Athena POV
"Athena, gising....
Napamulat ako ng maramdaran ko may tumatapik at tumatawag sa akin..
"Hmm,."
"Nanaginip ka na naman Athena"Unti unti akong bumangon at at isinubsub ang aking mukha sa aking palad,. paulit ulit kong napapaniginipan ang bagay na un. Ano kayang ibig sabihin nun.
"Baka kailangan mo nang magpatingin sa doktor Athena, halos tatlong linggo ka ng binabangungot."
"Siguro nga Ally, yaan mo dadaan ako bukas, pagkatapos ng klase. Ally, Salamat ulit."
"Walang anuman. Sige na matulog na ulit tayo."
Si Ally Del Rosario, kasama ko sa apartment. Ayon sa kanya, matagal na kaming magkaibigan, hindi ko maalala ang ilang mga bagay sa aking nakaraan. Ang tanging naalala ko lamang ay ako si Athena Makros, magaaral ng isang Unibersidad. May pera akong natatanggap buwan buwan ngunit hindi ko alam kung kanino galing.
Hayy makatulog na nga at maaga pa ako bukas.
-
"Naniniwala ba kayo class sa ibang mundo?" Napatingin ako bigla kay Prof Michael. History Teacher.
"What do you mean Sir ibang mundo? Life after death?" Tanong ng isang estudyante.
"No, not life after death Ms. Mendoza. What I mean is, ibang mundo let just say, ibang dimension ng mundo, na bukod sa tao may ibang nilalang naninirahan na hindi natin kauri,"
"Sir No, were already in 2016, there no such a thing. Unless ibang planet ang ibig mong sabihin baka maniwala pa ako" sagot ni Paolo.
Ngumiti lang si Sir kay Paolo
"Ayon sa mga sinaunang libro, sa isang tribo, may kasama ang mga tao na nabubuhay sa ating mundo, mga Salamangkero...
"Wizard & witches?.."
"Yes, ayon sa kwento magkasamang namumuhay ang tao at salamangkero ng tahimik nuong unang panahon, sagana sa likas na yaman, maging sa pananim, alam ng mga tao ang kakayahan ng mga gaya nila.. Hanggang sa nagkaroon ng inggitan. Sinunog ng kabilang tribo ang kanilang tahanan, maging ang pananim, pinatay ang nga bata.
Dahil sa likas na kabaitan ng mga Salamangkero napagdesisyunan ng mga ito na huwag na lamang makihalobilo sa mga tao...."
"Saan po nagpunta ang nga Salamangkero Professor?.." lahat kami ay tutok sa kanyang habang nagsasalita.
"Gumawa ng sarili nilang mundo, namuhay ng tahimik. Tinawag nila itong...
Akademyang Chronos" bigla ko na lamang naisambit.
Napatingin bigla sa akin si Prof.
"Tama, Akademyang Chronos.."
Hustong magsasalita pa sana si Professor ng biglang nagring ang bell, hudyat na tapos na ang klase at uwian na.
Maagap kong iniligpit ang aking nga gamit.
"Ipagpapatuloy natin next meeting guys!" Sigaw ni Sir Michael bago lumabas ng classroom.
***
Sabaw! :(
BINABASA MO ANG
Sorcerer's Magic: The Dutches Athena
Mystery / Thriller"Athena, kailangan nating mag madali sa paghahanap sa nakatakda, konting panahon na lamang ang nalalabi" "Hanapin mo ang nakatakda, Athena" "Ito ang misyon mo" ------------------------------- Gabi gabi ang mga panaginip na iyon sa akin. Misyong inat...