Hi! Ako si Airuz‚ isang babaeng gusto ng sumuko dahil sa hirap ng buhay sa mundong hindi perpekto. Marami akong problema sa buhay‚ pero mas pinili kong huwag itong pansinin‚ dahil alam kong pag pinansin ko ito ay agad akong susuko at tatapusin ang aking buhay.
Mayroon akong kasintahan. Siya nalang ang aking maasahan‚ masaya kami dahil nahanap namin ang isa’t-isa. Ngunit‚ hindi talaga mapipigilan ang mga away sa mga relasyon‚ hindi pag kakaintindihan o kaya naman ay tampuhan. Halos hindi kami mag kaintindihan sa mga bagay-bagay kaya naman ay dumating kami sa puntong nag karon kami ng malalang away at naging dahilan kung bakit kami biglang nag-sawa sa isa’t-isa. Hindi madaling magkaroon ng ganitong situasyon sa isang relasyon‚ mahirap‚ lalo na kung siya ang iyong kahinaan at ayaw mo na siyang mawala.
May isang araw na nag bitaw kami ng masasakit at masasamang salita sa isa’t-isa. Mahirap para sa akin dahil kaunting masakit na salita ay agad akong mapapa-iyak. Grabe siya magbitaw ng salita‚ na para bang sobrang sama ng loob niya sa akin at ngayon niya lang nailabas. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko dahil palagi nalang kaming ganito pagkatapos ng away namin noong isang araw. Masyado kong dinadamdam ang kaniyang mga salita o sinasabi sa akin‚ na parang may pumana sa aking dibdib na nag dulot ng sakit‚ na para akong nanghina ng wala sa oras.
Baka hindi lang ako sanay? Hindi ko na alam. Ang binibitaw na salita niya kada ako ay hindi ayos sa sarili ay hindi dapat ako ganon dahil hindi naman ako namatayan at buo naman ang aking pamilya. Iniintindi ko ang bawat sinasabi niya‚ hanggang sa kaya ko.
Hindi nga ako namatayan‚ buo naman ang aming pamilya. Ngunit ako ay sukong-suko na dahil sa mga problema na nararanasan ko sa aking buhay. Hindi ako perpektong tao. Hindi ako katulad ng ibang tao na porket natawa ay masaya na palagi. Hirap na hirap ako sa bawat pag tulo ng aking luha‚ hirap ako sa sarili ko‚ na kada hindi ako makatigil ng pag-iyak ay akin nalang sasaktan ang sarili ko at gagawa ng bagay na hindi dapat para sa akin.
Ang aking kasintahan nalang ang maaasahan ko sa bawat pag patak ng aking luha. Ngunit‚ minsan ay hindi na kami magkaintindihan sa lahat ng nangyayari sa kaniya‚ sa akin‚ saamin.
Gusto ko ng sumuko‚ gusto ko ng humimlay. Kaso hindi p’wede‚ e. Marami akong gustong marating sa aking buhay‚ at tanging siya lang ang nag bibigay lakas loob sa akin para bumangon ulit.
Pero alam ko sa sarili ko na hindi na ako tatagal pa. Hirap na hirap na ako. Gusto ko ng sumuko. Pag pahingahin niyo ako‚ dahil ayoko ng mabuhay pa sa mundong ito.