Unang pagsasalubong ng ating mga mata;
Siya rin simula nang unang kabog at kaba,
Sa murang edad, ikaw ay nakilala,
Pagtatagpo na hindi ko inakala,
Unang paglapat ng ating mga mata,
Ang siyang dahilan nang aking pagkilala,
Nang mga hindi ko naman iniinda,
Tulad ng kabang nadarama.
Katawan ko'y nanginginig sa tuwing ika'y malapit,
Tenga ko'y pumipintig sa tuwing pangalan mo'y naririnig,
Sumisila'y ang ngiting hindi ko mawari
Kasabay ng mukha'y nagniningning, sa presensya mong ang lakas ng dating.
Ako'y taglay na duwag na hindi makapagsalita,
Wala man lang pagkakataon na ibinigay sa atin ang tadhana,
Totoong nararamdaman ay isinawalang bahala,
Hanggang sa mahantung sa, "KUNG TAYO'Y AAMIN, may mababago kaya?"
BINABASA MO ANG
KUNG TAYO'Y AAMIN
RandomMababago ba ang paksa ng aking sulatin, KUNG AKO, TAYO'Y AAMIN?