STO - 1

305 7 3
                                    

Dedicated po kay ate @NerdyIrel siya po kasi ang unang Nagpa-Inspired sakin para magsulat ng story sa Watty  :)

Hello po :) *kaway-kaway*

Sorry po kasi wala itong PROLOGUE !

walang maisip ehh ..

PASENSAREEHHHH xDD

anw, COMVO ▬  ?? lalalala ♪♪♪

- - - - - - -- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

DANIEL PADILLA'S POV :

“THIS MEETING is adjourned!” ang sabi ko sa mga empleyadong dumalo sa monthly meeting ng Padilla Advertising.

“And next month, just make sure na mas magandang report ang maibibigay ninyo sa akin, ha?”

“Y-yes, Sir!” halos sabay-sabay na tugon ng mga empleyado ko, halatang nasisilong sa mabalasik kong tinig dahil halatang mainit ang  ulo ko.

Isa-isa nang naglabasan ng conference room ang mga ito at tuluyan na akong napag-isa, hinarap  ko naman ang mga pipiraman papeles bago lumabas.

Eksaktong alas-dose ay kaharap ko naman sa isang kilalang restaurant ang ka-lunch meeting ko sa araw na iyon.

Isang business deal na nagkakahalaga ng multi-milyong piso ang pipirmahan namin ng ka-meeting ko ngayon.

“Nice doing business with you, Mr. Bernardo,” pormal kong wika nang tumayo at kinamayan na siya.

“The pleasure is mine, Mr. Padilla,” nakangiti naman itong nakipagkamay sa akin.

Alas-dos ng hapon kausap ko naman ang board of directors ng Padilla  Empire. Nag-uulat siya sa kanilang presidente ng mga kaganapan sa hawak niyang advertising company sa nakaraang tatlong buwan.

“Well, all we can say is congratulations,” nasisiyahang wika ni uncle Richard matapos marinig ang quarterly report na pinasa ko. “Talagang hindi kami nagkamali nang ilagay ka namin bilang OIC ng kumapanya.”

“Thank you, Uncle. Anyway, I think I should take my one week vacation now. Nai-briefing ko na si Sophia sa mga gagawin niya sa office habang wala ako. I think he can make it too. Kahit na bago pa lang siya sa pag-asiste sa akin sa kumpanya, maraming katangian ko ang taglay niya.”-ako

“Well, that’s nice to hear. Alam naman namin na kapag ikaw ang nag-train, he can do it with flying colors.”- aniya

“Thank you, Uncle.”-ako

Pagkagaling ko sa opisina ng board of directors ay bumalik na ako sa opisina. Inalam ko na sa aking  secretary ang mga susunod kong meeting na kailangang matapos within three days bago ako magbakasyon.

“Ah, you have a lunch meeting tomorrow with Mr. Gothico, three PM ay kay Mr. Kabe. The following day ay magpipirmahan na kayo ng kontrata ni Mr. Giri para sa renewal nila, and at two o’clock ay si Mrs. Geronimo naman ang ka-meeting ninyo. Anyway, on the third day ay hindi ko na kayo ginawan ng appointment. Maliban sa mga papeles na pipirmahan n’yo ay wala na kayong ibang gagawin. Darating si Sir Bernardo sa bandang hapon kaya magkakausap pa kayo.”-si Sophia

“That’s good! Maasahan talaga kita, Ms. Andress. Don’t worry, may pasalubong ako sa iyo pagbalik ko,”ako I smiled at her pero di gaano , di naman talaga ako palangiti ehh .!! ngumiti lang din siya ..

AnywayHighway xD ( Ano Daw ? ) haha xD sariling pambabara ..

Di pa pala ako nakapag-pakilala sa inyo ..

Daniel Padilla nga pala , Perfectionist, metikuloso, workaholic, seryoso, istrikto, suplado, bossy, at higit sa lahat, naka-set-up na ang utak na ang tao ay dapat na mabuhay ayon sa magagandang plano sa kanyang buhay.

I had set everything by the rules. Kailangang maraming patakarang susundin para umasenso, at gusto ko pati ang mga taong makakatrabaho ko ay may magagandang plano rin sa buhay nila , or else, they can’t get along with me.

“Manang Henya, ang mga halaman ko, ha? Make sure na regular mong madidiligan at maii-spray-han ng insecticide, baka pagdating ko ay maraming tuyot na dahon iyan. Ang kuwarto ko, regular mong lilinisin. Kapag nanikit na ang alikabok, mas mahirap linisin.” At marami pa akong bilin sa aking mabait na katulong na tanging kasama ko sa mala-mansiyong bahay na ako mismo ang nagpatayo at gumasta.

And the money I used to build my own house is sa Sarili kong sikap , mahirap umasa sa iba , tsaka di ko rin Gawain yun !

Nang matanggap ko ang nakatalagang trust fund para sakin, I made my own millions na magtayo ng sariling kumpanya ng computer. Maliban pa roon ay napapamahalaan ko ang advertising company ng Padilla Empire at napagsabay ko ang pagpapalago sa dalawang kumpanya.

At iyon ay dahil sa oraganisadong takbo ng aking utak. Wala akong bisyo, walang kiyeme pagdating sa trabaho, at higit sa lahat, I won’t mixed business with pleasure.

Hindi ako kagaya ng ibang kabinataang Padilla  na kabi-kabila ang girlfriend.

May steady date ako, si Barbie na kagaya ko ay workaholic din kaya nagkakasundo kami na magdi-date lang kung kailan may time para sa isa’t isa.

At kung hindi naman magtagpo ang free time namin, it’s okay pa rin dahil wala naman kaming commitment sa isa’t isa.

- - - -

Lame ba ?! 

ComVo para sa next Chapiie ;) 

( c ) GraceNiel26ℒℴѵℯ - Alright Reserved 2013

I accept Dedication Requests 

pm me for DEDICATIONS ;)

GodBless ~ ✗o✗o♡ :* (>‿◠)✌

She's The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon