Chapter 26

4K 143 47
                                    

Chapter 26: The Only Exception


───────────────────────



Tanghali na at kanina pa gising si Claire. Their second day has officially begun. She's more than thrilled to explore more places with Athaneum.



Kaso, tulog pa ito hanggang ngayon.



"Hey, wake up."



Claire slowly poked Athaneum. Kasalukuyan itong natutulog sa tabi niya at mukhang wala pa itong balak na gumising.



Oo, magkatabi silang natulog. Kilala niyo naman si Athaneum, nahihirapan siyang humimbing kapag hindi siya pamilyar sa isang lugar o bahay. Kaya tumabi nalang siya kay Claire kahit na maraming kwarto rito.



Nagsimula nang ma-stress si Claire dahil ang hirap nitong gisingin. Marami pa silang pupuntahan, she can't let the time pass them by!



Tumayo siya mula sa kama at itinali niya ang mahaba niyang buhok. Bumalik siya sa kama at binuhat nang walang pasabi ang shontis na mahirap gisingin.



"U-uy!" Naalimpungatan ito nang maramdaman niyang may biglang bumuhat sakanya.



Ano ba iyon! Tahimik lamang siyang natutulog tapos bigla siyang lumutang sa ere!



Pagdilat niya ay nakita niya si Claire na nakangisi. Naneto, naninira ng tulog.



"B-Bakit?" Kinabahan siya. Buhat-buhat siya ni Claire at napakaabilis ng tibok ng puso niya.



Sobrang lapit kasi ng mukha nito sakaniya. Tapos maingat pa ang paghawak nito sakaniya habang buhat siya nang pa-bridal style.



Nagsalita si Claire, "Gumayak ka na. We have more places to visit."



Dahan-dahan siya nitong ibinaba sa kama. Ang lakas pala ni Claire, kayang-kaya siyang buhatin nang walang kahirap-hirap.



Dumaplis ang tingin niya sa alarm clock na nakapatong sa 6 chest drawer at napasapo sakaniyang sentido. Hindi na pala maaga, 9:30 na!



To be fair, late na rin kasi sila natulog ni Claire. Nagkwentuhan pa sila at kahit pinapatulog na siya nito ay wala pa ring tigil ang bunganga niya.



Gusto niya lang sulitin ang pag-uusap nila dahil baka hindi na ulit ito maulit pa. Ngayon niya lang nakita ang ganitong side ni Claire, lulubusin na niya ito dahil baka back to sungit mode na ito pagbalik nila sa Pilipinas.



Tsaka nag-midnight snacks pa silang dalawa. Edi ayan, puyat.



"Inaantok pa ako..." Napabuntong hininga siya nang makaramdam ng panlalanta sakaniyang katawan.



Muli siyang humiga sa kama at ipinikit ang mga mata. Gusto pang matulog ng buong sistema niya!



Napairap si Claire dahil bumalik lang din naman ito sa pagtulog. Napakatamad, kung isa itong employee siguro nasisante at nasigawan na niya ito.



"I'll pick your outfit nalang." Umiiling-iling na aniya at naghalungkat sa mga damit ni Athaneum.



Nanatiling nakapikit at nakahiga sa kama si Athaneum. Nagising lang ang diwa niya nang buhatin siya ni Claire kanina. Pero dahil ibinaba na siya nito, inaantok na ulit siya.



Matapos ang ilang minuto ay nakapili na ng damit si Claire, "Get up." Kinalabit niya si Athaneum ngunit hindi siya nito kinibo.



"Go take a bath." Masungit nitong sambit dito at umirap.



She Got Me PregnantWhere stories live. Discover now