Takbo!

899 23 4
                                    

"Bilog na bilog ang buwan ngayong gabi" ani ko sa aking sarili

"Maganda sigurong maglaro ng taguan lalo na't naliliwanagan nito ang aming bakuran" patuloy ko

Umalis ako sa pagkakadungaw sa aming bintana at naglakad papunta sa aking kaibigan na siyang aming kapitbahay lamang.

"Tes! Magandang maglaro ng taguan ngayon, tignan mo o bilog na bilog ang buwan tapos tignan mo oh maliwanag saktong sakto lang sa paglalaro natin" sabi ko sa aking kaibigan

"Sige sige , tara sabihan natin yung iba nating kaibigan. Mas marami mas masaya!" Masiglang sagot nito sa akin.

Masiglang naglalakad kami ng aking kaibigan upang tawagin ang iba pa naming kasama upang makapaglaro na kami ng taguan

Nang magkakasama na kami ay sinimulan na naming maglaro.

"Maiba taya!" Sambit ng isa kong kaibigan, si Jon

"Ulitin natin hindi ako handa, teka lang!" Reklamo ni Janice isa ko ring kaibigan.

"Hoy! Andaya mo naman ikaw sana ang taya e!"

"oo  nga eh!"  Reklamo rin ng dalawa ko pang kaibigan na sina bert at pipay

"Ulitin nalang natin, maghanda na lang kayo!" Sambit upang matigil na sila sa pagrereklamo at matuloy na ang aming laro

"Maiba taya!" Paguulit ni Jon

"Pwede sumali?" Sambit ng isang babaeng hindi pamilyar sa aming magkakaibigan

Mahaba ang kanyang buhok at magulo ito, nangingitim ang baba ng kanyang mga mata at marurumi ang kanyang mga kuko.

Ngunit sabi nga ni Tes mas marami mas masaya kaya naman pumayag kaming sumali siya sa aming laro

"Sige pero ikaw na ang taya ha." Sabi ni jon at ni janice

"Sige, ngunit teka ano ba ang lalaruin natin ?" Tanong ng batang babaeng sumali sa amin

"Tagu-taguan" sambit ko

"Sige ako na ang taya" nakakatakit na ngiti nito

Ngunit dahil sa nasisiyahan ang mga kaibigan kong maglaro hindi nila ito napansin

Isinawalang bahala ko na lamang ito at naghanda na upang mag tago.

"Kung sino man ang mahahanap ko, patay kayo sa akin" sabi nito at pumunta na sa kanyang puwesto

" Kung mahahanap mo kami! " Mapang hamon na sambit ng aking mga kaibigan at nagsitawanan

" Tagu-taguan maliwanag ang buwan.... "

Nagsimula na siyang magsalita ngunit sa pakiramdam ko ay parang may hindi magandang mangyayari ngayong gabi.

Nagtago na lamang ako sa loob ng drum na nasa likuran lamang ng amin halaman, siguradong hindi niya ako mahahanap agad sa pinagtaguan ko.

Muling napunta sa isipan ko ang hitsura ng babaeng sumali saamin

Parang may mali sakanya, ngunit hindi ko masabi kung ano iyon. Para bang hindi siya dapat pagkatiwalaan

"Walo, siyam, sampo! Maghanda na kayo sapagkat iisa-isahin ko na kayo!" Pagtatapos na sabi niya at bakas sa huling sinabi niya na parang may ibang ipinapakahulugan ito.

"Bulaga! Hello Jon" Sabi ng babaeng isinali namin

Rinig kong sabi ng babae, siguro ay nahuli na niya si Jon. Sumigaw si Jon dahil doon, siguro ay napasigaw siya dahil sa gulat niyang siya ang unang nahuli sa aming taguan.

"Ahhh!!" Rinig na naman ang sunod na sigaw ni Janice. Ba't sila nagsisigawan? Nagugulat ba sila dahil sila ang mga nauunang mahuhuli niya.

Napahagikgik na lamang ako dahil alam kong mahirap hanapin kung saan ako nagtago.

Sunod-sunod ang sigawan ng aking mga kaibigan siguro ay ako na lamang ang hindi pa niya nahuhuli.

"Ohh Maria!" Pakanta nitong banggit sa aking pangalan

Napangiti na lamang ako dahil alam kong ako na lamang ang hinahanap niya. Hinawakan ko ang aking bibig upang hindi ako makagawa ng ingay.

" Labas na Maria!" Pakanta parin niyang sambit habang rinig ko ang kanyang mga yapak sa mga dahong tuyo na.

"Magbibilang ako ng lima magpakita kana!" Pakanta parin nito. Napagikgik na lamang ako doon siguro nga'y mahirap talagang hanapin ang puwesto ko kung saan ako nagtago kaya sinasabi niyang magpakita na lamang ako.

"Isa!" Matapang na sambit niya

"Dalawa!"

Dahil nacu-curious na ako kung ano na ang ginagawa ng aking mga kaibigan dumungaw ako kaunti sa drum na pinagtataguan ko.

Natutop ko ang bibig ko sa nakita ko, ang mga kaibigan ko. Nakahandusay, duguan, at wasak - wasak ang katawan napatingin ako sa kaliwa ko at nakita ko ang nanghihinang si Tes, duguan ang kanyang mukha at nanghihina. Nakatago siya ngayon sa likod ng puno, napatingin siya sakin at kitang kitang sa mga mata niya ang sakit at lungkot.

"Tatlo!"

"Takbo!!!" Pagkasabing pagkasabi ng babaeng sumali sa amin kanina ang tatlo ay sumigaw si Tes at sinenyasan ako

'Di na ako nagpatumpik-tumpik pa at lumabas na ako sa drum na pinagtaguan ko at sinundan ang kaibigan kong paika - ika ang pagtakbo. Ngunit dahil sa maraming dugo ang nawala sakanya ay unti-unti siyang nadapa at iniangat niya ang kanyang ulo.

"Aswang ang babaeng isinali natin sa laro" nanghihinang sambit niya at nawalan na ng malay.

Tumalikod at tumakbo nalang ako upang makatakas ngunit napatid ako sa kahoy na nakabalandra na siyang dahilan kung bakit ako naabutan ng babaeng aswang. Ngumiti muna siya at nakita ko ang pamumula ng mga mata niya at ang pag-angat ng kamay niya na may hawak na malaking bato. Dahil sa takot at kaba ay naihi ako sa akinng saplot at nawalan ng malay.

• • • • • •

Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga dahil sa naging panaginip ko.

"Aswang?" Nasabi ko sa aking sarili

Tumingin ako sa aming bintana at aking napagtanto na gabi na pala mag-aalasyete na ng gabi. Tumingin ako sa langit at nakita ko ang bilog na bilog na buwan na sobrang liwanag. Ngunit wala pa sina mama siguro ay nagtitinda pa sila sa palengke baka mamaya pa sila makakauwi.

Napagpasyahan kong magpahangin muna sa labas ng aming bahay. Inayos ko ang pinaghigaan ko at isinuot ang tsinelas ko upang lumabas muna sa loob ng aming bahay upang magpahangin.

Malakas at sobrang lamig ng simoy ng hangin, ang mga dahon  ay nagsisiliparan at ang mga kahoy ay tila ba'y nagsasayawan.

Ipinikit ko muna ang aking mga mata upang damhin ang preskong hangin.

Di kalaunan ay may nagsalita sa aking tabi. Tumingin ako sakanya at nanlaki ang aking mga mata.

Ang babaeng nagsalita ay ang babaeng aswang sa aking napanaginipan kani-kanina lamang.

Nanginginig ang aking katawan lalo na nung siya ay ngumiti saakin. Malayo man siya ay kitang kita ko parin na siya nga ang babaeng nasa panaginip ko.

"Isa!!" Sigaw na pagbilang ng babae

"Dalawa!!"

'di ako makagalaw, gusto ko mang tumakbo ngunit parang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko

"Tatlo!!!!!"

"Takboooo!!"

"Ahhhhhh!!!!!"

• • • • •

A/N: Ang kuwentong ito ay open ended kaya't ang wakas ay nakadepende sa kung ano ang naging kaisipan ng mga mambabasa sa nangyari sa wakas.
Happy Reading my lovely readers!!

Isa, Dalawa, Tatlo, Takbo! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon