Maaga akong gumising para malinis ang apartment. Wala na rito si Celine dahil weekend ngayon kaya umuwi muna siya sa Bahay nila sa Antipolo. Tinanong pa nga ulit ako nito kung uuwi ba ako ang sabi ko nalang ay hindi ako sigurado dahil ko-kumpluhin ko 'yong mga requirements ko.
Pero ang totoo ayoko pa talagang umuwi dahil alam kong hu-huthutan nanaman ako ni mama sa Allowance ko. Nag bibigay din naman ako, pero iniisip ko rin naman ang sarili ko
Napatingin ako sa orasan nang makitang 5:30 na ng umaga. Naligo ako at nag suot ng sport bra pinaresan ko naman ng leggings. Plano kong pumunta sa sa park para mag jogging dahil na bo-bordo ako ngayon.
Nang makalabas ng apartment ay agad akong pumara ng trycicle. Malapit lang ang park pero tinatamad akong mag jogging papunta do'n.
Nang makababa ay do'n na ako tumakbo. Hingal akong tumigil at tumirin sa relo ko, 6:10 na. May dumaan na nag bebenta ng tubig at bumili ako dahil uhaw na rin ako.
Umupo muna ako sa damuhan para mag pahinga. Binuksan ko ang cellphone ko at agad pumunta sa Facebook. Wala akong masiyadong update sa ig ko dahil sa fb lang ako madalas naka online. Wala rin naman akong masiyadong kaibigan do'n.
Napatingin ako sa messenger nang mag pop-up ang gc namin. Pinag uusapan nila 'yong lalaki sa Architecture building. Hindi ako madalas mag ikot kaya hindi ko alam kung sino ang pinag uusapan nila.
Jalyn Macaña
Grabe mga ate, nakasalubong ko kahapon si Leonel. Tangina nalaglag panty ko.Pag ku-k'wento ng kaklase kong si Jalyn.
Agad ko ring ibinaba dahil hindi ako interesado. Muling bumalik sa isip ko iyong lalaki kagabi sa PureGold. Saktong pag litaw ng mukha niya sa isip ko ang pag litaw niya sa gilid ko. Tangina.
Napatingin ako sa kaniya at bahagyang napalunok nang maabutan ko itong umiinom ng tubig. Napatingin ako sa pag baba-taas ng adams Apple nito.
"Enjoying, huh?" Napabalik wisyo ako nang mag salita ito.
"Sorry," Pag papaumanhin ko. I looked up at my phone when it's ranging.
"Ma?" I asked. Napatingin pa ako saglit sa lalaki nang tumingin ito sa 'kin nang patanong.
"Uuwi ka ba, Alira?" My mom asked. Napa buntong hinga ako.
"Hindi ko alam ma, alam niyo naman pong marami akong ginagawa diba? Tatawagan ko nalang po kayo kapag nakapag bigay na ulit si tita. 500 nalang natira sa 'kin nag iipon din po ako" Pag papaliwanag ako. Bahagya akong tumayo at lumayo ng kaunti sa lalaki dahil nahihiya ako sa usapan namin ni mama.
"Osige," huling sambit nito at ibinababa ang telepono. Napatingin ako sa cellphone ko at agad na napa buntong hininga.
"Sorry ha, tumawag nanay ko," Pag papaumanhin ko rito. Ba't ko sinabi 'yon close ba kami?
"It's okay," Aniya. Namagitan sa amin ang katahimikan. Bago ako tumayo.
"Una na 'ko, ingat." Pag papaalam ko. Masiyado nang awkward.
Lumipas ang buong sabado ay tinawagan ako ni tita na bibigyan daw ako nito. Alam niya ang pag-hihingi nila mama sa 'kin. Hindi naman ito nag rereklamo sa totoo lang kahit na ay sama siya ng loob kay mama. Bilang kapatid nito ay dinadagdagan niya ang pag bibigay sa 'kin para rin sa pag papagamot ni mama sa puso. Nang dumating ang linggo ay tumawag si Celine na uuwi ito nang gabi. Napag desisyunan kong umuwi muna sa bahay para ibigay ang pera.
Nang nasa tapat na ako ng bahay ay napatingin ako rito at napa buntong hininga. Nasa labas pa lang ako pero 'yung atmosphere parang nasa impyerno na agad ako.
Pag bukas ng pinto ay bumungad sa 'kin ang kapatid ko.
"Ate," Mukhang gulat na salubong nito.
"Si mama?" Tanong ko at agad na pumasok ng bahay. May dala akong isang plastic ng orange dahil paborito ito ni mama.
BINABASA MO ANG
Taming The Flames
RomanceAlira is a nursing student. She doesn't have a very good life to live. Lahat naman ng tao oo. Bata pa lang ay nakakaranas na sila ng pamilya niya ng abuso galing sa step father nito. Ngunit nang sumapit ang takdang edad nito ay bumukod ito para sa p...