Chapter 3: Let the love begin

5 0 0
                                    

"Puso moy maghahanap, muli at muli kang magmamahal, lahat ay malilimot mo, ngunit hindi ang ala-ala ng una mong halik". – Tina Paner

Sa pagpasok nila sa kanilang Social Studies class ay may pinagawang activity ang kanilang teacher.

Okay Class, we will have a debate discussion activity today. There are no wrong opinions here ha. I want to test your reasoning skills. But be careful ha, walang pikunan. This will be your graded recitation na. Our topic is all about, tama ba na gumamit ng contraceptives para sa pagpa-plano ng pamilya? You know naman class na mainit itong pinag-uusapan ngayon sa TV at sa radyo at pati na rin sa mga peryodiko.

Naging mainit ang palitan ng opinyon ng mga estudyante. Kanya-kanyang hiyawan, tawanan, at pang-aasar ang makabilang panig lalo na nang si Grace at Mark na ang magka-debate.

Madiin ang pagbibigay opinyon ni Grace kung bakit pabor sya sa paggamit ng contraceptives.

Ang purpose ng pag-gamit ng contraceptives is disiplina. Sa lahat ng bagay kailangan ng disiplina lalo na kapag gumagawa ng buhay. Importante ang buhay. Kung pagkain nga, pera, at oras hindi dapat sinasayang, eh buhay pa kaya ng isang bata na pwedeng masayang dahil walang family planning. Using contraceptives promotes quality of life. Quality life na bilang ng mga anak na kaya lang suportahan ng kanilang magulang.

Hindi naman nagpadaig si Mark sa opinyon ni Grace. Gusto nyang ipaglaban ang kanyang punto.

I agree na dapat may disiplina, pero dapat hinahayaan natin ang pamilya kung anong family planning ang gusto nilang piliin. Paano magiging progresibo ang pag-iisip ng isang bayan kung gusto mo lang silang gawing sunod-sunuran sa method lang na gusto mong gamitin nila.

Uminit ang ulo ni Grace sa pagsagot-sagot sa kanya ni Mark, palibhasa ay meron syang personal na issue sa binata.

Kung iaapply ng lahat ang gusto mo, may chance na mapili ng isang pamilya ang maling choice ng family planning para sa kanila, lalo na sa mga mag-asawang walang disiplina. Ang contraceptives pinag-isipan at pinag-aralan muna bago ibigay sa mga mag-asawa.

Agad namang sumalungat sa kanya si Mark Hindi naman ito tungkol lang sa disiplina, ang pinag-uusapan dito.

Hindi pa man nakakatapos si Mark sa kanyang sasabihin ay sumabat na kaagad sa kanya si Grace.

Eh ano nga naman ang alam mo sa salitang disiplina, eh ikaw na nga lang mismo wala kang disiplina. Ilang beses mo ng sinasama si Eman mag bulakbol para lang kayo makapag-basketball. Kung ngayon pa lang wala ka ng disiplina eh paano pa kaya sa magiging pamilya mo sa future.

Nabigla si Judy sa galit na pinakita ni Grace. Hindi nya akalaing aabot sa personalan ang argumento ni Grace laban kay Mark. Tumakbo tuloy sa kanyang isipan ang nararamdaman nya para kay Grace sa sandaling iyon.

Buti na lang behave na ang Mommy ko sa future. Ganito pala ang temper ni Mommy ko nung bata pa sya. Scary!

Habang si Eman naman ay nag-aalala para kay Grace dahil alam nyang kapag lalo pa itong magalit ay baka kung ano pang masakit na salita ang masabi nito.

Tamang-tama namang tumunog na ang bell ng eskwelahan at doon na natapos ang kanilang diskusyunan sa klase. Nauna ng lumabas sa classroom sila Judy at Grace.

Hinanap sila ni Mark at tinawag. Grace, saglit lang. kinabahan ang dalawa sa paglapit ni Mark, ang akala kasi nila ay hindi magpapatalo si Mark at hihirit ng continuation ng kanilang debate.

Pero kabaligtiran ang nangyari sa kanilang inaakala, nakangiti si Mark na lumapit sa kanila at parang nahihiya pa.

Pasensya na kanina Grace ha. Hindi ako na-offend sayo, mas nag-worry lang ako. Siguro nga baka nagiging bad influence na ako kay Eman. Im sorry. Siguro nga kailangan ko na din ng disiplina. Sana Grace, bigyan mo ako ng chance na maging magkaibigan din tayo.

SOMEWHERE BACK IN TIMEWhere stories live. Discover now