Can you define what is love? Iyan ang karaniwang tanong na mababasa sa isang slumbook na madalas pinapasign ng mga kaklaseng mahilig sa mga ganyang bagay. Isang simpleng tanong na nangangailangan ng simpleng kasagutan na minsan ginagawang kumplikado ng iilang kabataang katulad ko. At iyan din ang nag-iisang katanungan na hindi ko masagot sagot at sa tuwina’y palaging blangko kapag binabalik ko ang slumbook sa kaklase kong may-ari nito. Hindi ko alam kung bakit subalit para sa akin kabaduyan ang pagsagot sa tanong na iyan at tanging mga inlove na tao lang ang nakakaintindi ng salitang iyan.
Ako si RENCE, tipikal nakabataang lumaki sa isang konserbatibong pamilya. Napakaistrikto ng tatay ko, isa siyang tapat na alagad ng simbahan kya busog na busog kaming magkakapatid sa mga pangaral mula sa bibliya samantalang isa namang simpleng maybahay ang aking ina na siyang nagbibigay ng kalinga sa amin. Labingdalawa kaming magkakapatid dalawa lang kaming babae ng ate ERIEL ko at magkasundo pa bagamat magkaiba ang personalidad naming dalawa hindi naman iyon naging hadlang para maging malapit kami sa isa’t isa. Bunso ako sa amin kaya halos lahat ng atensyon ay nasa akin,lalong lalo na ng mga kapatid kong lalaki. Kung istrikto ang tatay ko doblehin pa non ang sampung kapatid kong lalaki na pawang wala pang mga asawa kaya bantay sarado kaming dalawa ni ate ERIEL.
Tahimik akong tao, simple, at nabibili raw ang ngiti sabi ng ilang kaibigan ko. Minsan tinatawag pa nila akong matandang dalaga sa ayos kong palaging nakaponytail ang mahabang buhok at hindi ko rin nakagawiang mag-ayos ng sarili. Tama na sa akin ang simpleng pulbos at suklay, hindi naman kasi ako mahilig makipagsabayan sa mga kaklase kong campus figure na talaga at talagang somebody na sa school namin. Samahan pa na halos lahat ng mga kabarkada ko ay katulad ko ring hindi mahilig sa sosyalan at tama na sa aming magkakasama kami. Kumbaga sa campus ang grupo naming ang bumubuo sa salitang “nerd”. Mahilig mag-aral, dahil takot kaming bumagsak,takot mapahiya sa klase at takot maparents needed. Paborito kami ng mga gurong mahilig mag-utos dahil alam na alam nilang malabo kaming tatanggi. Pero kahit madalas ay parang hindi kami nag-eeexist sa mata ng mga kaklase namin, Masaya na kaming sama sama sa mundong binuo namin sa loob ng apat na taon naming sa High School.
Ang high school ang isa sa di malilimutang parte ng buhay ng mga estudyanteng katulad ko,kasi dito mo raw mararanasan ang mga pangyayaring minsan lang mararanasan sa buhay mo bilang kabataan. Ang sabi nila dapat ienjoy mo lang lahat kasi hindi mo na ulit maibabalik ang oras kapag lumipas na. sa mga unang taon ko ng high school ay puno ng adjustment, at hindi iyon naging madali para sa akin dahil na rin sa mga nakasanayan ko noong elementary pa lang ako. Mahirap na nakakasakit ng ulo ang mga assignments,projects at idagdag pa ang mahihirap na quizzes at recitation araw-araw. Sa una,parang ayoko ng pumasok at minsan ko ng naitanong sa sarili ko na bakit kailangan pang mag-aral ng tao kung mahihirapan din tayo. Subalit mahirap namang sabihin ko iyon lalo na sa harap ng magulang ko at baka pahintuin nila ako sa pag-aaral. Mataas ang pangarap ko at ayoko iyong masira sa simpleng pagsuko sa una pa lang. Nagsikap ako at ginawa ko ang makakaya ko at nagbunga naman iyon ng sa kauna-unahang pagkakataon ay napabilang ako sa mga tinatawag na honor students. Tuwang-tuwa ang mga magulang ko at pakiramdam ko sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa kong maging proud sila sa akin. Ibang klase ang pakiramdam kaya lalu pa akong nagsikap dahil ayokong masira lahat ng pinaghirapan ko. Lalong-lalo na ngayong nagawa kong abutin ang bagay na noon ay inakala kong imposibleng makuha ko,..
Study First ang naging motto ko simula ng maging parte ako ng mga honor students, aral dito at aral doon ang inatupag ko kaya naging tampulan ako ng tukso ng mga kaibigan ko. Minsan na nilang nasabing “oyRence, trymongiwananmunayangnotebookmoatsamahanmokamingabanganyungmgacrushnamin!”. Ngiti lang ang sagot ko sa kanila dahil wala akong panahon sa ganung mga bagay pero nakikisabay naman ako kapag ganun ang trip nila. Ayoko ring masabihang KJ,kaya kahit pangiti-ngiti lang ay nakikisama ako. Todo kilig sila kapag dumadaan yung mga higher years na campus figure sa school lalo na yung mga sikat na dancers na talagang tinitilian kapag may school program. Kilig na kami-kami lang ang nakakaalam kasi nahihiya naman silang malaman ng iba lalo na ng mga kaklase naming na ang mga nerd na katulad naming ay marunong din palang humanga. Para sa akin,walang dating ang mga tinitilian ng mga barkada ko,..oo gwapo sila at magaling pero hindi pa umabot sa punto na hangang- hanga ako sa kanila kasi para sa akin ordinaryong estudyante rin sila at nagkataon lang na pinagkalooban sila ng talent at hitsurang pwede nilang idisplay sa iba lalo na sa mga kabataang babaeng katulad namin. Bukod pa doon,wala na akong maramdaman pa,.minsan nasabihan na rin akong “pusong bato” ng mga kaibigan ko dahil ni minsan daw hindi ko pa nabanggit na humanga ako sa opposite sex o di kaya’y pinanghinalaan na ring baka daw lesbian ako at kapwa ko babae ang gusto ko. Ngiti at iling lang ang naging sagot ko sa kanila kasabay ng pagpalatak nila. Hindi naman ako mahilig magkwento kaya alam na nila ang sagot at kahit ako kilala ko ang sarili ko. Masyado daw akong seryoso kaya madalas natatawag na suplada. Madalas kasi kung meron mang may balak manligaw sa mga kaklase ko o ibang section man sya hindi pa man nasusupalpal na sa akin.. hindi ko alam kung bakit pero wala silang epekto sa akin kaya maging ako ay nagtataka na rin sa sarili ko,..subalit kadalasan nagkikibit balikat na lang ako dahil ang atensyon ko ay pag-aaral muna. Iyon ay nung hindi ko pa masyadong napagtutuunan ng pansin ang kaklase kong si ENZO,…
Oo,si ENZO,..honor student din sya.. believer katulad ko, gentleman, mabait at magaling makisama.. noong una patukso-tukso lang,. ganoon naman iyon pag nasa isang section ka hahanapan ka ng kapares ng mga kaklase mo at kayo ang gagawing loveteam na magpapakilig sa iba. Sa tuwing itutukso ako sa kanya pakiramdam ko pulang-pula ako at gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. Nahihiya ako sa kanya at hindi ko alam kung bakit gayong dati naman kaming nag-uusap at civil kami sa isa’t isa pero simula nang gawin kaming pareha sa loob ng klase hindi na ako komportable kapag nakikita sya. Nalilito ako sa nararamdaman ko,naguguluhan at hindi ko alam kung bakit, subalit parang nanunukso pa ang pagkakataon dahil sa isang subject namin ay pinagtabi pa kami ng upuan. Pakiramdam ko daig ko pa ang robot na limitado ang galaw,ni hindi ko sya kinausap o tiningnan man lang. ganun din naman sya at tila hiyang-hiya pa sya sa akin. Lumipas ang mga araw at tila nagsawa na rin sa kakatukso ang mga kaklase namin,nakahinga na ako ng maluwag ng huminto sila subalit nagulat na lang ako ng biglang magtxt sa akin si ENZO at nagsabing ,..”RENCE.lalakasankonaangloobko,hindikokasimasabingpersonalperogustokita,..gustong-gustokitaatkungpapayaganmoakoatbibigyanngpagkakataonliligawankita..” gulat na gulat at shock na shock ako sa nabasa ko,ni hindi ko na nagawa pang replayan sya dahil hindi ko rin alam kung anong sasabihin sa kanya. Gusto ako ni ENZO? IMPOSIBLE! Hindi ako ganun kasikat tulad ng iba,hindi rin ako ganoon kaganda tulad ng mga tipo niya at nagiging girlfriend kaya papaanong magugustuhan ako ng isang katulad niya? Hindi ako makapaniwala at alam kong hindi totoo ang nabasa ko kaya mas pinili kong ipagwalang bahala na lang iyon.
Kinabukasan ng magkita kami sa school,ngumiti sya pero nilampasan ko sya, ang lakas lakas ng tibok ng puso ko,.. parang hindi natural kya bigla akong natigilan,..gusto ko na rin ba si ENZO?,..isang rebelasyon na hindi ko gustong pagtuunan ng pansin. Patuloy kong iniignora si Enzo na parang hindi siya nag-eexist, nakakatanggap pa rin ako ng mga txt na galing sa kanya hanggang sa hindi ako makatiis at nireplayan ko sya,.
“Bakit ako?” ang tanong ko.
YOU ARE READING
Can This Be Love?
RomanceCan this be love? Read the story to know. x x x x x x x x Copyright © 2013 Hydms_ . All Rights Reserved.