Pagpasok ko sa kwarto ko, malinis na. My mom died because of me and I think that's the reason why Dad is acting cold to me. Kung hindi lang sana ako lumingon buhay pa sana si Mommy ngayon. Kung hindi lang sana ako binalot ng curiosity ko...
"Baby, is it okay to you if I'll finish my paperworks today?" Mom.
"Yes ma. Besides, we will have a mommy day naman tomorrow" I said with full of excitement
Nandito ako sa office ni Mommy. Sumama ako sakanya dahil wala naman akong magawa sa bahay. Wala akong kalaro dahil wala naman akong kapatid at ka-close na kapitbahay namin. My Dad is in Europe for business matters. Magdadalawang linggo na din siyang nandoon. It's okay lang naman kasi he promised me that we will have a daddy day when he gets back.
"Okay baby, thank you. We'll go home after this"
I just nodded.
Tumayo ako at pumunta sa mini kitchen. I'm about to open the refrigerator but I heard someone asking for help. Sumilip ako sa bintana pero wala naman akong nakita except sa lalaking naka-uniform as janitor dito sa company. Nagtapon siguro siya ng basura. Di ko na pinansin at kumuha na lang ng milk and finger food.
I ate with silence. Pagtapos kong kumain bumalik na ako sa couch na inuupuan ko kanina at humiga doon.
"Baby" naramdaman ko ang paghalik sa aking noo "Baby, wake up. Uwi na tayo" sabi ni mom
Nakatulog pala ako. Wait, anong oras na?
"Mom, what time is it?" tanong ko kay Mommy habang kunukusot ang mata ko para mawala ang pagka-blurry
"Ten o'clock, baby. Tara na" she said
Tumayo na ako. Pumunta kami ni Mom sa parking lot.
"Mom, bakit?" tanong ko sakanya. Ayaw kasing mag-start ng sasakyan ni Mom.
"Ayaw mag-start, anak. Magcommute na lang tayo." hinuhot niya yung car keys sa key hole tapos lumabas na. Lumabas na din ako.
Hinawakan ni Mom yung kamay ko habang naglalakad.
"Mom, bakit ayaw mong magpasundo na lang kay Manong Pangky?" tanong ko sakanya. Wala lang, naisip ko lang na bakit hindi na lang kami magpasundo sa driver namin.
"Tulog na yun, anak. Wag na nating istorbohin dahil pagod yun" sagot niya at tumango naman ako.
Tumawid na kami. Nasa dulo na kami ng kalsada ng my tumawag sa akin
"Zabrina!"
Lumingon ako at hinanap kung saan galing ang boses na nadinig ko. Nakita kong may lalaki doon sa kabilang side. Parang siya yung janitor kanina. Pero dahil hindi ako sure, tumakbo ako papalapit sakanya. Narinig ko naman ang pagtawag sa akin ni Mom. Ewan ko pero na-curious talaga ako kung siya ba yun at kung ano ang kailangan niya. Bakit niya ako tinawag?
Malapit na ako sa kinaroroonan niya ng biglang may narinig akong busina ng sasakyan.
In just a blink, I saw my mom lying in the middle of the road. Blood. I hate blood.
Oh my God! Oh m-my... n-na hit a-and run s-si mo-m-mmy.
"MOMMY!"
Tumakbo ako papalapit sakanya. I asked for help pero walang nakakarinig sa akin. Tumingin ako sa janitor na nakita ko at humingi ng tulong sakanya pero tinignan niya lang ako at umalis na. Iyak ako ng iyak habang nakayakap kay Mom. Wala akong magawa dahil hindi ko naman siya kayang buhatin. Kinuha ko ang phone niya pero dead battery ito.