CHAPTER 30

34 2 0
                                    

CHAPTER 30  | Over due |

“Thalia, sige na please! Pumayag ka nang makipag-double date sa engineering student na ’yon, ’yun lang ang tanging paraan ko para maka-date ’yung crush ko!” I sighed heavily. Sa totoo lang, naiirita na ako sa pagkapit ni Lara sa braso ko pero mas lalo akong naiirita sa mga pinagsasabi niya.

“Lara, ayoko nga. Busy ako,” I said to her. Medyo naiinip na ako dahil kanina pa siya nangungulit.

“Please naman Thalia, oh. Ngayon lang ’to please.”

“I already gave him my number, sobrang nakakainis ang mga messages at minsan tumatawag pa talaga!”

“Hindi mo ni-reply-an?”

“I replied once and told him to stop doing it, pero mas lumalala lang. If not for my contacts, nag-change na ako ng sim.”

“Hindi mo naisip na e-block?” nakangising ani Lara na para bang good thing iyon at may chance pa. I sighed again.

“Thank you for giving me the idea—”

“Thalia naman!” angil niya. Umiling lang ako at dumeritso na sa library. Sinubukan pang sumunod ni Lara pero pinigilan ko na siya. Finally, a moment of silence for me.

It’s been one week since Lara gave my number to that stranger at araw-araw wala siyang mentis sa pag-text sa ’kin. Remind me nga, bakit ko ba kasi ibinigay ang number ko. Bakit ko ba hinayaan si Lara!

Napailing na lang ako at nag-focus sa inaaral. May quiz pa kami bukas at wish ko lang na makakuha ako ng kahit ten points man lang. Good luck na lang talaga sa ’kin.

Pagkatapos mag-aral ng dalawang oras ay agad ko ng inayos ang mga gamit ko, pumunta muna akong grocery para bilhin ang mga kailangan ko sa bahay. Medyo ubos na kasi ang stock ko ng pagkain, malakas pa naman akong kumain tuwing gabi, nakakagutom kasi mag-aral ng alas dose. I made sure to take many chocolates and peanuts which are my favorite.

Bumili na rin ako ng mga frozen goods at kung ano-ano pang pwedeng e-stock sa pantry.

Pagkatapos mag-grocery ay saglit akong nag-dinner sa isang fast food chain, nag-take out din ako bago umuwi sa condo. Nagpahinga ako saglit bago nag-wash up at tumambay sa study table ko. I opened my laptop and immediately checked some emails for the publishing. In-approve ko lang ang design ng post card at kung ano-ano pang suggestion nila para sa book.

Plano ko sanang mag-aral na pagkatapos kaya lang ay biglang tumawag si Seri sa GC namin. Noong una ay kinabahan ako, hindi naman madalas tumawag si Seri lalo na’t may pinagkakaabalahan siya. . . pero naalala kong matagal na rin pala kaming hindi nakapag-usap, last month pa.

“Hi!” I greeted after answering the call. Inayos ko ang suot na salamin habang ngumingiti kay Seriah.

“Kaloka! Ganda pa rin kahit halatang busy!” She laughed. Natawa rin ako sa kanya. Nakita kong nag-join si Chloe kaya natuwa ako, kumpleto kaming tatlo ngayon. Nakaka-miss talaga sila, nami-miss ko ang ingay at mga pang-aasar nila tuwing magkasama kami noon dati.

“Oh! My trio, na-miss ko kayo!” ani Chloe.

“Oo nga, dalasan naman natin mga video calls natin. Na-miss ko mga mukha niyo.”

“Oo nga, lalo na si, Chantal!”

“Ako rin naman, sobrang na-miss ko kayo. Kamusta na kayo?” tanong ko sa kanila.

“Well, as usual busy pa rin.” Seri sighed heavily.

“Ako rin, sobrang nakakapagod. Kung pwede lang mag-give up, matagal ko ng ginawa,” naiiling na ani Chloe.

“Ano ba kayo? Bawal mag-give up ’di ba?” I laughed at them.

“Chantal, the source of positive energy. Ball of sunshine ka talaga. Mas lalo kitang na-miss, uwi ka na.”

Seri and Chloe knows that I’m still studying right now. Alam nilang tumigil ako ng two years, but all they know was I stopped schooling before because I had a hard time adjusting from City to a big City.

Hindi nila alam ang tungkol sa. . . mental health issues ko.

“Well, try ko kapag naka-graduate na.” I smiled at them.

“Naku! Umuwi ka na talaga at marami akong chika sa ’yo na mas exciting kung sa personal mo maririnig.” I laughed at her.

For the past six years, sobrang dami rin ng nangyari sa buhay ng dalawang ’to. I remember the first time I communicated with them after leaving Lusiento. Sobrang haba ng usapan namin at nauwi pa kami sa iyakan.

For the past years, even though I’m far from them. . . I know what are the biggest challenges they face which is so hard to bare. But still, kinaya pa rin nila.

Despite of the changes, may mga bagay rin namang nanatili. . . kagaya ng pagkakaibigan namin at ang mga kaingayan nila.

I talked with them and catch up with their lives. Kagaya ng sinabi ko, minsan lang mangyari na kompleto kami kung magtawagan. Pero kapag nagka-oras naman, talagang sinusulit namin.

Inabangan kong may sabihin sila tungkol kay Yijin. I didn’t tell them I met Yijin here, kaya kinabahan ako kanina at baka nabalitaan nila kaya sila napatawag.

Luckily, mukhang wala naman silang alam. I know everything was long over due, matagal ng nangyari ang lahat kaya posibleng wala na sa isip nila ang dati tungkol sa amin ni Yijin. Pero hindi ko alam kung ganoon pa rin ang ligoy ng mga bituka nila pagdating sa ’min kaya wala akong planong sabihin.

Ayaw ko ring magpaliwanag kapag na-ikwento kong nag-dinner kami ni Yijin kasama ang President, baka kung ano ang isipin nila. Maaapakan na naman ang ego ko kapag nahinuna nilang gusto ko pa rin si Yijin hanggang ngayon.

That was so long! Everything is over, it’s in the past.

Pinaluguran ko lang ang invitation ni Yijin as a courtesy of being friends who didn’t saw each other for a long time. Gano’n lang ’yon. Baka hindi nila maintindihan kaya mas mabuting huwag na nilang malaman.

Nang sumunod na araw ay mas lalo pa akong naging abala sa school. Tumigil naman sa pangungulit si Lara sa ’kin pero ewan ko ba, sa tuwing tinitingnan ko siya ay mukha siyang may masamang plano. Malapit na ang semi-final kaya sobrang dami naming hinahabol. Mabuti na lang at patapos na ako sa thesis ko, proofreading na lang at defense matatapos na talaga ako.

I sighed heavily as I sat on a bench. Naiinis ako sa sarili ko dahil naging insensitive ako kanina sa oral. May nakasagutan kasi akong classmate at hindi ko ma-gets kung bakit ipinaglalaban niya ang gano’n, eh hindi naman ’yon ang nabasa ko. In situations like that, it needs deep understanding! Kaya lang, bigla niyang sinabi na base on her experience daw ’yon, kwenistyon niya ako kaya wala akong naisagot. Own experience pala, eh!

Nakakainis! Naiinis ako sa kanya at sa sarili ko dahil ang insensitive ng mga sinabi ko.

I removed my glasses and comb my hair using my hand. Bumabagsak na ang naka-bun kong buhok dahil kanina ko pa sinasabunotan sarili ko. Para na akong tanga, wala pa akong tamang tulog at kain kaya mas lalo akong nairita. Ang lalim na ng eyebags ko at may pimple pa ako sa ilong! Naku naman!

Medyo napatalon ako nang may nag-pop up na text sa cellphone ko. Hindi ko na sana papansinin at baka ’yung engineering lang ’yon pero hindi ko rin maatim at baka importante.

Agad na kumunot ang noo ko nang mabasa ang message.

Unknown Number:

Nasa campus ninyo ako.

“Huh? Sino ’to?” Agad akong napaahon sa pagkakahilig sa bench. I scrolled the message and saw a text from the same number a few minutes ago.

Unknown Number:

Hi, it’s Yijin. Malapit ako sa UST ngayon. Is it okay if I go there?

Lost In The Weather (Lusiento High Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon