sana...

405 6 5
                                    

ako si Andrea Hernandez 17 years old lang ako.

 i don't care whether you like me or not. yan ang linya ko.

kung ano ka sakin ganun din ako sayo. quits lang tayo.

meron naman akong kaibigan, mahal na mahal nga ako nun e.lage nya akong sinasamahan.

kaso trinaydor ko parin xa e.inagaw ko boypren nya.

ano pang meron saken? nagtataka ka? siguro iniisip mo madami akong boys? oo! tama ka jan! ako pa! kaya kong pagsabayin yang mga yan. e bakit madali lang silang kunin e! tapos magrereact mga gf nila!? yung bf nila yung umayos! kung mahal ka talaga nila di ka niya ipagpapalit sakin!

masaya pag laruan yang mga yan noh! lalo na may nakukuha ka sa kanila lage. easy easy lang ako jan.

o sa pamilya naman.

pate sa pamilya ko bastos ako. nanay ko? oo nasagot ko na yun. pate tatay ko noh! madalas pa sa madalas. alam mo yun parang kaaway ko lang sa kanto. dahil hindi na nila kinaya itong "magandang" ugali ko.pinalayas ako. umiiyak pa nga yung nanay ko nung pinapalayas nila ako e! sus! ang baliw lang promise!

ano ngayon kung pinalayas nila ako!? kaya ko sarile ko noh!

TSSSS!

so ayon.nagsimula akong magtrabaho. mga trabaho na napasukan ko, waitress, taga hugas ng pinggan. mga gnon ba.

pagkatapos ng ilang buwan dun ko nalaman na napapariwara na talaga buhay ko. wala ng nangyayare talaga saken.

nung birthday ko september 22 debut ko. kaso eto mahirap ako di ko kasama pamilya ko, wala akong kaibigan ni isa, lahat ng naging syota ko pina-alis ko. wala akong makakasama sa araw na to.

ang ginawa ko lang? kumaen sa isang carinderia.uminom at kumanta para sa sarili ko. umabot ako ng lagpas ala-una.

hanggang naisipan ko ng umuwe sa tinitirhan ko. napadaan ako sa mga lalaking lasing. mga 2 sila.

bigla nila akong hinawakan sa kamay.nagpumiglas ako kaso yung isa sinikmuraan ako at hindi na ako nakagalaw.

nung mga oras na yun nung dinadala nila ako sa madilim, madamo na lugar.

naalala ko ang lahat, yung kaibigan ko, yung mga naging syota ko, mga inagawan ko, at ang pamilya ko.

sana pala... 

nagtiwala ako sa knila.

sana pala...

naniwala ako sa mga sinasabi nilang "mahal nila ako"

sana pala...

minahal ko rin sila.

nung gabing yun ginahasa nila ako. pagkatapos nila akong alipustahin hinulog nila ako sa isang bangin. akala siguro nila patay na ako dahil wala na akong lakas para gumalaw pa.

isang araw akong nakahiga dun, hanggang may napadaan na pulubi na naghahanap ng makakain at nakita nya ako. bigla xang naghanap ng tulong, at may dumating nga na tulong.

dinala nila ako sa ospital, isang babaeng gutay gutay ang ichura, isang babaeng napakadumi tgnan at isang babaeng di nila kilala.

ang sabi sakin ng doktor malakas daw yung tama na nangyre sa mga binti ko nung hinulog nila ako, kaya hindi na daw ako makakalakad kailan man. Nung mga oras na yun, wala akong nagawa kundi umiyak. 

tinanong nung mga tumulong sakin kung sino mga kamag-anak ko, sinabi ko naman at dumating sila. Dumating yung tatay ko at niyakap ako, dahil dun napayakap din ako s kanya habang lumuha.

"asan ang nanay?" tinanong ko siya

"wala na siya anak, namatay siya pagkatpos ng 2 linggo simula nung umales ka ng bahay.

"pero anak, gustong sabihin ng nanay mo na mahal na mahal na mahal ka niya." niyakap ule ako ng tatay.

Simula nun lagi na akong naka-upo sa wheel chair,nagsimula ko rin hanapin isa-isa yung mga taong nagawan ko ng di maganda at huminge ng tawad.

simula rin nun dumalo ako sa simbahan, hanggang naging pastora ako at doon ko naitama lahat ng mali ko. Sa tulong ng Diyos.

kaya sana noon palang pinakita ko na mahal ko silang lahat.  Sana mapatawad nila akong lahat.

Sana maging isa tong paalala sa inyo. Dahil ayokong dumating kayo sa punto na puro "sana" nalang ang binabanggit nyo.

sana...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon