"Lola. May dala po akong saging."
"Ganoon ba Apo. Kumain ka rin at hindi ko naman mauubos iyan."
"Opo. Lola."
Umupo ako sa katabing upuan ng hospital bed ni Lola. Inilapag ko narin ang dala kong supot ng saging sa lamesa.
Pinag balat ko si Lola ng saging at iniabot iyon sa kanya.
"Salamat, Apo." sabay kuha ng saging sa kamay ko gamit ang payat at kulubot niyang kamay.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na hawakan ang mga kamay na iyun at damdamin ang init noon.
"Jihoon. Apo." tawag niya sa akin.
"May problema ba?"
"W-ala po."
Binitawan ko nang dahan dahan ang kamay niya at isinakbit na ulit ang douche bag ko. Naalala ko kasi ang oras at kelangan ko nang umalis.
"La. Pasensya na po at hindi po ulit ako makakatagal dito para bantayan kayo. Kailangan ko na po kasing pumunta sa trabaho."
"Apo. Hindi ba masyadong mahirap ang trabaho mo. Nakakakain ka pa ba ng maayos? Parang nangangayayat ka pa lalo. Sinabi ko naman sayo, hindi mo na kailangan pang pagurin ang sarili mo para sa pagpa-"
"Lola. Okay lang po." mahinahon kong sabi sa kanya. Ngumiti ako ng malaki at siniguradong walang bahid iyun ng kahit anong pagkapagod.
"Nakakakain po ako ng maayos. At wag niyo na pong alalahanin ang pambayad sa ospital. Kayang kaya ko po. Ano pa't naging apo niyo ako. Hahaha."
"Ikaw talagang bata ka. Siya sige. Magiingat ka."
"Opo. Aalis na po ako."
Habang papalayo ako sa kama ni Lola ay patuloy akong kumakaway sa kanya hanggang sa makalabas ako.
Nang nasa hallway na ako ng hospital ay nararamdaman ko na unti unti nang bumibigat ang mga hakbang ko.
Sa pagod siguro. Sa sobrang pag iisip.
Sinampal ko nang bahagya ang kanang pisngi ko upang magising.
Hindi pwedeng sumuko. Kelangan kong mag trabaho para makaya kong bayaran ang treatment ni Lola.
Malapit na ring maningil ng utang ang mga Loan Sharks ni Papa. Kelangan ko pa rin bayaran ang renta ko sa apartment.
Nagmadali na ako sa pagpunta sa resto-bar na pinagtatrabahuhan ko mula ala una ng hapon hanggang alas nuebe ng gabi.
"Ji!" tawag sa akin ni Krisha.
"Nandito na rin ako. Kadadating mo lang din?"
"Mga 5 minutes bago ka dumating. Magayos kana ng gamit para mapalitan na natin sina Justin."
"Sige."
Kasama ko siyang nagtatrabaho dito sa Siren Resto-bar. Part-timer siya dito kaso tuwing MWF lang since may klase siya maghapon sa mga araw na hindi siya naka duty dito.
Nilagay ko na ang gamit ko sa staff room at nagpalit ng t-shirt syaka kinuha ang apron ko. Wala namang uniform dito, casual lang tapos naka apron na black.
Saktong ala una ay nagsimula na kaming kumuha ng order ng mga customers.
"Good afternoon po. Anong order po nila?"
"Best seller po namin itong Chicken Tereyaki."
"Here's your order. Enjoy your meal."
"Yes po, lilinisin ko po agad."
"Tatlong bote ng soju sa table 3."
BINABASA MO ANG
Halfless
Teen FictionMuntik na akong mamatay. Hindi dahil sa anumang aksidente sa kalsada. Hindi rin dahil nasangkot ako sa hostage taking, robbery or attempted murder. Hindi sa mga dahilang nabanggit ko. Muntik na akong mamatay dahil...nagtiwala ako. @lady_caliber