sa aking ina...
Agad kong kinuha nang inabot sa akin ng aking ina ang mga bitbit niyang gamit, syaka siya umupo sa one-seater na sofa na kulay kahel na katapat lamang sa ginawa kong portrait...
"Syempre best seller ang cupcakes ng coffee shop natin," malumanay na may kasamang malawak na ngiting tugon ng aking ina...
"That's good and... Indeed, the best talaga ang cupcakes ng pinakamaganda kong mommy..." sambit ko syaka lumapit sa portrait na ginawa ko at ni-retouch ng kaunti for the finishing touch, echos haha.
But I left dumbfounded, at para akong naging semento sa aking kinakatayuan ng biglang mag tanong si mommy.
"That was you and Nivonce, am I right?"
"Yes mom," sagot ko na mahihimigan ang pait sa tono ng boses ko.
"It's been three years since you two broke up..." muling tugon ni mommy...
"I just want..." I stopped for a second and thinking the next words that I might say.
"What?"
"Mag-iwan ng memories, before stepping out on that past... Remembering the times na nakasama ko siya, naging parte pa rin siya ng buhay ko... I still do appreciate him a lot," mahaba kong sagot na siyang ikinataas nang kilay ng aking ina...
"Mahal mo pa rin? Tinatanong ko lang naman if ikaw 'yan at si Nivonce but you end up explaining the whole thing..." turan at may conviction sa tono ng aking ina bago tumayo at lumapit sa portrait.
"Naka-move-on na ako mommy, kahit makita ko pa siya sa daan... I'll treat him as if he's just an... Stranger," iring kong sagot kay mommy bago pumunta sa comfort room para magbihis ng bagong damit kasi punong-puno ng pintura ang pang-itaas kong suot.
"Nag lunch ka na ba Yassy?"
"No mom, I haven't eaten anything since morning... Tinapos ko talaga yung portrait," sagot ko while undressing my brown fitted t-shirt...
"Papunta ako sa coffee shop natin, you want to come?" tanong na paanyaya ni mommy...
"Sure mom, hatid ko na rin po kayo..." sagot ko syaka lumabas na sa comfort room...
***
I roam my eyes around, natamaan ng aking mga mata ang mga tables and chairs na may mga naka-dine-in na mga costumers...

YOU ARE READING
PLYTS AND CIVGUZ (One-Shot#2)
Teen Fiction"𝐈𝐟 𝐲𝐨𝐮'𝐫𝐞 𝐣𝐮𝐬𝐭 𝐚 𝐩𝐢𝐜𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐢'𝐦 𝐚 𝐩𝐚𝐢𝐧𝐭𝐢𝐧𝐠... 𝐋𝐞𝐭'𝐬 𝐛𝐞𝐜𝐨𝐦𝐞 𝐚 𝐛𝐞𝐚𝐮𝐭𝐢𝐟𝐮𝐥 𝐬𝐜𝐞𝐧𝐞𝐫𝐲."