"Hi baby!"
Bati ko kay Boss pagkapasok ko sa opisina niya.
Agad ako kinain ng hiya nang makita ang mga tao sa loob. Tinignan ako ng masama ng aking Boss at sinenyasan akong lumapit.
Umalis na ang mga tao at kaming dalawa nalang ang nasa loob. Maingay ang katahimikan kaya pinutol niya ito.
"What's that behavior, Yela." Mahinang sabi nito.
Agad ako napalingon sakaniya at inismiran.
Eto si Boss akala mo 'di ako miss!
"Go to Mr. Tan, pakibigay 'to pipirmahan kamo niya yan." Ibinigay niya saakin ang makapal na papel.
"Ayoko Boss! Makikita ko nanaman 'yong bruhang asawa no'n. Pag-initan pa ako at akalaing kiridad ni Mr. Tan." Akma ko nang ibaba ang papel ngunit hinawakan niya ito.
"Ibibigay mo or mawawalan ka ng trabaho?" Seryoso siyang tumingin saakin.
Ilang segundo kami ganoon ang titigan kaya naman napangiti ako at nabago ang isip.
"Eto si Boss hindi mabiro. Ito na nga ibibigay ko na, mahal ko trabaho ko 'no. Pero mas mahal kita." Pagbibiro ko.
"What did you say, Yela?" Seryosong tanong nito na nakahawak sa sintido.
"Uh-wala po, sabi ko ibibigay ko na to." Lumayas na agad ako sa opisina at nagsimula na mag commute.
Sana nalang sa susunod may service na. Ang hirap mag commute punuan pa sa jeep. Mahihiluhin din naman ako sa taxi, so saan ako lulugar?
May humintong jeep sa harap ko kaya sumakay na ako. Sa unahan ako sumakay para mabilisang baba nalang.
"Sa Diego Street nga po." Sabi ko sa driver at nagbayad na.
Medyo may kalayuan ang kumpanya ni Mr. Tan sa kumpanya ni Boss. Pwede na niya nga ito lakarin eh kaso pinanganak na maarte, maselan sa lahat ng bagay.
Pero humble at the same time.
Nang makarating na ako sa kumpanya ni Mr. Tan ay bungad saakin ang kotse ng asawa niya.
Naks! Binabantayan nanaman.
Kinuha ng guard ang I.D ko at pinapasok na ako. Tinginan ang lahat ng tao saakin dahil umabot na ang balita na sabit daw ako ni Mr. Tan.
Pumasok ako sa office ni Mr. Tan at di na ako nagtaka dahil nakita ko ang asawa niyang tulog sa tabi nito at may posas pang naka kabit dito.
"Good morning po Mr. Tan." Bati ko, agad nagising ang asawa niya at masama nanaman ang tingin saakin.
Oh, easy. May pinapapirma lang 'yong asawa ko rin...
"Good morning, Yela." Nginitian niya ako ngunit siniko nito ng kaniyang asawa.
"Lory, may pinapapirma lang si Inigo kausap ako at si Yela ang pinapunta rito. " Sabi nito sa asawa.
Nginitian ko sila parehas ngunit masama pa rin ang titig saakin ng asawa.
Ibinigay ko na ang hawak kong makapal na papel at manghang mangha itong tinignan ni Mr. Tan.
"Mahalaga ba 'to? Imposible magpa pirma si Inigo nito." Sarcastic nitong sabi.
"Uh hindi po, hanapin niyo po yung pangalan niyo riyan, kayo nalang daw po di nakaka pirma." Magalang kong sabi.
Tinignan ko ang asawa nito at pinapanood lang ang kilos ng kaniyang asawa.
Nagsimula na pirmahan ni Mr. Tan ngunit hirap ito dahil nakaposas ang kaniyang kanang kamay. Wala naman pake ang kaniyang asawa at pinapanood lang pinipirmahan ng kaniyang asawa ang papel.
Bigla nag ring ang phone ko kaya nabahala silang dalawa. Agad ko ito sinagot at humingi ng paumanhin sa dalawa. Lumabas muna ako at nagpakalayo layo upang walang makarinig sa usapan namin.
*Boss Inigo*
"Hi love! Miss mo ko?" Tanong ko sa linya.
"Bakit ang tagal mo? Kanina pa kita hinihintay!" Bungad niya agad.
"Hala ang sungit, hindi mo ba ako miss?"
"Saka hello? Ikaw kaya tong nakaposas habang pumipirma hindi ka ba mahihirapan no'n? Aabutin ako siyam siyam."
"Then use other hand, mahirap ba yon?" Sagot agad nito sa linya.
"Eh paano kung di ka sanay ron?"
"Edi tanggalin yung posas! Bakit ba pinagtatangol mo 'yang si Luigi?" Galit nito sa tono.
"Hindi ko pinagtatangol si Mr. Tan, ang akin lang mahirap magsulat kung may naka tali sa wrist mo. Sana maintindihan mo!"
"How dare you! Binubungangaan mo na ako? Ano pinagmamalaki mo Ms. Lim? Wala ka pa napapatunayan kaya huwag mo ko simulan!"
"Sabi ko nga."
"Dalian mo na riyan at kailangan ko na ang papeles!"
"Okay mahal—ay kamahalan, masusunod po."
Pinatay niya na ang tawag at nakahinga ako ng malalim.
Kaloka! Natawag kong mahal si Boss! Gosh, malandi na ba ako nito? Grabe ka na Yela not tama behavior mo!
Natapos na rin ni Mr. Tan ang papeles at nakauwi na ako sa bahay. Inasikaso ko na rin ang dadalhin ko bukas dahil may summer vacation kami ni Boss pero about business naman kaya di ako masyado makaka enjoy.
Naglinis na ako ng katawan at matutulog na ngunit bigla may tumawag sa cellphone ko at si Boss nanaman iyon.
*Boss Inigo*
"Bakit Boss? Miss mo 'ko?"
"Shut the fuck up, Yela! This is about our trip tomorrow kaya ako tumawag. And please stop saying Mahal, Baby, Love. Hindi ako pumapatol sa mga secretary ko. Understood?"
"Hindi kita marinig Boss our trip lang naintindihan ko, anyway may problema ba sa trip natin par?"
"Wala naman, gusto ko lang sabihin na... "
"Na ano? Si boss naman joker ka pala." Tumawa ako ng kunwari pero nahinto rin dahil wala naman nakakatuwa.
"Susunduin kita tomorrow, agahan mo paggising."
Hindi agad ako nakapagsalita at dinadamdam ko pa ang sinabi niya.
"Ms. Lim? Are you alright?"
"Oo sir okay na okay! Sige aagahan ko. Goodnight matutulog na ako, i love you!"
Agad ko pinatay ang tawag at biglang naalala ang sinabi ko.
Pucha Yela?!!! Nag i love you ako sakaniya? Ano ba nangyayari saakin?? Mahal ko na ba siya?
*****
She said, i love you. This is for me?
This girl makes me smile, i like her.
***
YOU ARE READING
What's Wrong with my Secretary?
RomanceInigo Galemo is the CEO of GALEMO'S COMPANY and Yela Lim is his secretary. paano ko paninindigan ang sandaling kilig kung may naghihintay sayo? papipiliin kita sa dalawa, career or love? mahirap pero choice mo 'yan, sana sa huling pagtatalo natin...