Kabanata I

9 1 0
                                    

              Noong unang panahon, may isang dalagang marikit na si Maria Abellano. At dahil sa kaniyang kagandahan, maraming binata ang napaibig sa kaniya. Ngunit pinagbabawalan siya ng kaniyang ina na si Rosario Abellano na umibig nang maaga, dahil gusto muna niyang makapagtapos ng pag-aaral si Maria. Samantala, may isang binata na nagpatibok sa kaniyang puso, siya ay si Leonardo Diwa. Isang anak ng mananahi na si Julietta Diwa. Sila ay mahirap lamang at samantala naman sila Maria ay likas na mayaman, dahil ang ina niya na si Rosario ay may mataas na posisyon sa gobyerno.

              Unang pagkikita nina Leonardo at Maria, unang tingin nila sa isa't isa ay bigla na lamang nagnining ang mga mata nila na para bang bituin. Wala silang kibo sa isa't isa dahil sa hiya, pero ang hindi nila alam na nagugustuhan na nila ang isa't isa. Natapos agad ang kanilang pagkikita ay umuwi na si Maria sa kanilang tahanan, nang malaman ni Rosario na nakipagkita si Maria kay Leonardo, nagalit siya kay Maria dahil dito, sabi niya "Hindi ba Maria, sinabi ko na sa iyo na magtapos ka muna ng iyong pag-aaral? Huwag ko nang malalaman na nakikipagkita ka pa sa hampaslupa na iyon. Una mong intindihin ang pag-aaral mo." Umiyak siya nang umiyak dahil napagalitan siya ng kaniyang ina at inisip ang mga sinabi nito. Nang tumigil si Maria sa pag-iyak, nag isip na lamang siya ng paraan kung paano siya magkakaroon ng komunikasyon kay Leonardo. "Ahhhh! Alam ko na ang aking gagawin" sabi ni Maria. Nakaisip siya na sumulat ng liham para kay Leonardo.

              Kumuha si Maria ng papirus at pluma na gagamitin niya sa pagsulat ng liham para kay Leonardo. Sinumulan niya na sumulat ng liham, ang sabi niya rito.

"Ginoong Leonardo,

              Kumusta ka na? Nakakalungkot man na sabihin ito pero kailangan mo agad itong malaman. Alam mo noong nagkita tayo, ako'y nagkaroon ng hiya sapagkat unang kita ko sa'yo, tipong ako'y nahulog na dahil sa mga matatamis mong ngiti at sa maganda mong mukha. Alam kong hindi pa tayo nag-uusap dahil nahiya tayo sa isa't isa. Nais ko lamang sabihin na hindi na muli tayong magkikita pa dahil nalaman ng aking ina na nakipagkita ako sa ginoo, sana maintindihan mo na malupit ang aking ina. Tadhana ang makakapagsabi kung kailan tayo muli magkikita. Hanggang sa muli, Ginoo.

Nagmamahal,

Maria"

              Umiyak na naman si Maria, nang matapos niyang sulatin ang liham para kay Leonardo. Makalipas ang isang buwan, at natanggap ni Leonardo ang liham ni Maria. Naiyak siya at hindi niya matanggap ang kaniyang nabasa sa liham, sabi niya "Kaya pala wala na siyang paramdam at hindi ko na siya nakikita. Hindi ko akalaing, unang pagkikita pa lang namin ay nabigo na ako, NATALO." Nagagalit siya sa kaniyang sarili sapagkat, hindi niya man lang nakausap ang dalaga na nagpatibok sa kaniyang puso.

              Makalipas ang isang taon, nagkita muli ang dalawa. Nung makita ni Maria si Leonardo, agad siyang tumakbo na para bang iniiwasan niya si Leonardo. Hinabol siya ni Leonardo sapagkat gusto niyang makausap si Maria. Ang layo ng tinakbo nilang dalawa at sa wakas nahabol din ni Leonardo si Maria. Pero umiiwas pa rin ito, ngunit lumuhod si Leonardo at nagmakaawa na kausapin siya ni Maria......KABANATA II, Abangan!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MinamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon