KABANATA 10

149 15 2
                                    

Jamaica's POV

Napasarap ang tulog ko kaya hindi ko namalayan ang oras nagising na laman ako sa sunod-sunod na katok mula sa pinto ng kwartong tinutulugan ko agad akong napatayo ng maalala na wala na nga pala ako sa bahay namin.

Natatarantang binuksan ko ang pinto bumungad agad sa akin ang gwapong mukha ni Lucca. 

"Naistorbo ba kita? Kanina ka pa kasi tulog diba aalis tayo ng tanghali ngayong Linggo. Mag-almusal ka na."  saka ito tumalikod at naglakad palabas ng  ahay.

Napakagat-labi na lamang ako, nakakahiya kay Lucca! Nakabihis na siya habang ako eto nangangamoy panis na laway pa ata ako. Nagtungo ako agad sa kusina para kumain ng nakahain na Almusal natanawan ko sa labas ng bahay si Lucca habang may kinakausap na isa sa mga tauhan niya siguro ay nagbibilin ito, ang gwapo niya sa suot niyang black fitted jeans at black t-shirts. Naku naman lalo akong napapahanga sa kanya napapa-isip tuloy ako kung anong itsura ng abs gaya ng ibang mga lalaki pano well form ang mga braso niya! Nabulunan ako ng biglang bumaling sa bintana si Lucca saka ako nginitian pero hindi ako nagpahalata kinuha ko agad ang isang basong tubig at nilagok iyon.

Sunod-sunod ang subo ko ng marinig ko ang pagbukas ng front door siguradong pumasok si Lucca.

"Masarap ba ang luto ko?"  tanong nito habang sukbit na ang backpack bag niya.

Tumango lamang ako hindi ko magawang magsalita dahil puno ng pagkain ang bibig ko nakakahiya naman kung bigla akong magkalat.

"Okay, glad you like it. Ilalagay ko na muna itong bag ko sa speed boat tapos babalik din ako agad maligo ka na sana pagkatapos mong kumain saka magpantalon ka ha at jacket na din kasi magmo-motor tayo wala pa kasi akong pera pambili ng kotse."

Nilinok ko muna ang pagkain na nasa bibig ko sabay inom ng tubig.  "Okay lang sa akin na naka-motor tayo kaso wala akong jacket at helmet eh."

"Nagpabili na ako kanina ng helmet para sayo nasa Resort na sa Opisina ko. May extrang jacket ako sa cabinet bahala ka nang pumili ng gusto mong gamitin. Sige alis na muna ako. Mag-lock ka ng pinto pag-alis ko may susi naman ako kaya kahit wag mo na akong antayin maligo ka na para hindi tayo gabihin sa daan."

"Okay. Sige salamat pagkatapos ko kumain maliligo na ako tapos kukuha na lang ako ng jacket sa kwarto mo ha."  habol kong saad bago siya tuluyang lumabas ng bahay.

Ang saya-saya ko! Binilhan niya ako ng helmet at pwede ko ding isuot ang jacket niya! Inubos kong lahat ng hinandang Almusal ni Lucca saka ako nagtungo sa kwarto ko at kumuha ng pantalon at t-shirt talagang ginaya ko ang kulay ng mga suot nito para Couple kami kunwari!

Nagmamadali akong lumabas ng Kuwarto sinigurado ko munang lock ang mga pintuan Bago ako pumasok sa Banyo para maligo nagkuskos ako ng mabuti para mabango ako at nag-shampoo na din. Saglit lang akong naligo dahil excited na akong umangkas ng motor! Pagkatapos kong tuyuin ang sarili ko ibinalumbon ko naman sa buhok ko ang nag-iisa kong  tuwalya saka ako nagbihis dumeretso ako ng kwarto ni Lucca para mamili ng isusuot na Jacket. Nilanghap ko ang amoy ng aparador niya ang bango! Nakakita ako ng kulay puting Jacket bet ko ang isang 'yun kaya kinuha ko saka ko niyakap ng mahigpit para ko na ring yakap si Lucca!

Ipinikit ko ang mga mata ko saka ako umikot-ikot habang yakap ko ang Jacket na napili ko. Nahinto ako sa pag-ikot nang may mabangga ako kaya nagdilat ako ng mga mata ko.

"May problema ka ba Jai?"  natatawang tanong nito nakaramdam ako ng pag-iinit ng magkabilang pisngi  kaya minabuti ko na lamang na yumuko.  "Nakapili ka na pala ng Jacket nice taste paborito ko kasi 'yan."

"Ha?"  nag-angat ako ng tingin.  "Ay ganun ba sorry sige heto o pipili na lang uli ako ng iba."  lahad ko ng hawak kong Jacket na Puti.

"Sayo na 'yan. Marami pa naman akong pwedeng isuot dito."  humakbang siya saka ako nilagpasan dumeretso sa Cabinet para pumili ng Jacket. Isang itim na Jacket ang napili niya. Isinuot niya iyon at inayos kahit nakaharap pa ako sa kanya naku kinikilig tuloy ako. Nilingon niya ako.  "Okay na ba ang lahat ng gamit mo?"

Hindi ko mapigilang mapangiti.  "Oo ayos na lahat."

Nauwi sa tawa ang simpleng ngiti ko ng biglang tumawa si Lucca habang isinusukbit sa balikat ang backpack bag ko.  "Ang weird mo talaga Jai. Tumangkad ka lang pero yung ugali mo ganun pa din."

"Wow! Talagang ako yung weird eh ikaw po kaya yung biglang tumawa diyan ah nahawa lang ako sayo noh!"

"Mukha ka kasing Clown kung maka-ngiti."  sige ang tawa nito sa asar ko kiniliti ko siya ng todo sige naman ang iwas niya hanggang sa mahawakan niya ang mga kamay ko. Nahinto ako sa pagtawa ng magkatitigan kami ganoon din siya.

Nagpalit-palit ang tingin ko sa mga mata niya at sa labi niya gusto ko uling mahalikan ang mapupulang labi ni Lucca. Bahagya akong tumingkayad para maabot ko siya kaso umiwas si Lucca.

"Jai, kinuha kita bilang Responsibilidad ko dahil may Mali ako hinayaan kong mangyari 'yung mga bagay na 'yon kaya nasa ganitong sitwasyon tayo."  seryosong saad nito.

"A-ayaw mo ba talaga sa akin Lucca?"

Huminga siya nang malalim.  "Wala akong sinabing ayoko sayo ang kaso lang kasi mga Bata pa tayo para sa mga ganyang bagay pano kung biglang dumating ang araw na magsisisi ka dahil ako 'yung pinili mong samahan kesa sa balak ipakasal sayo."

"Gusto kita Lucca! Alam mo yan gustong-gusto kita!"

Ngumiti lamang si Lucca saka ako dinampian ng masuyong halik sa noo.   "Ginagalang kita Jai. Makakapag-antay ang mga bagay na gusto mong mangyari sa ngayon maging masunurin at responsableng mga Anak muna tayo."

Sa pagkakataong ito niyakap ko ng mahigpit si Lucca ang lapit lang niya sa akin pero bakit parang isang milya ang layo namin sa isa't-isa. Mahina akong humikbi.

"Jai. Mas magandang ganito na lang muna tayo wag kang magmadaling tumanda."

"Paano k-kung may makilala kang Babae at makalimutan mo ako Lucca. B-bakit kailangan pa nating mag-antay kung pwede naman nating subukan ngayon diba."  pamimilit ko.

"Mahirap magkamali Jai, isa pa masyadong seryoso ang gusto mong pasukin na Relasyon. Meron ka bang nakita na Babaeng sinama ko dito?"

Umiling ako.

"Hindi ako Babaero alam mo 'yan mas nauubos ang Oras ko sa pag-aaral at dito sa Wanda's Resort kesa ang maghanap ng Babae. Tumahan ka na at aalis na tayo."

May katwiran siya kahit dati marami na siyang tagahanga pero kahit isa wala siyang pinatulan. Siguro talagang ayaw lang niyang magmadali dahil ayaw niyang makasakit at masaktan.

ako si... LuccaWhere stories live. Discover now