two

51 4 0
                                    

Minjeong's POV

Dalawang buwan na din ang nakalipas simula nang makilala namin sila Karina at Minjoo, lagi na din kami sumasabay sakanila mag lunch kasi itong si Ryujin napilit na ko.



Medyo nagiging showy na din si Ryujin sa feelings niya with Karina, and it seems like Karina is well aware naman. Siguro inaantay niya nalang na magsabi to si Ryujin so they could happen.




So ito ngayon kami nasa canteen, dalawa palang kami ni Ryujin kasi itong si Yujin hindi pumasok. Pupuntahan namin mamaya ni Ryu para icheck baka may sakit yung mokong.






"Ryu, two months na nakalipas di ka pa din nagcoconfess??" Tanong ko sakaniya nang makaupo kami sa upuan.





"Eh! Naghahanap pa ko ng tsempo. Lagi kasing kasama ni Minjoo si Karina di ko matsempohan na mag-isa." Sagot naman niya.




"Eh kung yayain mo kaya lumabas tapos dun na kayo mag aminan. Hina mo naman." Pang-aasar ko.




"Alam mo tama ka! Ayain mo sila." Napakunot naman noo ko.



"Bakit ako?? tsaka tangeks yung kayong dalawa lang." Umiling naman siya





"Nahihiya padin ako eh."





"Tsaka kaya ikaw mag aya kasi mukhang mas papayag si Karina. Sige na Minjeong!!! Para may usad na kami." Ano pa nga ba magagawa ko kundi maging tulay hays ryujin bobo.





"Sige, ganto ha kapag pumayag sila syempre magkakasama tayo then kunwari nawala kayo ni Karina then boom alone time na kayo." Sabi ko kay Ryujin na agarang tumango tango.






"Thankyouuuu Minjeong!! Best girl ka talaga, pakiss nga." Hinawakan ni Ryujin magkabilang pisngi ko at pabirong hahalikan ako. Nagpupumiglas ako syempre.







"What are you guys doing?" Huminto kami dahil sa narinig namin na boses, sabay pa kami lumingon ni Ryujin at ganun padin posisyon namin. Siya hawak ang pisngi ko at siya na nakanguso.





"Ah... ehh.. Wala, itong si Minjeong ayaw mag pakiss." Sabi ni Ryujin at agad kong tinaboy yung mga kamay niya.




"You guys are cute" ngiting sabi ni Karina





"Gago cute daw tayo minjeong" bulong sakin ni RJ, Umupo na sa harap namin si Karina. Oh? Wala si Minjoo.





"Nasaan si Minjoo?" Tanong ko, tumingin naman si Karina sa akin.





"She's in the faculty, Prof. Reyes called her." Sabi ni Karina at ngumiti sakin, Tumango lang ako.





"Oh right minjeong, one of my classmate asked for you. I don't know why, do you know Yeji?" Nagsalita ulit si Karina.





"Ha? Bakit ka hinahanap ni Yeji?? Minjeong pinopormahan mo ba yun? Bakit di ko alam???" Sunod na sunod naman nagsalita si Ryujin, agad ako umiling.





"Hindi baliw! My mom knows her mom kasi baka may ipapabigay lang yung mom niya." Pagdedefend ko.





"Kala ko naman pinopormahan mo na" Sabi ni Ryujin.




"What's pinopormahan?" Sabay kaming tumingin ni Ryujin kay Karina.





"Like ano... Making a move towards that person parang ganun." Sagot ni Ryujin na agad lumipat sakin ang mga tingin ni Karina.





CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon