3

6.3K 111 12
                                    

This is the worst day ever. Wala akong nagawa kundi pumayag na sumama siya. Ayos lang sana kung sa kotse ako ni Garry, pero heto ako at nakasimangot habang nakasakay sa passenger seat. 

"Your seatbelt," rinig kong sambit niya. Hindi ko siya pinansin. "Isusuot mo, o ako ang magsusuot--"

"Heto na!" Inis na bulyaw ko at padabog na hinugot ang seatbelt para isuot sa'kin.

Mas lalo akong nainis nang marinig ang pagtawa nito, na animo'y may nakakatawa. Nang sulyapan ko siya ay kagat-kagat na nito ang labi.

"It's been a years, pero masungit ka pa rin," sambit nito at pinaandar na ang kotse.

"It's been a years, pero para sakin, you are still the lampa-lampa na nerd," masungit na sambit ko.

He bit his lower lips. Naroon pa rin ang ngiti sa labi niya na mas lalong nagpakulo sa dugo ko. Nilait ko siya diba? Pero bakit nakangiti pa ang kumag na 'to? Nabaliw na ba siya sa yaman niya?

 "What's funny ba ha?" Bulyaw ko.

Sumulyap ito sakin saglit bago magsalita. "I'm just happy, Baby. Bagay ka sa passenger seat ko. Hindi na ako magpapasakay ng iba rito. Promise that I will never allowed anyone seat there, from now on, that is yours."


As if naman may pakealam ako kung may uupo pang iba rito. Tsk! Hindi ko alam kung talaga bang malayo ang lugar na bibilhan namin ng kotse o talagang nababagalan lang ako sa oras. Ang tagal! Gusto ko nang bumaba rito sa kotse niya!

Napairap ako. "Crazy nerd na lampa-lampa," mahinang sambit ko.


"Can me whatever you want. Crazy, nerd, lalampa-lampa. Ayos lang sa'kin. Basta nasa akin ang atensyon mo," seryosong sambit nito.

Imbes na magsalita ay inirapan ko na lang siya. Ilang minutong katahimikan, hanggang sa...

"Wait," napaupo ako ng maayos at tinuro ang familiar na lugar.

"Yes, baby?" Tanong nito.

"Don't call me that! Dumaan na tayo kanina rito ah!" Sambit ko at muling tinignan ang dinadaanan. "Nakita ko na rin kanina 'yun!" Sabay turo sa tindahan.

Sigurado ako na dumaan na kami kanina rito!

"Sa totoo lang, pangatlong ikot na natin 'to. Hindi ko naman akalain na hindi mo mapapansin agad," sambit nito ng nakangiti. Nagngitngit ang mga ngipin ko. Kumukulo ang dugo ko sa narinig mula sa kanya.

"Baliw ka ba o talagang baliw ka na talaga?" Madiin at halos rinig na rinig na sa boses ko ang inis.

"Baliw sayo," sambit nito at binilisan ang pagpapatakbo. Napapikit ako. Relax, Daryha. Isipin mo kuya pa rin siya ni Jerico.

And what did he say? Baliw kanino? Sa'kin? Para siyang ewan!

Imbes na makipagtalo pa ay sumulyap na lang ako sa labas. Hanggang sa maalala ko si Herica. Yeah, right. I should call her. Kinuha ko ang phone ko, pero natigilan din nang tinigil ni Leozardo ang sasakyan. Nasulyapan ko rin si Herica sa labas ng building at doon ay nakita ko ang mga sasakyan sa loob dahil glass ang palibot.


"This is the one of the--" Hindi ko pinansin ang sinasabi ni Leozardo. Mabilis ko lang binuksan ang pinto ng kotse niya at sinara iyon kahit na nagsasalita pa siya.

"Ba't ang tagal niyo?" Herica asked when I already infront of her.

"Tanong mo sa baliw na 'yun! Tsk! Let's go na nga. Gusto ko na pumili at makauwi na. I hate to be with him!" Inis na sambit ko at pumasok na, pero nagulat ako nang harangan ako ng guard.

"Ma'am, appointment niyo," sambit nito.

Kumunot ang noo ko. "Appointment? Kailangan ng appointment?" Takang tanong ko.

Chase Me, Mr. BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon