My goodness! The applause I heard was so loud and the screams were kind of terrifying to me. I decided to put on a smile and bow down before going down the stage. I thanked the host before bringing the guitar back to its place.
Kumuha muna ako ng tubig para pakalmahin ang sarili ko. Tiningnan ko ang oras at 11 PM na pala. Hindi pa ako inaantok dahil late na akong nagising kanina.
"Everyone, we are declaring relocation of the tables to enlarge the stage for the dance floor. You may take your things before we start in 5 minutes."
"And now, let's get ready to groove!" pag-announce ng host. Tumayo ang lahat ng mga naka-upo sa upuan at nagsayawan silang lahat. Napansin kong maraming lalaki ang lumabas at inorganize ang mga table sa gilid. Naglagay rin sila ng mga borders. May kaunting lumabas para umuwi na at 'yung iba ay bumalik sa mga upuan.
Everyone easily adapted the large space and immediately scattered. Nang matapos ang sayawan, nag-announce muli ang host.
"For our last activity, we are roller skating and roller skaters are now available on the stall on your right. While on your left, we refilled our snack bar so midnight snacks are available as well. Have fun!"
Pumila agad ang mga tao sa magkabilang pwesto. Kaya pala sila naglagay ng borders doon. Karamihan sa mga pumila ay mga teenagers. Pumila na rin ako para makakuha ng roller skater. Ito talaga ang hinihintay ko sa buong event!
Maraming counters doon pero pare-pareho pa ring mahaba ang pila kaya hindi na ako nag-isip at pumila nalang sa linyang pinakamalapit sa akin. Medyo malayo pa bago ako makabili at napagtanto ko rin na wala akong dalang wallet kaya tumingin ako sa paligid ko para hanapin si kuya at sakto, isa siya sa mga staff nitong stall!
Nang siya ang nag-takeover sa isang counter, bumilis ang takbo ng pila pero nakikita ko ring may mga nagbibigay ng sticky note kay kuya kaya bumabagal din ito nang kaunti. Sus, pogi ba 'yan para bigyan ninyo ng cellphone number? Baka ma-scam pa sila n'yan, e. Pasyente akong nag-aantay sa pila at pasilip-silip sa haba. Ngumisi si kuya nang matanaw niya rin ako.
Nang mapansin ko na hindi na umuusad ang pila, sumilip ulit ako sa counter at napansin na wala nang cashier doon. Saan naman kaya 'yun nagpunta?
Hinayaan ko nalang 'yun at tumingin-tingin muna sa paligid para ma-distract ako habang nakapila. Marami na ring nagpapadulas sa unahan at magagaling din sila. Ang iba naman ay halatang natututo palang. Nang makarating na ako sa unahan ng cashier, nagulat ako nang makita si Luke sa harapan ko.
"Hi, how can I help you?" tanong niya. Narinig kong nagbubulungan at mahinang nag-iiritan ang mga babae sa likuran ko. 'Yung mga iba pang nakapila sa kabilang counter ay lumipat na rin dahil sa kanya.
"Tanga mo naman, Luke. Isa lang naman ang maitutulong mo bilang cashier 'no!" pagsingit ng isang cashier na katabi niya.
"Cut me some slack, I was just pushed to be here!" he defended himself. He was about to open his mouth again when someone cut him off.
"I changed my mind, excuse me." Luke stepped back when a man suddenly showed up.
"Lee?" I unconsciously asked.
"Avrienne?" someone spoke from behind. Napalingon ako at nakita si Jorge na nakangiti na sa akin. "Ikaw 'yun diba?" he asked. Napaisip ako at naalala ko na.
"Ah, oo. Pasensya na, may pagka-matchmaker talaga si tita Liza." sagot ko at tumawa. Tumawa rin siya. "Okay lang, basta ikaw." mahina niyang sabi at tumawa. Pinilit kong tumawa para makaiwas sa awkward atmosphere.
Pagkaharap ko ulit sa counter ay nakatingin sa akin si Lee. Hindi ko mabasa ang mga mata niya. I raised my eyebrows, feeling confused. Suddenly, I noticed that he changed his clothes and he's now wearing a yellow polo shirt.
YOU ARE READING
92 Days of Summer (Draft/Unfinished)
RomanceA story where two people bloomed their love in the whole 92 days of summer. Whereas, their love story isn't just full of romance, but also lessons and devastations.