Thank you for the opportunities, and for the growth that you have provided me. I wish you and the company all the best.
Best regards,
Mike
PAKIRAMDAM ko ay mas lalong sumakit ang ulo ko ng dahil sa resignation letter ni Mike. Pangatlo na siya sa mga nag resign na iba-iba ang posisyon, at may iba't-ibang dahilan.
Una ay si Carl na nangunguna bilang isang Person In Charge o PIC ng V.I.P Area, nag resign dahil sa stress sa mga empleyado. Pangalawa ay si Anton, isang Supervisor na humahawak sa mga bouncers na talaga nga namang maaasahan. Nag resign dahil hindi ko raw sinagot. At pangatlo itong si Mike na halos kauumpisa pa lang bilang Security Guard, ngayon ay nag resign nang malamang may boyfriend na raw ako.
"Kung alam ko lang na kasalanan ang maging maganda... abay mga punyeta sila!" Napipikong bulong ko bago napabuntong-hininga.
Sinara ko ang laptop ko at marahang kinusot ang aking mga mata, bago hinilot ang aking sentido. Ang aga-aga, problema kaagad ang bubungad sa akin. Ni hindi ko pa nga nasisilayan ang haring araw sa labas ng aming bakuran, heto at pinaalmusal na ako ng sakit sa ulo.
"Morning..."
Mula sa likuran ko'y narinig ko ang baritonong boses na 'yon. Suwabe, kaakit-akit, at ang sarap pakinggan, pero hatid sa akin ay stress to the next level.
At dahil doon ay tuluyan na ngang nagising ang diwa kong halos kasasanib pa lang sa katawang lupa ko, nang maalala kong dito nga pala natulog sa kuwarto ang talipandas kong boss! Lumipat lang naman siya mula sa kuwartong inilaan ng Mama ko sa kanya papunta rito sa kuwarto ko bandang alas onse ng gabi.
Dumagdag pa siya, at siya na rin mismo ang pinakamalaking problema ko ngayong umaga. Kapag nalaman ng magulang ko na mix breed yata nila Andres Bonifacio at Gabriela Silang na dito sa kuwarto ko natulog ang boss ko, malamang pugot ang ulo nito.
Kung bakit naman kasi saksakan siya ng guwapo at pak na pak sa abs? Ayon tuloy, nabighani ang beauty ko. Boses pa lang niya halatang pang siyam na buwan ng pagdurusa ang matatamo ko sa kanya.
Nang lumingon ako sa gawi niya ay mas lalo akong na-stress. Prenteng nakahilata siya sa gitna ng kama ko at nagkalat ang damit niya sa lapag. At oo, dito naganap sa kuwarto ko ang ikatlong pandaigdigang gera na tumagal ng apat na oras!
Hanggang ngayon nga ay dama ko pa rin ang pananakit ng aking kasu-kasuhan at balakang. Pakiramdam ko'y nabugbog ng malala ang aking perlas ng silangan.
Nag-init ang pisngi ko ng maalala kung gaano kami ka-wild kagabi. Kulang na lang ay magmakaawa ang kama dahil sa walang humpay na pag-si-circus namin kagabi. Take note, hindi lang sa iisang lugar naganap ang sigaw ng pugad lawin, kun'di sa apat na sulok ng kuwarto ko.
"Salamat pa rin sa may kapal at buhay pa naman ako at mukhang intact pa rin naman ang perlas ko," bulong ko sa aking sarili.
Kahit na nananakit ang aking kasu-kasuhan at may kirot pa sa gitna ng aking hita ay tumayo ako at isa-isang pinulot ang mga nagkalat na damit ng talipandas. Ipinatong ko rin sa bedside table ang itim niyang t-shirt na basta na lang hinagis sa kung saan. Pati na rin ang lintek na sapatos niya, pantalon at ang pamatay niyang medyas ay inayos ko na rin. Nakakahiya naman sa tukmol na 'to buwisita pa naman kuno!
BINABASA MO ANG
The Playboy's Obsession
Romance"You look tired and lazy. I think you're suffering from lack of vitamin me?" ~X~ Three words are enough to describe the playboy billionaire Alexis 'X' Montemayor who owns the very successful Club inside and outside the country. Hot. Dangerous. And o...