2H:C1

20 1 0
                                    

"Matulog ka na Jian... May pasok ka pa bukas" sabi ni mama. Napakamot ako sa ulo ko, hindi pa ako inaantok eh... ang boring naman.. gusto kong mag GM pero wala akong load, nakalimutan kong magpaload eh, gusto ko naman mag facebook pero nandito pa si mama sa kwarto ko hinihintay ako makatulog. Magpatulog-tulugan nalang ako para aalis na si mama.

"Ma.. pwede na po kayong lumabas, matutulog na po ako. Sige ma, Good night... labyu " sabi ko parang inaantok para lalabas na si mama, I kissed my mom bago pa siya lumabas. "Pag hindi ka pa tutulog, I'll turn off the Wifi so──"

lumaki yung mata ko, please ma hindi ko kaya.. walang wifi... "Ma! Pramis! matutulog na ako, wag mo lang i-off yung wifi, please??" Nagpacute pa ako kay mama, nag sigh siya.. nag work yung pagpacute ko haha hindi talaga ako matiis ni mama, love nya ko eh... haha

"Okay... sige. wag kang pacute diyan! matulog ka na!" haha Love you too ma~ nagkiss na ako at sinara ko na yung pinto at nilock, only child lang ako wala akong kapatid, gusto ko sanang magkaroon ng kapatid eh. Kinukulit ko yang si mama na magme-make sila ng bagong baby ni daddy, para meron na akong kapatid... I'm lonely...

♪ Baby I'm so lonely, lonely, lonely, lonely── ♪

Inaccept ko yung call..

"Hi Baby" OMG!! tumawag si Fred! MayGhad!

"Hello Baby ko~" sabi ko naman, may boy friend ako.. it may sound weird na paano ako magka boy friend na sa school ko invisible ako, wala akong mga friends, nakilala ko lang siya sa internet──actually sa Omegle yung Random chat website. ah basta yun nagkafriends kami, 3 months passed niligawan niya ko, hindi ko alam bakit ako sumagot nun pero okay nalang din yun at least hindi na ako lonely... :)

Hindi pa kami nagkita sa personal pero sabi nya magkikita daw kami sa 7th monthsary namin.. 1 month na pala kami, excited ko na siyang makita sa personal... ano kaya itsura niya? gwapo ba, matangkad, may dating... ah basta excited ako! hehe

"Baby... you there?" sabi niya, napangiti ako.. feel ko namumula na yung pisngi ko.

"Ah─Eh─Oo, nandito ako. hehe" sasabog na talaga ako, landi ko! lol joke lang! hindi ako malandi no!

"Okay... I just wanna say Good Night, Sweet Dreams baby" My gosh! kinikilig ako~ ganito pala yung feeling na may nagpakililig sayo no? Ang happy ko hehe

"Me too... sige, Good Night na..."

He ended the call...

it's Facebook time

"Hayyy... salamat lumabas na si Mama, it's FACEBOOK TIME -feeling energized"

gusto ko talagang i search si Fred pero hindi niya sinabi sakin yug full name niya kaya hindi ko siya ma search.. One day nga I searched Fred in facebook... alam nyo ba ano yung lumabas sa results?

Freddy Fazbear

Freddie Aguilar

atbp. kainis! Ang mysterious mo Fred.

Araw-araw kong iniistalk yung mga classmates ko... hindi ko alam kung bakit bored lang ako.. pero minsan nakakaaliw rin ang ibang post ng mga classmates ko. Pino-post nila lahat ng mga problema nila, yung mga arte nila at marami pa... kailangan pa bang I status ang sama ng loob mo sa isang tao para lang may i-post? Ano yan news? dapat malaman ng iba? hay naku. Hindi ko talaga maintindihan yung iba. Minsan naman yung iba i sta-status nila kung gaano nila kamahal nila si Danil...

Si Danil Fernandez, siya yung nag mamay-ari dito sa school, well soon-to-be... Nasakanya na ang lahat ng positives. Kagwapuhan, Matalino, Mayaman, at iba pa... pero ang cold niya... 2 lang yung friends niya sa school si Mico James Crawford at si Albert Johan Valdez. Mga rich kid yan si Mico may pagka playboy yan no hindi... playboy talaga. tss, si Albert naman siya yung pinaka mabait sa kanila, Friendly siya at──wait bakit ba akong nag kwe-kwento about kay Danil, Mico at Albert? erase erase

Two HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon