prologue

16 2 1
                                    

Hindi ko alam na aabot tayo sa gantong sitwasyon sa buhay natin. Masyado ba akong naging kampante? Hindi ko alam kung dadating ako sa punto ng buhay ko na tatanungin ko ang sarili ko kung ano ang mali sa akin. May pagkukulang ba ako para saktan ako ng ganito?"

"A-ako naman ang mahal mo, di ba? Ako pa naman ang mahal mo," ng hihiina kong tanong sa lalaking nakatitig sa akin na para bang isang ordinaryong babae lamang ako para sa kanya. Na para bang hindi niya ako minahal, para bang hindi ako naging parte ng buhay niya. "Kaya ko naman tanggapin ang pagkakamali mo. Kaya ko nang kalimutan lahat ng pagkakamali mo. Bumalik ka lang sa akin, tatanggapin ko na ang bat-"

Hindi ko na itinuloy ang aking sasabihin ng biglang magsalita siya na labis kong ikinabigla. Mga salitang lumalabas sa kanyang bibig na labis na magpapadurog sa akin. Gamit ang aking luhaang mata, ako'y tumingin sa kanya ng may gulat at sakit na mababakas sa aking mukha. Mula sa kanyang malamig na tingin na parang yelo sa kulay abo niyang mga mata, walang anumang emosyon kang  makikita.

"Hindi kita mahal. Sa tingin mo ba mahal kita kung pipiliin ko siya kung mahal kita?" pagputol niya sa nais kong sabihin. Nakatingin ako sa kanya, ang aking mga mata puno ng katanungan. Ano bang mali sa akin para gawin nila ito sa akin? Gulat man, unti-unti nang nagsi-sink in sa utak ko lahat. Lahat ng pangloloko nila sa akin, lahat ng katangahan na ginagawa ko para lang sa kanila, lahat ng pagtitiis, wag lang akong maiwang mag-isa. Nakatingin lamang siya sa akin na para bang iniobserbahan ang magiging reaksyon ko sa mga isiniwalat niya.

"A-akuin ko ang bata at papakasalan ko siya, bubuo kami ng pamilya ng magkasama," dagdag niya pa na lalong nagpabigat ng nararamdaman ko. Hindi ako makapagsalita, parang ayaw bumuka ng bibig ko, para akong natuyuan ng laway at lumuluha lamang na nakatingin sa kanila.

"P-pero paano ako?" Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas, at parang kusang bumuka ang aking bibig at sinabi ito. Hindi ko marinig ang sariling boses. Pinilit kong magsalita nang hindi pumipiyok. Sumunod ang aking mga mata sa kamay ng aking mahal, na kinuha ang kamay ng kaibigan ko.

"Anong pano ka? Wala akong obligasyon sa'yo. Oo, sinabi ko mahal kita pero," huminto siya sa pagsasalita at tinignan ako sa mata, puso sa puso, para bang tumatagos sa pagkatao ko ang mga tingin niya. "Mas mahal ko siya," mga katagang hindi ko inaasahan na kanyang bibitawan. Gulat at sakit ang rumesistro sa mukha ko. Kanina, ay napipigilan ko pa ang malakas na paghagulgol, ngayon ay nakaupo na ako sa kalsada, nakakapit sa aking dibdib.

Ang sakit, ang sakit-sakit. Sa tindi ng sakit na aking nararamdaman, para bang pinupunit ito, para itong pinagpipirapiraso. Hindi ako makahinga sa uri ng sakit na aking nararamdaman
Dahil dito ay hindi ko namalayan na tinalikuran na nila ako, kaya naman nakatingin ako ngayon sa pigura ng dalawang tao na hindi ko inaakalang sisira ng buhay, tiwala at dudurog ng puso ko.Kitangkita ko kung papaano alalayan ng lalaking mahal ko ang kaibigan ko na para bang ito ang pinakamahal at babasaging bagay  na gamit sa buong mundo.


Gusto ko lang naman magmahal, pero bakit ganito ang binibigay sa akin? Hindi ba't karapatan ko rin bang magsaya? Hindi ba't dapat bang makasama ko ang mga taong mahal ko nang walang halong lungkot at sakit? Bakit ganon, parang ang bilis na mag-iba ng ngiti ang kapalit ng konting kasiyahan ay iyakan? Nakakasawa pala maging mabuting anak, girlfriend, at kaibigan kapag ang tanging nakikita mo ay ang pagdurusa.

Sa kabila ng mga masasayang sandali, parati na lang bang nakahanda ang kalungkutan na ipararamdam sa akin na hindi ko deserve maging masaya, o kahit makadama man lang nito.

Masakit na parang kinakalkal ang bawat buto ng puso ko, ang pagkasira nito ay mabigat sa dibdib na tila bang hindi ko na kayang huminga. Habang nakatitig ako sa kanya ngayon, nararamdaman ko ang masamang hagupit ng puot, galit, at sakit sa bawat bahagi ng aking katawan. Ang hapdi ng bawat sandaling iniisip ko kung paano tayo nagtagpo at nagmahalan, habang nararamdaman ko ang bigat ng pagkakawasak ng lahat.

Ang sakit sa puso ay tila isang hiwa na sumusunod sa bawat hakbang niya palayo sa akin. Ang pagtingin ko sa kanyang likuran ay parang tinutukso ang lahat ng magagandang alaala natin, na ngayon ay nauudyukan ng pangungulila at panghihinayang. Hindi ko maiwasang masaktan nang malalim habang unti-unti siyang lumalayo sa aking paningin.

Ang mundo ko'y parang nagiging madilim habang iniisip ko kung ano'ng nagawa ko para maranasan ang masakit na paglisan niya. Sa kabila ng ulan na dumadapo sa aking balat, ito'y tila kulang na pambalot sa lamig na dulot ng pagluha ng langit, na tila ba itong sumisigaw na kasabay ng aking pagdadalamhati ay ang ulan na para bang ako ay dinadamayan, para bang alam nya ang aking pinagdadaanan. Kasabay ng pag ulan ang hangin na parang ako ay inaalo na tumigil na sa pag iyak at pag sigaw habang nakatingin sa dalawang pigurang papalayo saakin.

Naiwan akong mag isa sa hindi ko kilalang lugar nakaupo sa lupa habang umiiyak at nag mamakaawa na sya ay bumalik. Sumisigaw na para bang ako'y kanyang maririnig. Ang tinig ng ulan at sigaw at aking iyak na lamang ang maririnig.






@thegirlwholoveclown

___________

N/A: Pasensya na sa mga maling grammar at typo.

Please vote and comment! 💗

Thank you for reading. (Ang cringe niya para sa akin, hahaha.)






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 26, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Happy EndingWhere stories live. Discover now