One.
Sa unang beses na nakita ko siya, nakaramdam na agad ako ng pagkainis. Bakit? Siguro sa ngiti niya, sa kagwapuhan niya, sa mga mata niya, at higit sa lahat siguro sa boses niya? Hay, hindi ko alam. Nakakainis isipin na sa unang beses na nakita ko siya, perpekto na siya sa mga mata ko, yung tipong wala akong mahanap na kapintasan sa kanya. Ganun. At dahil nadin sa dahilan na yan, sinimulan ko nang huwag ituon ang atensyon ko sa kanya. Ayoko pa. Ayoko pang maramdaman to. Ayoko pang magmahal. Ayoko pa.
Ako nga pala si Cyrille Shenne Alejandro. Isang simpleng babae na hindi mawari ang nararamdaman sa ngayon.
Sino ang tinutukoy kong perpekto sa mga mata ko? Si Grae. Si Grae Lynch Polavieja. Isang sikat na lalaki sa school namin. Sikat agad kahit bago palang siya dito. May itsura kasi kaya ganoon agad.
Hanggang kailan kaya siya magiging perpekto sa mata ko? Ayoko na kasi umabot pa sa ganoon. Alam kong hindi pa sapat ang dahilan ko para maging futuristic pero masisi niyo ba kung ganoon na yung mangyayari? Basta, ayoko pa.