Chapter: 06

437 16 1
                                    

Shan POV

"Shan ikaw na muna dito sa shop dahil tumawag ang tito daryl mo. nag papasama kase sa pupuntahan niya." Biglang sabi ni mama sakin habang abala ako sa pag aayos dito sa coffee shop dahil kakabukas ko palang.

Dalawang taon na kase ang lumipas simula sa mga nangyari noon saamin nila jack at kuya lex. Sa dalawang taon na yon ay hindi kuna nga sila nakita pa lalo na silang dalawa. Yong ibang kaibigan naman nila nakikita ko pa naman lalo na yong xander laging napunta dito sa shop.

"Miss shan tumatawag raw po yong mommy mo kanina pa. Sagutin mo raw po." Sabi ng kasama ko dito sa shop. Binigay ko naman sa kanya ang hawak ko na pamunas saka ako nag tuloy sa opisina ko para kunin sa bag ko ang phone ko. Naka 5 call na pala si mama. Kaya ako nalang ang tumawag sa kanya. Sinagot niya naman agad ito.

"Bakit hindi mo sinasagot?" Bungad na tanong ni mama sakin.

"Naiwan ko kase ang phone ko sa bag ko eh kaya hindi ko nasasagot ang tawag mo." Sagot ko naman kay mama.

"Susunduin pala namin ang kuya lex mo kasama ang tito jack niya. Tapos dyan raw kami kakain sa shop. Kaya mag luto kayo ng masarap dyan. Damihan niyo. Sinabihan kuna rin si Josh na siya na ang bahala." Sabi naman ni mama.

" Anong oras naman raw pupunta dito?" Tanong ko naman kay mama.

"Mga 10:30 nan dyan na kami kaya nga dyan kami kakain ng lunch." Sagot naman ni mama.

"Okay. Maya pakaluto uuwi na muna ako sa bahay." Sabi ko pa.

"Bakit uuwi kapa? Hindi kaba sasabay saamin kumain.?" Tanong naman ni mama.

"Ma naman. Wala ako sa mood mag pakita sa kanila lalo na don sa dalawang yon." Inis na sabi ko naman kay mama. Natahimik naman siya.

"Kong wala kanang sasabihin ibaba kuna dahil ang dami ko pang gagawin para dyan sa mga bisita mo." Sabi ko pa saka ko pinatay ang linya.

Nilagay kuna sa loob ng bag ko ang phone ko. Saka ako huminga ng malalim. Simula kase sa mga nangyari na yon parang nag iba na rin ng kunti lang naman ang ugali ko. Lalo na nung matuto ako mag ayos. Minsan madali ako mainis ko magalit lalo na pag hindi ko nagugustohan. May mga gusto ng manligaw sakin kaso umaayaw naman agad kase parang ang taray ko raw lalo na pag tumingin. Sabi rin ni mama nag bago raw ako. Dapat raw kalimutan ko nalang raw yong mga nangyari nuon dahil raw matagal naman na raw yon.

Yong nangyari nuon na pag iwan ni mama kay tito daryl ay hindi naman masiyado tumagal yon dahil ilang araw lang na pagsuyo sa kanya ni tito daryl eh pinatawad niya agad. Mahal niya raw kase. Hinayaan ko nalang siya kong don naman siya sasaya. Bakit ko pa pag babawalan diba.

"Miss shan nan dyan po ang mga kaibigan mo." Sabi ni kyla nag tatrabaho dito sa shop ko. Oo sarili kuna tong shop bigay ni tito daryl kay mama tapos sakin naman binigay ni mama para raw hindi na ako mag hanap ng trabaho eh ito nalang pagkakitaan ko.

"Napakasexy naman ng nag babantay ng shop na to." Bigla sabi ni zenna ng makita niya ako. Naalala niyo paba siya yong kasama ko sa trabaho dati sa resto bar ni jack.

"Matagal na sis ngayon mo lang napansin yan." Sabi ko naman sa kanya. Natawa naman kami.

"Kami muna ni mica ang pumunta dito. Susunod nalang si jonas dahil kasama niya ang jowa niya." Sabi naman ni zenna.

"Sana all nalang talaga may jowa." Nasabi ko naman.

"Bakit kase ayaw mo pa mag paligaw kay nathan eh ang gwapo ng taong yon. Mukhang mabait pa." Sabi naman ni mica. Napairap naman ako.

"Ayoko nga. Mukhang stricto ang taong yon." Sabi ko naman.

"Edi don kay xander na laging napunta dito sa shop na kaibigan ni jack." Sabi naman ni zenna.

I LOVE YOU, LOVE YOU (BOYxGAY)Where stories live. Discover now