Ash's Pov
I was hugging her ng biglang umilaw ang katawan niya. Mas hinigpitan ko ang pagkayakap sa kanya hanggang sa unti-unting nawawala ang katawan niya.
'No, please no'
"Hey Ash", saad ni Axele.
Nandito kami ngayon sa academy at isang taon na nung nangyari ang digmaan. Bumalik na sa dati ang academy.
"I missed her", saad ko.
"I missed her too, especially her", saad nito.
"I still can't move on", saad pa nito.
"Nagluluksa pa rin ang mga magulang ko sa nangyari", dagdag pa nito.
"I saw how she fades away", saad ko.
"And she told me she loves you", saad ko pa.
"She will be the only one", saad nito.
"Lets go", saad nito at umalis.
Pumunta kami sa office ni headmaster.
"Bakit ang tagal niyo?", tanong ni Agua.
Yes her, nabuhay sila but her she's gone.
"May pinag-usapan pa kasi kami", saad ni Axele.
"Where is the headmaster?", tanong nito.
"Umalis na at kami na lang daw ang magsasabi sa inyo", saad ni Shana.
"The ceremony will be held at the academy's main gate at pupunta daw ang mga magulang natin", saad nito.
"Dapat nandoon na tayo mga alas tres ng hapon", saad naman ni Ivy.
"Hm", saad ko at lumabas.
The ceremony is about the death anniversary nilang dalawa. Ceremony about their bravery at dahil sa kanila nawala na ang kasamaan pero kapalit naman nun ay buhay nila.
'I love you'
'Please come back'
Nandito ako ngayon sa kwarto niya sa academy. Yakap-yakap ko ang uniform niya. Nakasuot ako ng uniform ngayon dahil ito ang last year ng pag-aaral namin sa academy. Simula ng bumalik ang klase ay ang name tag niya ang sinusuot ko to remind me na kasama ko siya.
'How I wish you're here'
Papunta na ako ngayon sa harap ng main gate para sa ceremony. There's a statue of the two of them in front of the garden. They are wearing their battle armour at hawak-hawak nila ang weapon nila which reminds me of how brave she was on battle. It was my friends idea na gawan sila ng statue para hindi sila makalimutan. Naka-ukit rin ang bracelet at necklace na ibinigay ko sa kanya.
'I miss you'
Dumating na ang mga magulang namin at kita ko ang lungkot sa mga mata nila ng makita ang statue nilang dalawa. Kahit ako nalulungkot sa tuwing nakikita ko ang imahe niya.
"Leo, huwag makulit", rinig kong saway ni Ivy sa anak niya.
'Kade is also gone'
Sinimulan na ang ceremony at isa-isa kaming nagbigay ng mensahe sa kanila. Mas lalo akong naging cold ngayon at lagi na lang akong nanatili sa garden at sa kwarto niya maliban na lang kung may klase.
Matapos ang ceremony ay isa-isang nagsialisan ang mga estudyante at ang mga magulang namin ay pumunta sa office ni headmaster kaya kami na lang na magkakaibigan ang natira. Nilagyan ko ng red roses ang paanan niya.
'You will always be the only one'
Nagkukuwentuhan lang kami I mean sila lang pala kasi nakikinig lang ako. Nagkakatuwaan sila pero kita ko sa mga mata nila na nalulungkot pa rin sila ng dahil sa nangyari. Iba na kami ngayon, hindi na kami masyadong nagpapakita sa ibang estudyante at lagi na lang kaming magkakasama.
"I missed them", saad ni Ivy.
Sumama pala ang anak niya sa ina nito kaya wala siyang binabantayan ngayon.
"Bakit kailangang mangyari iyon", saad naman ni Icy.
"Bakit kailangan nilang mawala", saad naman ni Shana.
"I even told her na kung magtatagumpay sila sa labanan, aalagaan niya ang anak natin pero nawala naman siya", saad ni Mark.
"We were tortured by the dark king pero hindi kami nawalan ng pag-asa dahil alam namin na dadating kayo", saad ni Ivy.
"But we didn't expect na gagamitin nila kami para manghina kayo", saad pa nito.
"Nangyari na ang nangyari pero sana hindi na lang sila nawala", saad ni Axele.
"Kalimutan na natin ang nangyari at pananatilihin natin silang dalawa sa ala-ala natin", saad ni Zacc.
"They are the most bravest women I have met", saad ni Shana.
"Maganda na nga matatapang pa", saad naman ni Agua.
"Miss ko na rin luto niya", dagdag pa nito.
"Magpahinga na tayo", saad ni Thunder.
"Alam ko na pagod na kayo", saad pa nito.
"Lets go Mark, puntahan natin si Leo", saad ni Ivy.
Umalis na silang dalawa at sinabi na nila sa amin na matagal na silang magkasintahan simula nung naging parte ng section namin sina Keira at Kate.
"Tara na Agua", saad ni Josh.
"Saan tayo pupunta?", tanong nito.
"Kakain, nagugutom na ako", saad nito.
Hinila siya nito at umalis na rin sila. Naging sila nung isang buwan matapos ang labanan. Nagbabangayan pa rin sila pero hinahayaan na lang namin sila dahil maybe that is how they show their love to each other.
Umalis na rin sila ni Icy at Thunder, Shana at Zacc pati na rin si Axele. Sina Icy at Thunder ay naging sila five months ago at sina Zacc at Shana ay naging sila three months ago.
Nanatili ako rito sa harap ng statue niya. Iniisip ko pa rin na kung sakaling mas malakas ako siguro hindi siya mawawala. She promised me na hindi niya ako iiwan pero sa huli mag-isa pa rin ako. I saw how she look at me bago niya inipon lahat ng lakas niya. She look at me with sadness kaya alam ko na mawawala siya. They planned it beforehand na magsasakripisyo silang dalawa for the sake of us. Bumalik na rin sa mortal world sina tito Francis at tita Kaila dahil hindi kinaya ni tita Kaila ng malaman niyang wala na si Kate. Hindi ko alam kung kailan sila babalik dito pero sana kung babalik man sila ay nandito na rin si Kate at Keira.
Si Axele ay laging pumupunta sa energy kingdom at alam kong umaasa siya na baka nandoon si Keira. Wala na rin ang dragon nila dahil namatay ito sa labanan.
"Can you please come back to me", saad ko habang nakatingin sa mukha niya.
Alam kong hindi ito sasagot pero nalulungkot pa rin ako. I miss her voice na laging nagpapakalma sa akin.
"Kailan ka babalik?"
BINABASA MO ANG
Moonlight Academy: School of Magic
FantasyThis is a school where magic exist. A school where people with special abilities belong. What if there is a girl who don't believes on magic enters this academy without knowing that it is a school of magic? Magiging normal pa kaya ang kanyang buhay...