Chapter 2

1 0 0
                                        


Sa wakas ay may na sakyan rin akong jeep pauwi sa amin, pagkauwi ko ay isang malakas na sampal ang aking na tanggap kay Aling Janet.

"Hoy, ikaw na bata ka ha?, bat di ka umuwi ka gabi at may nag sabi sa akin tanggal kana raw sa trabaho mo ha? " parang sasabog na sa galit na saad ni Aling Janet

Si Aling Janet isang matalik na kaibigan ng aking Ina, at nang mamatay ang Ina ko sya na ang kumupkop at nag alaga sa akin nong una mabait sya pero nong nag tagal naging masama na ang ugali nya.

"Hoy, bata ka bat dika sumasagot" dag dag pa nito

"Totoo po, na tanggal po ako sa trabaho mag sasarado na kasi po yong trinatrabahohan ko" pag papaliwanag ko rito

"At aba wala akong pake , edi mag hanap ka ng panibagong trabaho don at hoy akala mo nalimutan ko pera ibigay mo na yong pera mo para maka tongits na kami ng mga kumare ko" saad nito

"Eh kasi po, wala napo kasi akong pera eh" naka yuko kong saad rito

"Ano,napaka walang kwenta mo naman tandaan mo malaking pera ang nagastos ko sayo nong maliit kapa ha, at kong wala kang perang mabibigay lumayas kanalang rito" galit na saad nito sa akin

"Oh ito, lumayas kana rito ayaw ko na makita yang pag mumuka mo wala kang kwentang bata ka" umaapoy sa galit na saad nito at pinag tatapon sa akin ang mga damit at ibang gamit ko, paano na to san na ako titira?

Unforgettable NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon