Chapter 3

2.9K 94 21
                                    

CHAPTER 3 (ALLIGATORS 6)

NGAYON lang ako nainis sa buong buhay ko. Akala ko ba ay hindi siya pupunta di'to? Akala ko ba ay busy siya sa manila?

Ngayon ay kausap ko si Fe and it's around 1pm in the afternoon. Kakagising lang niya dahil galing sa party ang babae.

"Edi go home. Kung ayaw mong makita siya." Sabi niya.

"Hello? Bakit ako uuwi kung may peace of mind ako 'rito sa hacienda? Isa pa, ang na invite sakin ang mama niya so, siya ang umalis." Inis na saad ko.

"Wow atapang na babae naman. Sa'yo ba iyang hacienda? Ikaw ba ang anak?!" Sarcastimong sabi niya.

Bumuntong hininga ako. Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame. Hindi pa ako kumain ng tanghalian dahil hindi pa ako bumaba sa sala. What if bumaba ako? What if naroroon siya at kumakain din? What if magkasagutan na naman kami? Kumakalam na ang sikmura ko. Nag paalam ako kay Fe agad.

Sumilip ako sa door mula sa loob. Kita kong wala naman tao sa labas. Dahan dahan ako lumabas at nag lalakad pababa sa hagdan. Gutom na gutom na ako.

"Oh, Hija. Pinapatawag kita kanina pa hindi ka raw nagugutom?"

Si Tita May. Halata niya sigurong gutom na ako dahil nga bumaba ako.

"Um, hindi naman po at sakto lang." Kimi akong ngumiti.

"Let's go you can eat, nasa lamesa 'rin si Alijhan."

"Ha?" Mabilis na nilingon ko siya. Ngumiti ang ginang.

"Si Alijhan nasa kusina na kakasimula palang kumain."

Nauna siya at sumunod ako. I saw him, eating his lunch peacefully. Nag tama bigla ang mga mata namin ni Alijhan. Siya na ang kumuha ng kaniyang pagkain sa kaniyang plato. Masarap ang mga pagkain sa lamesa kaya mas lalong kumalam ang tyan ko.

Nagugutom na talaga ako.

Umupo ako sa harapan niya. Kumain din si tita May sa may dulo, across my chair.

Magkatabi ang mag-ina at walang nag sasalita. Hindi ako makatingin ng maayos kay Alijhan. He's wearing a simple white t-shirt. It was revealing his biceps and forearm. Iilang ugat roon ay nakikita ko.

At bakit ko pa nakita iyon? Umiling ako ng palihim. I can't swollow my food.

"Have you roam around already?" Tita May reffering the Hacienda.

"Um, no pa po." Lumunok ako, napatingin kay Alijhan. He was quite and calm. Gumagalaw ang kaniyang kamay dahil kumakain nga siya. Mahahaba ang daliri at may iilang ugat ako ron na nakikita. Binaling ko naman agad ang attensyon ko sa pagkain.

"My son will guide you." Hindi iyon tanong, utos iyon ng isang ina. Muntikan pa ako masamid.

"Oh, Tita no it's okay I'll be good, Alone. Isa pa, meron naman pong sumasama sakin sa pag tour dito, si Je po."

"Talaga? Are you sure?" Kita ang pagaalala sa mukha ng ginang.

"Yes po." Tumingin ako kay Alijhan. Natapos siya kumain at kumuha ng tissue upang punasan ang bibig.

"Yeah, she can do that alone, Ma. May work out ako."

"Boxing?" Ang mama niya.

"Yeah," tipid na sabi niya at hindi na nag abalang tumingin sakin at umalis na. Hinalikan lang ang pisngi ng kaniyang ina.

"My son likes boxing. Minsan ay doon niya pinapatay ang kaniyang oras."

Halata naman. Malaki ang braso niya at may iilang ugat pa na nasisilayan. Pagkatapos kumain ay may ginawa 'rin si tita, pinasamahan niya ako sa isa sa mga trabahador sa kwadra, he's name is Je.


Alligators 6: Dangerous Desire (COMPLETED IN VIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon