CHAPTER 1

377 91 11
                                    

Ilang taon na ang nakalipas mula ng mag hiwalay si Fujima at Precious pero hindi parin makalimutan lahat ni Kenji ang ginawang pananakit sa kanya ng ex nya.

Flashback...

"Ano ba Kenji ayoko na nga di ba hindi ka ba marunong makaintindi. Hindi na kita mahal may iba na akong gusto tutal naman hindi mo kayang ibigay sakin ang buong oras mo di ba kaya mas mabuti pang pagtuunan mo nalang yang pagbabasketball mo. Ayoko na Kenji I'm sorry...

"Hindi ba sinabe ko naman sayo babawi ako pagkatapos ng finals. Precious wag naman ganito. Isipin mo naman yung ilang taong pinagsamahan natin. Mahal kita Precious at wala akong ibang babaeng minahal kundi ikaw." pakiusap ni Fujima habang umiiyak.

"Sinundan mo pa talaga ako dito sa ibang bansa para lang magmakaawa ka sa harap ko. Kenji huli na ang lahat dahil kahit anong gawin mo di na ako babalik sayo. Mahal ko na si Rome at hindi sya katulad mo na walang inatupag kundi pag aaral at pagbabasketball. I'm sorry pero umalis kana ayaw na kitang makita pa." pagtataboy ni Precious.

"Kaya ba hindi mo sinasagot ang mga tawag ko sayo? Pinayagan kita mag aral sa america kasi malaki ang tiwala ko sayo tapos malalaman ko may bago kanang boyfriend. Ganun ba kadali para sayo itapon lahat ng pinagsamahan natin? Nangako ka na magiging faithful ka sakin Precious pero bakit ngayon lahat ng pinangako mo walang natupad. Minahal kita pero bakit mo ko sinasaktan ng ganito." seryosong sabe ni Fujima habang umiiyak.

"So ano gusto mong gawin ko? Umiyak din at lumuhod sa harap mo? Sorry Kenji pero hindi na maibabalik kung anong meron tayo noon. Umalis kana at wag kana ulit pupunta rito. Nakakahiya ka." anya ni Precious saka iniwan si Fujima na umiiyak.

Umiiyak na umalis si Fujima at naisip nyang bumalik nalang ng KANAGAWA dahil kahit anong pakiusap at pagmamakaawa ang gawin nya hindi na rin babalik sa kanya ang taong dati nyang minahal.

End Of Flashback

8 o'clock AM...

"KUYA GISING NAAAAAAA....

Halos mapaos kakasigaw si Sasaki para lang gisingin ang kuya nya. "Bakit kaba sumisigaw? Hindi mo ba nakikitang natutulog ako." naiinis na tumayo si Rukawa habang masama ang tingin sa kapatid.

"Eh kuya late kana kasi. Hindi ba ngayon ang araw ng practice game nyo sa SHOYO wag mong sabihin nakalimutan mo na....

"Hindi tuloy ang practice game namin." sagot ni Rukawa saka naupo para kumain.

"Ah ganun ba kaya pala wala kang pakialam kung malate ka. Pero kuya papasok kaba ngayon? Balak ko sana magpasama sayo para ipasa lahat ng requirements ko sa RYONAN." anya ni Sasaki saka sya tinignan ng seryoso ni Rukawa.

"RYONAN? Bakit dun?" tanong ni Rukawa.

"Eh may nakapag sabe kasi sakin sa TOYOTAMA na maganda daw sa RYONAN....

Dating mag aaral si Sasaki sa TOYOTAMA at naisipang mag transfer sa KANAGAWA para magkasama sila ng kuya nyang si Kaede Rukawa.

"Panget sa RYONAN. Ayoko dun." biglang tumayo si Rukawa at saka ito nanood ng tv.

"Kung ganun saan ako mag aaral kung ayaw mo sa RYONAN. Ayaw mo rin ako sa SHOHOKU dahil maraming babaero eh saan ako mag aaral." napapakamot na naupo si Sasaki at tumabi sa kuya nya.

"SHOYO dun ka mag aaral." tipid na sagot ni Rukawa.

"SHOYO? Maganda ba dun." bulong ni Sasaki saka tumayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝐓𝐖𝐎 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓𝐒 𝐁𝐄𝐂𝐎𝐌𝐄 𝐎𝐍𝐄 (Under Revision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon