Hold me tight!

299 17 1
                                    

Mataman niyang tinitigan ang soju sa harap niya. Nakaka-ilang bote na siya pero hindi pa rin siya tinatamaan. Ganito naman lagi ang routine niya pagkatapos ng trabaho. Pagkatapos niyang pagsisihan ang lahat. Nasanay na lang siguro ang sikmura niya. Ipinilig niya ang ulo saka tinawag ang babae na may-ari niyon.

"아 좀 마 (Ajhumma) isa pa." Tawag-pansin niya rito.

"Ten bottles na ang naiinom mo (아 주 씨) ahjussi. Aba! Hinay-hinay naman." Sita nito sa kanya. Natawa siya rito. Sa halos araw-araw niyang pag-iinom sa lugar na'to. Kilalang-kilala na siya nito pero pinipili pa rin nitong tawagin siyang ganoon.

"Kung yun pa ring dati ang pinagpuputok ng butse mo. Bakit hindi mo siya hanapin? Baka hinihintay ka rin noon. Hindi 'yang nagpapaka-lunod ka dito." Sermon nito.

"Hindi naman ho soju ang hinihingi ko. Samgyeopsal (삼 겹 살) ho." Natatawa niyang palusot.

"Naku! Ginamit mo na yan sa'kin dati. Hala. Tumayo ka na diyan at umuwi ka na." Anito.

"Mas mahigpit pa ho kayo sa Mama ko."

"Namumula ka na pati ang tenga mo oh!" Lumapit na ito sa kanya. Saka tinapik-tapik ang balikat niya.

"Sige na. Umuwi ka na. Mamaya pa niyan may makakita pa sa'yo dito. Dumugin pa 'to. Masira." Natatawang bulong nito sa kanya. Ang tent nito ang tinutukoy.

"Hindi ho iyan. Naka-disguise ako." Pagmamalaki niya pang pinagpag ang mahaba't itim na wig na suot gayundin ang salamin sa mata niya.

"Last time, naka-disguise ka din. Pinabayaan kitang uminom. Nung nakarami ka hinubad mo yun tapos sigaw ka ng sigaw ng iㅡ."

"Aalis na nga ko. Nilalaglag mo na ko e." Natatawa pa rin siyang tumayo saka inilabas ang wallet. Nagbayad na siya dito saka tuluyan nang umalis.

"'Pag si Irene na talaga ang binabanggit, naalis ka na." Natatawa pa nitong puna sa'yo.

Tawa na lang ang itinugon mo sa kanya saka nag-umpisa ng maglakad. Mas gusto niyang mapagod ang paa nang sa gayon mamaya sumakit iyon. Makakaligtaan niyang isipin ang mga bagay-bagay na gumugulo sa isip niya.

"Yoon Gi?" Narinig mong tawag niya.

"Ano?" Naiirita mong tanong sa kanya.

"Pumunta ko rito para sana sorpresahin ka." Kimi niyang naging tugon.

"Well, I'm not surprise. Lagi ka naman kasing nandito." Tugon niya saka sinenyasan ang hair stylist ng sandali lang.

Umalis iyon. Tumayo siya saka hinarap ang girlfriend.

"Pinagluto kita!" Masigla pa din iyong ngumiti kahit na bakas sa mukha niya ang pagka-iritable.

"Salamat." Walang-ganang pasasalamat niya.

"Hindi mo man lang ba ko yayakapin tapos sasabihan ng I love you?" Anito.

"Ang corny mo. Umuwi ka na nga. Marami pa kong gagawin. May performance pa kami oh!" Aniya rito.

Matamis siyang ngumiti.

"Sa labas lang ako. Papalakpakan kita. Kawayan mo 'ko ah!" Anito saka lumabas na.

Naalala niyang sila Jungkook at V ang kumain noon. Noong nag-umpisa na silang mag-perform sigaw pa iyon ng sigaw. Iiling-iling na napangiti siya ng maalala ang reaksyon ng mga tao sa paligid nito ng isigaw nitong boyfriend siya nito.

"Min Yoon Gi? Suga oppa?" Tawag sa kanya ng isang fans sa meet and greet na ginanap pagkatapos ng performance.

"Yes?" Tugon niya matapos ibaling doon ang paningin. Maganda ang babae. Matangkad na maputi. Halos katabi lang ito ni Irene dahil dalawang tao lang naman ang pagitan nila.

HOLD ME TIGHT (SUGA FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon