End of the Beginning

10 6 7
                                    

"Bakit kailangang ako pa ang mag adjust?!" Sigaw ng lalaki sa babae.

Napayuko ang babae at pinipigilang maluha sapagkat sa unang pagkakataon ay nasigawan siya ng taong pinakamamahal niya.

"H-hindi naman sa gano'n pero kailangan ko kasi ng pera." Ani ng babae.

Lumapit sa kaniya ang lalaki na umaapoy sa galit ang mga mata at nanginginig ang buong katawan dahil sa emosyong kaniyang pinipigilan.

Hinawakan niya ang babae at marahas na sinandal sa pinto ng kwarto.

"Ang sabi mo sa akin, hindi mo ako iiwan. Ang sabi mo sa akin, hindi mo ako lalayuan. Ang sabi mo sa akin, hindi mo ako papabayaan." Sumbat niya sa babae.

Magsasalita pa sana ang dalaga ngunit inunahan siya ng lalaki.

"Kaori! Nangako ka sa akin. Nangako tayo sa isa't-isa. Nagtiwala ako na tutuparin mo ang pangako mo, gaya ng pagtupad ko ng akin. Tapos ngayon ano? Babalik ka ulit sa dating ikaw?" Bulyaw niya.

Hindi na napigilan ng dalaga ang luha sa kaniyang mga mata.

"Patawad Niel, pero wala ka ng magagawa. Buo na ang desisyon ko." Matigas na sabat ng babae.

Sinuntok ang lalaki sa pinto ng paulit-ulit habang umiiyak hanggang sa 'di niya namalayang dumudugo na pala ang kamao nito. Habang ang babae naman ay umiiyak na nakatitig sa mahal niyang nasasaktan.

'Kung p'wede lang na huwag tumuloy ay gagawin ko pero hindi, kailangan kong pakainin ang mga kapatid ko.' sambit nito sa kaniyang isip.

Maya-maya ay tumigil na ang lalaki kaka suntok ng pinto at walang emosyong tumingin sa babae.

"Ililigtas kita Kaori, maghintay ka lang." Bulong niya sa babae.

Nagulat ang babae ngunit hindi niya iyon pinahalata. Ayaw niyang sa pangalawang pagkakataon ay sasagipin ulit siya ni Niel. Tama na yung isa, ayaw niya nang dagdagan pa.

"Hindi mo na ako kailangang iligtas dahil kaya ko na ang sarili ko."

Ayun lang ang sinabi ng babae at iniwang nakatulala ang lalaki.

Matapos ang pangyayaring iyon ay bumalik sa dating trabaho si Kaori habang si Niel naman ay patuloy lang sa paghahanap ng maraming trabaho upang masagip ang mahal niya.

"Akala ko ba tumigil ka na? Bakit bumalik ka pa rito Kaori?" Tanong ng nanay-nanayan ni Kaori sa bar na pinagtatrabahuan niya.

Naglalagay ng malaking hikaw ang babae habang nakatingin sa salamin. Sa kaniyang isip ay tinatanong niya rin kung tama ba ang naging desisyon niyang bumalik sa bar kahit na mayroon pa namang mas disenteng trabaho kaysa rito.

"Maayos na ang buhay mo sa labas, Kaori. Dapat ay hindi ka na bumalik pa rito." Sermon ng kaniyang nanay-nanayan.

Ipinilig niya ang kaniyang ulo at nagsalita. "Maayos nga ang buhay ko roon ngunit hindi naman sa mga kapatid ko."

"Kaya ka bumalik rito?" Takang tanong ng kausap niya.

Tumango na lang siya at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

Sa kabilang banda, tanging ang pamilya at malalapit na mga kaibigan lang ni Niel ang totoong nakakaalam sa kalagayan niya. Ang akala ng lahat ay malusog at nagpahinga lang ang binata mula sa maraming trabahong kaniyang pinasukan ngunit nagkakamali sila.

Nakahiga at natutulog ang binata sa hospital bed habang ang kaniyang kapatid na babae ay nakahawak sa kaniyang kamay at binabantayan siya. Halos buto't-balat na ito dahil sa pangayayat.

Maya-maya pa ay nagising ang binata kasabay ng tatlong katok galing sa pinto.

Agad na umaliwalas ang mukha ng binata at umaasang sa pagbukas ng pinto ay iluwa nito ang babaeng pinakamamahal niya, si Kaori.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

End of the BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon