Scene 3

17 0 0
                                    

Nasa sasakyan si mira habang na d-drive ang kanyang daddy.

(View ng kotse na nakaidlip si mira, at ang daddy nya naman ang nag d-drive, view ng labas ng airport village.)

"Mira! Gising na andito na tayo" Banggit ni frederick. (Agad na sumilip si mira sa labas ng s-sakyan, napatulala ito.)

"Dito kana muna sa loob ng s-sakyan mira... Baka wla ang tiyo mo" banggit ni frederick. (hindi umimik si mira, dahil nakatulala ito.)

(Bumaba ng s-sakyan si frederick at pumunta sa bahay ng kapatid nito, na si Ferndale.)

May natanaw na malawak na lugar si mira na agad nitong nagustohan at bumaba sya ng s-sakyan.

ETHAN POV

"Na miss ko yung lugar na ito... Mga alaalang masaya pa kami at buo nila itay..." Bulong ni ethan.

(Nag pahinga sya sa lilim ng puno.)

(Pumunta si Mira sa lugar na yun at dinama ang sariwang hangin.)

(dahan dahang dumilat si Ethan at napatingin sa kinatatayuan ni Mira, at nag kasalubong ng tingin ang dalawa na naging dahilan ng kanilang pag titigan.)

"Napaka ganda ng mata nya" bulong ni ethan

Isip ni Ethan "Tila bang bumagal ang oras nang siya'y  aking makita ... Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman."

(Naputol ang t-tigan ng dalawa ng tinawag ni Frederick si Mira.)

"Mira! Bakit ka naman umalis ng sasakyan ng di nag papaalam sakin?" Pag aalala ni frederick.

"I'm Sorry dad, na mangha lng po ako sa lugar na ito... ang tahimik at sariwa ng hangin..." Banggit ni Mira.

"Wag mo na ulit gagawin iyon hija..." Banggit ni Frederick. (tumango nlng si Mira at pumunta na sila sa bahay ng tiyo nya.)

(Sinundan ng tingin ni Ethan sina Mira hanggang makaalis ito.)

"Nang mawala na sa paningin ni Ethan sina Mira ay agad siyang umuwi ngunit sadyang hindi niya makalimutan ang mukha ng babaeng kaniyang nakita.

"ahh... Mira pla pangalan nya!"

Bulong nito sa sarili at bahagyang napangiti.

"Hoyy kuya Ethan, anong sinasabi mo dyan at ang ganda pa ng ngiti mo ha?" Pag tatakang sabi ni Isabelle.

"Ano ba yan! Insan" Pagrereklamo ni Ethan.

"Ahhh... iyong taga Manila ba na pumunta dine?" pagtatanong ni Isabelle 

"Aba!... iyong anak ni Frederick ba ang tinutukoy niyo?" manghang ani ni Cresencia.

"Ay wala po..." banggit ni Ethan.

"Nay oh! nagugustuhan ni kuya Ethan    eh..kapatid yun ni Seline..."
pagreklamo ni Isabelle.

"Itong batang toh andaming nalalaman nay oh!" Pagpatol ni Ethan.

(KINABUKASAN)

(Lumabas ng bahay si Ethan at pumunta sa paborito niyang lugar.)

(Biglang napahinto si Ethan sa kaniyang kinatatayuan at saglit na napatingin sa paborito niyang puwesto dahil nandon si Mira nag-babasa ng libro.)

"Cguro kailangan ko nang mag pakilala sakaniya?" bulong nito sa sariling naguguluhan. "Wag na baka di ako pasok sa standards nun" pag papatuloy nito.

(Napa tingin si mira sa kinatatayuan ni Ethan at dito nabigyan ng lakas ng loob si Ethan para lumapit.)

"Ano iyang binabasa mo?" tanong ni Ethan. "Ahh..ito?" tanong ni mira "Oo" medyo na a-awkward na ani ni Ethan. "Gusto mo bang basahin?" pag aalok ni Mira sabay abot ng libro.

"Kapatid mo ba si Seline?"
pagtatanong ni Ethan kahit alam na iyong sagot. "uhm.. oo, mag kaibigan ba kayo?" Tanong ni Mira.

"Hindi naman masyado" sagot ni Ethan.bahagyang napatawa si Mira sa naging sagot ng estrangherong nasa harap niya

"Bakit ka nga pala nandito?"pagtatanong ni Ethan.
"Ahh business trip ni dad.. so pinasama nyako.." sagot ni Mira,

"pero diko pinagsisisihan yung desisyon kong sumama dito, napaka tahimik at sariwa kasi ng hangin" dagdag pa ni Mira.

"Mag d-dilim nadin pla..." banggit ni ethan. "Ang ganda ng langit noh?" Banggit ni mira habang nakangiti.

"Ou kasing ganda mo" bulong nito. "Ha?... may sinasabi kaba?" pag tataka ni mira. "Ahhahahha wala" tumatawang sagot nito.

The untold story of usWhere stories live. Discover now