VI

37 4 2
                                    

Marie

Day by day mas lalo ko syang minamahal, sa araw araw na magkasama kami mas lalo akong nahulog sa kanya sino ba naman ang hindi, bukod sa taglay niyang ganda, masyado rin siyang mabuting tao lalo na sa mga batang walang makain, nagpapalaboy-laboy sa kalsada.. pag may nakikita siyang pulubi inaabotan niya kahit magkano lang madalas pagkain, especially sa mga matatanda naawa daw sya na aalala niya daw kasi ang kanyang Lolo kaya ang ginawa namin every Sunday nagluluto kami ng pagkain, nilalagay namin sa styrofoam sinasamahan na rin namin ng bottle water. naglilibot kami para magbigay ng pagkain. sobra naman akong nag eenjoy sa Ginagawa naming dalawa. Ang sarap pala sa feeling na makatulong ka kahit papano, kahit sa maliit na bagay lang makita 'yung mga ngiti nila worth it lahat ng pagod sa Ginagawa mong pagtulong.

Masaya ako pagkasama ko siya, she's my everything, my happiness, my sadness, my painreliver.

I want to be with her forever, I want my future to be with her.

" Tulad parin po ba ng dati Miss Marie?"pukaw na Tanong ni Lena bantay ng flower shop. Ngumiti ako at tumango. Nandito nga pala ako sa flowers shop swempre para bumili ng bulaklak. Binilhan ko ang aking binibini na si Rain ng bulaklak, sunflower ang favourite niya kaya ayon palagi ang dinadala ko sakanya.

" Miss Marie ito na po.. " sabi ni Lena. Iniabot niya na sakin ang bouquet ng sunflower, inamoy ko 'to. ang bango, napangiti ako habang pinagmamasdan ang bulaklak, mukhang matutuwa na naman sya dito.

" Mahal na mahal nyo po talaga siya no.." napatingin ako kay Lena sa sinabi nito.

" Sobra.." naka ngiti kong sagot.

" Halata nga po.. lagi niyo syang binibilhan ng bulaklak.. ang swerte niya " naka ngiti niyang sabi.

No one know how much I love her.

Ngitian ko din siya pabalik bago inabot ang bayad at nagpaalam na aalis na

Bumili na muna ako sa 7/Eleven ng makakain namin, cup noodles at yakult 'yan ang fave naming dalawa. Nag order na rin ako sa mcdo isa pa naming fave kainan. Nang makompleto ko ang kailangan ay nagtungo na ako kung nasan si Rain.



" Hi love.. happy 5th Anniversary to us." Bungad na bati ko.Ibinaba ko na ang hawak kong bulaklak pati na ang dala kong pagkain at inayos ang pagkakalagay sa may gilid niya at nag sindi ng kandila.

Rain L.
born Jan. 12,2000
died march 07,2022



Nasa sementeryo ako ngayon.

" It's our 5th Anniversary love .."

" ..ang daya mo love..sana nagce-celebrate tayo ngayon.. sana masaya tayo.. " nagsimula ng uminit ang ilalim ng mata ko badya ang luhang gusto ng pumatak.

She left me..

she died.



It's been 2 years since she died . Pero sariwa parin ang sakit, lungkot pangungulila.


" Miss na miss na kita love.." tumulo na nga ang mga traydor kong luha. Gustong gusto ko na siyang mayakap, mahalikan, makasama ulit.

Sadyang madaya ang tadhana

Nabangga siya ng kotse. Hindi naman dapat siya mababangga kung di niya lang niligtas yung lolang tatawid ng kalsada, katabi ko siya nung mga oras na yon masaya pa kaming kumakain ng fishball habang nagtatawanan. Nagtataka nalang ako bat siya nagmamadaling tumakbo, paglingon ko nakita ko kung pano niya na itulak ang matandang babae at siya ang nabangga ng kotse. Kitang kita ko pano bumagsak yung katawan niya sa semento, para akong binuhusan ng malamig na tubig hindi ko alam ang gagawin ko that time pero tinakbo ko yun para makalapit sa kinakaroonan niya. Sobrang nakakaawa ang itsura niya, puno ng dugo

May malay pa siya ng makalapit ako, may sinabi pa siya bago siya nawala.

"Lo..love... Ma..mahal ..na.. m-mmahal ki..ta..pas-sensya na ha.. di na natin ma..tutuloy ang .. panga..rap .. natin.. mag--- iingat ka... Pala..gi.."
Sabi niya nahihirapan na siyang magsalita ngunit pinipilit niya parin.

" No love dadalhin kita sa hospital.. lumaban ka please.." sabi ko na umiiyak na. Hinimas niya ang mukha ko ng kamay niyang may bahid ng dugo.

"Pa.. alam.. m-mahal ko.." huling sinabi niya bago pumikit ng tuluyan ang mga mata niya at kasabay ng pagbagsak ng kamay niya. Humagulgol na ako ng iyak Wala akong pake kung ano nang itsura ko nung mga time na yon, sobra akong nasasaktan, sobra ang sakit. Bakit siya pa. Huli na nung isugod siya sa hospital wala na siya. Iniwan na niya kami.

Nahuli naman ang may ari nung kotse na nakabangga sakanya na ngayon ay naka kulong na. Nawalan daw ito ng preno.

Isang taon din akong nagkulong sa kwarto,
Sobrang sakit parin, sobrang lungkot. Madami kaming plinano na ako nalang mag-isa ang magtutuloy. Nagbalak kaming magpakasal after namin makatapos ng pag aaral. 1 year nalang sana at ga-graduate na kami. Legal kami both parents at tanggap kami.
Sobra din silang nalungkot sa sinapit ni Rain. No one knows na Ang mabuting tao na si Rain ay mabilis lilisanin ang Mundo. Napaka Bata niya pa at ang dami pa niyang panagarap. pangarap naming dalawa.

Kahit mahirap tinuloy ko ang buhay, kahit wala na siya meron kasi kaming Plano na alam kong matututawa siya kahit ako nalang ang magtutuloy

" Love tapos na ang  pangarap nating bahay.."

Nagtapos ako ng pag aaral, siya ang naging inspirasyon ko.. dahil alam kong ayon ang gusto niya para sakin.  Ngayon isa na akong Architect. Nakapagpatayo na rin ako ng bahay. Yung plinano naming magiging bahay naming dalawa na ako ang mismo ang nag gawa

" Miss na miss na kita love.." hinihimas ko ang puntod niya. " Balik na kana oh.."  patuloy ang pag agos ng mga luha ko.

"Dala ko 'yung favourite mong bulaklak at pagkain.."

" Okay ka lang ba dyan?"

" Okay lang kami dito.. "

" Miss na miss kana namin love."

Para akong Tanga na kinakausap ang puntod niya, lagi ko naman 'tong ginagawa Pag pumupunta ako dito halos dito na nga ako tumira. Pag nandito ako parang kasama ko na rin siya.

" love kung meron mang susunod na buhay ikaw parin ang gusto kong makasama.. ikaw parin ang pipiliin ko. "

" Ikaw parin ang mamahalin ko.."

" Mahal na mahal kita Rain..  ikaw parin hanggang ngayon.."

" Maraming salamat dahil nakilala kita.. marami akong natutunan na babaunin ko habang mabubuhay ako love.. "

Kahit wala na si Rain ipagpapatuloy ko parin ang nasimulan namin na every Sunday magbibigay ng pagkain sa mga homeless especially sa matatanda, yung matanda palang niligtas ni Rain ay palaging dumadalaw sa puntod niya, nagpapasalamat parin siya sa pagkakaligtas niya dahil kay Rain, palagi niya rin akong kinakamusta at pinag luluto ng pagkain, meron kasi silang maliit na kainan kaya don ako minsan tumatambay si Lola nenang na rin ang nagluluto Every Sunday para ipamigay sa mga homeless. Pag nakakakita ako ng matatanda si Rain ang naalala ko, napapangiti ako.

Ganon talaga siguro ang buhay, hindi mo hawak ang oras, Hindi mo alam kung kelan ka tatagal Sa Mundo, hindi mo alam kung papabor ba sayo ang tadhana.

yung nasa tamang tao kana ngunit nasa maling pagkakataon.


Until we meet again my love.. see you in another life
my Rain Alcantara..





End.

The Girl at 7eleven (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon