'Di ka Crush ni Crush?

35 4 0
                                    

Bakit nga ba hindi ka crush ng crush mo?

Una sa lahat, alam niya ba?

Aba kung alam niya eh, naloko na.

Unanswered: ayaw ka niyang masaktan. Kasi sa pagkakaalam ko, magre-react at magre-react ang isang tao kung may gusto o crush siya sa iyo eh. Maski gestures lang, alam mo naman sigurong makiramdam 'di po ba? Iyang gestures na iyan, positive; smile, ba-blush, nakangiting iiling o hindi naman kaya ngingisi. Negative; iiwas ng tingin at lalayo.

Sorry, but thanks: aray naman! Pero at least malinaw nang hindi ka niya tipo. Move on kahit 'di kayo. LoL

Thanks: ehem! May pag-asa pero dapat linawin mo. Mahirap na umasa. Mamaya pa-fall pa iyang si crush mo 'no!

Paano kapag hindi niya alam?

Eh, nasa sa iyo 'yan. Gusto mo bang ipaalam? Or tama na para sa iyo 'yong hangaan mo siya mula sa malayo at hindi niya nalalaman?

Para sa akin kasi, once na ipinaalam mong crush mo ang isang tao, you're waiting for him/her to respond back. You wanted more or, just let them know that you like them. Eh sila gan'on din ba? Pwede niya kaya akong magustuhan? Nakakahiya naman. Mga common reactions na alam mo naman sa sarili mo minsan ang sagot.

Like and crush. May pagkakaiba nga ba? Oo. Mas nakakabaliw magka-crush. Ang like, masasaktan ka kapag nalaman mo sa sarili mong gusto mo na pala siya. Malayo sa feeling na humahanga ka lang. Mas maraming ouch-moments kapag like na. Mas maraming kilig-moments kapag crush lang.

Base lang 'to sa opinyon ko ah. XD

Paano magka-crush sa iyo si crush?

Nako. Ang hirap naman niyan. Pero kasi ako, siyempre, una sa lahat, need ko muna mapalapit sa kanya. Maging close gan'on, para magkaroon ng connection. At kapag meron na, eh try this.

Step 1: Be you. Mapa-babae man o lalake, kapag gusto mong hangaan ka ng taong hinahangaan mo, siyempre di ba mas gugustuhin mong iyong tunay na ikaw ang makikilala nila? Mas okay 'yon kumpara sa pagpapakitang tao na gagawin mo.

Step 2: Boost your self confidence. Guys love girls na may sariling paniniwala sa buhay, sa sarili at sa kung ano-ano pang bagay na may kinalaman sa maipagmamalaki mo. Girls love guys na mataas ang ere? Depende. Kung nakikita naman nilang may ipagyayabang talaga ang lalake, hahangaan niya pa rin iyan.

Step 3: H'wag masyadong pahalata at clingy. 'Yong aaktong gf/bf thingy ka na. Kung makapagselos ka, aba wagas! Crush palang ang peg mo kaya umayos ka nga. Know your place. Never assume. Never conclude. Ask first. Masaket 'yan!

Step 4: Dress to impress. Ayusin ang sarili. Gusto mo ngang magustuhan niya hindi ba? Pero huwag naman 'yong ayos na pangit sa paningin. 'Yong sakto lang na mapapa-wow siya at hindi, what-the-hell-are-you-wearing look.

Step 5: Huwag mong hayaan ang sarili mong maging siya lang ang babae/lalake sa buhay mo. Kapag crush, hindi lang iisa iyan. Marami 'yan! Haha! Joke. Kidding aside, seriously, crush lang iyan na dapat hindi ka makakaramdam na nasasaktan ka. Kapag sumobra na sa feeling na iyon, eh, hindi na sakop ng chapter na 'to yang topic na 'yan. LoL

Peace'out!

Sa totoo lang, writers block ako kaya may ganito. haha!

-- kyLiiemichy

Random ThoughtsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ