Runaway 9- Childhood

44 4 0
                                    


Runaway 9- Childhood

Third Person's POV

Buong oras binabantayan nina Blyncey si Aessa nang may dumating.

" Anong nangyare?" Tanong nito kay Blyncey na kasulukuyan na nakaupo sa gilid ng kama ni Aessa. Tiningnan ni Blyncey sina Chynly tahimik lamang na nagmamasid, nagaalala din sila para kay Aessa. "Iwan niyo muna kami" sabi ni Blyncey kila Chynly. Agad naman nilang sinunod ito at lumabas na sila.

"Inatake na naman siya ng lason." Malumay na sabi ni Blyncey. Binalot ng pagaalala si Blyncey para sa kaibigan di niya kayang mawala siya dahil lang sa isang lason kung maaari ay ipasa sakanya ang lahat ng sakit na dinadanas ng kaibigan na tinuring niyang kapatid. Pero hindi pwede.

"Shit,  we should have known." Paghihinayang na sabi ng isa. Sobra silang nagaalala para sa dalaga.

"Wala pa tayong magagawa  tungkol dito, ang gamot na tinutusok sakanya ay hindi sapat para alisin ang lason sa katawan niya. Ang gamot niya ay inaalis ang sakit na nararanasan niya ay pansamantala lamang." Sambit ng isa. Totoo ang sinabi nito wala silang magagawa.

"Baka ikamatay niya ang sakit na nararanasan niya!" Bulyaw ni Blyncey sa dalawa. Gusto niyang magwala, gusto niyang sumigaw pero pinipigil niya ang sarili. Di siya pwedeng mawala sa kontrol.

"Hindi nila pwedeng patayin si Aessa dahil mawawala sakanila ang lahat. Inaalis lang nila alaala ni Aessa pakunti-konti at hayaan siyang magdanas ng sakit hanggang wala na siyang maalaala, tapos kukunin nila si Aessa...At hindi natin yun hahayaang mangyari." pagpapaliwanag na sabi nung isa. Napatango-tango nalang si Blyncey at iniintindi ang mga nangyayari. Hanggang mas maaga ay pigilan nila sila, habang hindi pa huli ang lahat....

"May kakausapin lang muna kami." sabi ng isa at umalis. Pagkaalis nila ay pumasok na sila Chynly. Pinilit nilang wag magtanong kung ano ang pinagusapan nila. May limitasyon din ang mga dapat na kaalaman nila.

"Blyn, tumawag si Tiyo Arnel. Training daw sa Sabado" sabi ni Chynly kay Blyncey habang nakatingin sakanyang telepono. Tumango naman si Blyncey.  Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kwarto, wala silang ganang magsalita dahil sa mga nangyayari.

Napatayo silang lahat nang magising si Aessa...

-----------------------◆/◆-----------------------

Someone's POV

Habang naglalakad ako ay may tumawag saakin.

"Anong kailangan niyo?" Tanong ko sa dalawang babae na nasa harapan ko. Siguro naman ay importante ang sasabihin nila. Ano kaya ang ang sasabihin nila tungkol sakanya?

"Kailangan ka naming makausap " Seryosong sabi ng isa. Tiningnan ko siya ng seryoso "Tungkol saan?" Tanong ko. Kahit alam ko na kung ano/sino ang paguusapan namin.

"Tungkol kay Aessa."

Hindi nga ako nagkamali.

"Galing kami sa Dorm, inatake na naman siya ng lason na itinurok sakanya, malala na ito. Kailangan na nating alisin ang lason sa katawan niya, bago tuluyang mawala ang alaala niya at kunin nila si Aessa saatin." Nababahalang sabi ng isa. Di ko siya masisisi dahil ako rin ay nababahala.

"Wala pa tayong gamot para alisin ang lason sa katawan niya permanently, pero gagawin ko ang aking makakaya para matapos ko ito. Ang kailangan niya muna ngayon ay training, exercise at ang syringe. Bantayan niyo muna siya ng maigi." sabi ko. Hindi ko pa tapos ang aking eksperimento, kailangan ko pa ng panahon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Runaway Gangster GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon