One

23 0 0
                                    

Habang naglalakad ako di ko maiwasang tignan yung mga nadadaanan ko.


Laah. Kaka transfer ko lang dito sa school na to. Puro mayayaman ang andito. Paano ako nakapasok dito? Hay nako. Nextime ko na sainyo ikukwento baka kasi masira lang ang mood ko pag naalala ko nanaman kung bakit.


Hmf -_-


Pumunta muna ako sa room ng Principal namin.


Naglakad lakad lang ako ng mapansin ko yung principal's Office. Agad naman akong nagtungo doon.


Pagbukas na pagbukas ko ay napansin ko agad ang isang lalaki na ka-edad ko at ang principal namin.


''Ohh you're here. Have a seat Ms. Valdez'' umupo naman agad ako dun sa katapad ng lalaki.


''Since andito na kayong dalawa, pwede bang magpakilala muna kayo sa isa't isa?''


Tapos tinignan naman ako ng lalaki ng -mauna-ka-look- sinimangutan ko nalang sya sinunod ko nalang.


''Kim Lorraine Valez'' yun lang ang tangi ko nasabi sa harapan ng lalaking to. Ewan ko . Feeling ko masama ang kutob ko dito.


''Lance Villanueva''


''Okay since alam nyo na ang pangalan ng isa't isa, pwede ko ng sabihin kung bakit ko kayo pinatawag na dalawa dito.''


Tinignan nya muna kaming dalawa at nagpatuloy sya sa pagsasalita.


''Kim siguro naman alam mo na ang sasabihin ko. Napagusapan na natin to nung isang araw...''


''A-ano po? Ibig nyo pong sabihin sya yung lalaking tinutukoy nyo na aalagaan ko?''


Biglang napatingin sakin yung lance na to.


''What ? Aalagaan? Ma naman. Ilang beses ko na bang sinabi na hindi ko kelangan ng yaya?''


''Sorry anak, pero kelangan mo to. Wala ka ng magagawa kundi tanggapin nalang.''


Bigla nalang lumabas si Lance sa office ni Ma'am Villanueva.


''Pagpasensyahan mo na ang anak ko ha , kim. Ganun lang talaga yun. Dibale magiging close din kayo nyan. Oh ito na ang mga kailangan mo dito sa school. You can change your clothes there sa C.R anjan na rin ang I.D mo.''


Nagpasalamat ako kay Ma'am Villanueva at tumungo na sa C.R


Di pa rin ako makapaniwala na mag aaral ako sa magarang school tulad nito. Ni minsan kase hindi sumagi sa isip ko na makakapag aral ako sa ganitong paaralan hahaha. Pero di bale na :)


Ng matapos ako magbihis ay nagpaalam na ako kay Ma'am Villanueva at sinabi nya na rin saakin kung saang room at kung anong section ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bad Girl's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon